CTL Specials 1

225 15 29
                                    

Daidairoka Shainah's POV

"Ayan. Halika nga rito, baby." Niyakap ako nila Mama at Papa. Nakakahawa tuloy iyak nila. Mamimiss ko talaga sila.

"Parang dati lang, hinahatid kita sa kindergarten, ngayon, ihahatid na kita sa mapapangasawa mo." Natawa naman ako sa sinabi ni Papa kahit na naiiyak na siya.

"Ang ganda-ganda mo ngayon, anak." Sabi sa akin ni Mama habang hawak ako sa mga balikat ko at nakangiti sa akin sa salamin. Ngumiti rin ako.

"Ngayon lang talaga, Ma?" To lighten up the atmosphere, nagjoke ako at effective! Tumawa sila Mama at Papa.

Natigil kami sa tawanan nang may kumatok sa kwarto ko at sunud-sunod pumasok ang mga maids of honor ko.

"Hi po, Tito, Tita!"

"Oh, wala po sanang iiyak. Sayang ang make-ups."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Tracy. "Osha sige, maiwan ko muna kayo mga anak. Kakatukin nalang namin kayo para sa pictorial." Sabi ni Mama atsaka humalik sakin pati si Papa. Pagkalabas nila ng kwarto ay agad na inakbayan ako ng pitong tao.

"Guys! Please! 'Yung buhok at damit ko!" Natatawang sabi ko na nagpahiwalay sakanila. "Oh bakit?" Pano kasi, makatingin sakin parang—

"Hahahahayyiiee!" Hala sila. Ano bang problema ng mga—

"Gusto maging maganda sa paningin ni Midorima!"

"Gusto maging maganda para sa kasal niya!"

"Masama ba? Pagbigyan niyo na'ko, kasal ko naman." Natawa ako sa sinabi ko pati sila. Pero sa totoo lang, nangangatog 'yung binti ko, namamawis 'yung kamay ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang tawag dito?

"Relax lang." Napalingon ako kay Ate Kate na nakatingin sakin mula sa salamin. "Wedding jitters lang 'yan. Nevermind it and relax. Been there, experienced that."

Ngumiti ako kay Ate at tumango. Kinakabahan ako. Siguro sa excitement. Normal lang 'to. "Inhale, exhale, Shai."

"Oo na ito na. Sorry na, kinakabahan ako na naeexcite na—"

"Natatae?" Sinapak ko nga, wala na akong pake kung masira hairdo ni Tracy. Joke lang.

Natawa naman 'yung iba kaya natawa na rin ako. "Pinapagaan ko lang naman loob mo. Grabe ka."

"Alam ko naman eh. Thank you." Napangiti ako. Sobrang thankful ako sakanila at nandito pa rin sila sa tabi ko hanggang ngayon. Kung wala? Baka nahimatay nako sa sobrang kaba.

"Guys, thank you ah?" Napatigil sila sa pag-uusap at tumingin sakin. Ngumiti lang ako hanggang sa hatakin nila ako sa group hug.

"Asus. Hahaha! Ayoko mag-drama speech pero pinupush mo 'ko. No need to thank us. Kahit saang bagay, suportado natin isa't-isa. That's a fact." Nag-wooooh naman sila bilang pag-agree. Hahaha!

"Mamimiss ka namin." Singit nila kaya natawa ako ng tuluyan. Ang OA ng mga 'to! Parang hindi kami nakatira sa isang subdivision.

"Ang OA niyo, magkakalapit lang bahay natin." Natawa naman sila sa sa sarili nila.

"Ah. Excuse me. Daidairoka-san?" Napalingon ako sa pinto at nandun sila Kuroko at Himuro. Aww. Mamimiss ko 'yung apelyido ko. Pero worth it naman. Hahaha! "Pinapatawag na kayo sa pictorial, girls."

Natawa ako nang mag-unahan sila sa malaking mirror ng kwarto ko pero hinatak ako. Pinag-aaayos nila 'yung veil ko, 'yung hairdo kong simple lang naman dahil shoulder length lang naman ang buhok ko, pati wedding gown ko ikininis nila at hindi nakawala 'yung boquet ko na inayos rin nila. Napaka-supportive talaga nila. Hahaha!

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon