Sanjyu Hachi [Thirty-Eight]

157 16 16
                                    

Daidairoka Shainah's POV

"Mmm..." Sobrang sakit ng ulo at katawan ko, ah. Dahan-dahan kong minulat 'yung mga mata ko at nakita ko ang kisame ng kwarto ko. Teka, ibig sabihin...?

"Buti gising ka na, nanodayo." napatingin ako sa kaliwang tabi ko at nakita ko si Shin. "Tatlong araw kang walang malay."

Huh? Tatlong araw? Paano? "T-Teka Shin..." tumingin siya sakin. Natatakot ako magtanong kasi baka, baka hindi panaginip 'yung kay Hanah.

Pero kailangan kong tanungin nang mapanatag ako. "S-Si Hanah... p-pala?" Please naman, sana walang nangyaring masama sakanya. Na sana panaginip lang 'yun.

Pero my hopes failed me.

Biglang nag-iwas ng tingin si Shin. H-Hindi pwede... "Nasa ICU siya. Unstable. May gunshots siya left and right of her lungs, sa right leg at left shoulder. Masyadong malalim kaya kailangan siyang ilagay sa ICU."

"Kasalanan ko! Argh! Dapat hindi ko siya iniwan! Alam ko namang... argh!" Napaiyak nalang ako habang sinasabunutan ang sarili ko. Napaka-useless ko. Bakit ko ba kasi siya iniwan?!

Nakaramdam ako ng mga brasong nakayakap sakin kaya't napahagulgol ako lalo. Sobrang guilt ang nararamdaman ko, mas sobra pa kaysa noon sa amin.

Tanging hagulgol lang ang maririnig mo sa loob ng kwarto ko. Buti at hindi nagsasalita si Shin dahil comfort at silence lang ang kailangan ko.

Nang mahimasmasan na ako ay nag-aya na ako pababa. Sobrang laki na ng pinagkaiba sa isang iglap. Kung dati, maingay pero masaya ang maaabutan mo pero ngayon, sobrang tahimik.

Pagbaba ko ay naka-upo silang lahat sa sala, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. Umupo nalang kami sa isang bakante pang sofa.

"Nasaan si Ate Kate?" tanong ko nang mapansin kong wala siya.

"Nasa ospital." sagot ni Tracy. Napatango nalang ako. Ilang saglit lang eh umalis na rin si Shin kaya naiwan kaming apat dito.

"Kasalanan ko." napatingin kami kay Allysa na nagsalita. Walang nakasagot. "Kung hindi ako nag-suggest na maghiwalay kami, mapipigilan ko siya sa pagpunta."

"May kasalanan din ako. Kung hindi ko iniwan si Elle, eh di, eh di napigilan ko siya." segunda ni Nina.

"Ako rin. Kung mas iniwan ko siya sa mataong lugar o kung hindi kaya isinama ko siya, walang ganung mangyayari sakanya." nagsimula nanaman akong ma-guilty. Responsibilidad ko siya eh, kasama niya ako.

Tahimik lang kami nang magsalita si Tracy.

"Ano ba kayo?! Sisihan kayo nang sisihan dyan! Kasalanan ni ganito, ni ganyan, aksidente— or rather, sabotage ang nangyari sa atin! Hindi niyo kasalanan dahil hindi naman kayo ang gumawa!" natahimik kami pero may idinugtong pa siya.

"Hindi ko alam, at hindi ako sure pero, may gustong sumira sa'tin." napaisip kami. Oo, posible dahil may letters kaming nakita at si Hanah... may gusto siyang iparating sakin. Sino?

"Hindi ba, Ate Nina, Ate Shai, iniwan niyo sila Elle at Hanah sa isang lugar?" Bakas sa tono ni Allysa na parang sarcastic at nang-po-provoke. Pero bakit?

"Anong gusto mong iparating, Allysa? Na kami mismo ang nagplano na gawin 'yun?" sagot ni Nina. Teka nga muna, parang hindi ko 'to gusto, ah.

"Allysa, 'wag mo kaming sisimulan, bakit ikaw, hindi ba nag-suggest ka na maghiwalay kayo ni Sophia? Baka ikaw ang may masamang plano, 'di ba?" napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon