Yonjyu Nana [Forty-Seven]

188 16 37
                                    

Warning: Ahy ewan. Kakornihan ulit. :v

Eniway, napagmasdan niyo na ba 'yung bago at huling palit ng cover nito? Ang ganda ano? Hahaha! Thank you Ate Kate! Niway, nakikita niyo 'yung walong babae? If ever na alam niyo kung saang anime sila, please comment. Kailangan ko talagang malaman. Thank you! :))

—————-

Saginomiya Sophia's POV

"Ate!" napalingon ako sa main door nang sumigaw sila. At nandun nga si Ate. Tumingin lang ako at binalik agad ang atensyon ko sa pagko-compute.

Ngayon, paano ko mapapagkasya 'yung 7000 yen sa aming pito? Pito kasi iba na 'yung gastusin ni Ate Kate eh. Haaay, dati kasi si Ate ang nag-aarrange nito at kami ang runners pero ngayon... "Haaay."

"Oh, kanina pa kita pinagmamasdan na namomroblema." Napasandal nalang ako sa couch tsaka tumingin kay Ate. "Ang stressful pala nito."

"Hahaha! Akin na nga 'yan." Kinuha niya sakin 'yung calculator at notebook para pagkompyutan. Sige, ipaubaya na natin kay Ate, para saan pa't mag-a-accountancy 'to si Ate. Hahaha!

Tumayo nalang ako at pumuntang kusina para kumuha ng juice saming dalawa. Pagbalik ko ay mukhang patapos na si ate sa pagba-budget. Iba talaga accoutants. Hahaha, anong konek?

"Oh, tapos na. Marami ka naman nang nagawa eh, kaya tapos ko na. Ayos mo rin ah, samahan mo na ako mag-accountancy." Joke ni ate kaya natatawang umiling ako.

"'Wag na, sayang lang tuition na ipapambayad nila mama 'pag nag-accountancy ako. Hahaha!" nagtawanan lang kami atsaka ako tumayo para pumuntang kwarto at magbihis. Ako kasi ang aalis at mamimili dahil lahat kami dito may kanya-kanyang gagawin.

Pagbaba ko ay tumayo si ate sa couch sabay sabing, "Tara, samahan na kita." Ngumiti ako at tumango. Nagpaalam ako kanila Shai at Elle na nasa sala at tumango lang sila.

Palabas na kami ni Ate nang harangin kami nila Akashi at Taiga. "Teka lang, saan kayo pupunta?"

"Ah, bibili ng gamit para sa pasukan?" nagkatinginan naman kami ni Ate nang anong-problema-nila look nang biglang hatakin ni Akashi si Ate. Naramdaman ko namang bigla rin akong hinawakan ni Taiga atsaka hinila.

Nauuna sila Ate at Akashi sa amin at kami itong nandito sa likod. "Huy, saan tayo pupunta?"

"S-Sasamahan kayo. Kaso gusto ni Akashi na s-silang dalawa lang ni Kate k-kaya ano... ah basta! Sumama ka nalang sakin!" Nagtataka akong tiningnan siya habang pakamot-kamot pa siya sa batok. Sus, parang 'di ko na-gets eh.

"Asus, parang 'di rin beneficial sakanya. Haha!" pinag-intertwine ko 'yung mga kamay namin at napangiti ako. Hinabol ko siya at ngayon sabay na kaming naglalakad.

"A-Ayos lang?" napatingin naman ako sakanya na nakatingin din siya sakin. "Ang ano?"

"Aish!" napakamot siya ng ulo na ikinataka ko naman. Bigla siyang humarap sa akin. "Date tayo?"

Napansing kong namumula pa siya ng slight. Ang cute talaga ni Taiga mag-blush, nakakainis.          Nakayuko siya kahit nasa harap ko na siya kaya ang ginawa ko, hinigpitan ko ng onti 'yung kamay ko sa kamay niya at     effective, tumingala naman siya. Ngumiti ako.

"Oo naman. Tara na? Para mabili ko na rin 'to at para mas mahaba-haba 'yung oras natin." Namula nanaman siya kaya napatawa na ako. "Halika na nga."

Nauna na ako at since hawak-kamay kami, napaatras ako kasi 'di pa siya gumagalaw. Napatingala ulit ako sakanya (ang tangkad kasi eh pisti) at hinatak niya ako palapit at hinalikan ako sa noo.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon