Came To Life (Epilogue)

313 13 38
                                    

Finally, the epilogue. Enjoy? :))

—————-

Shizuri Hanah's POV

"Guys, busy ba kayo next week?" Napatingin kami kay Ate Sophia na nakaharap sa phone niya at may tinatype. Meron nga ba ako? Parang wala naman ata.

"Ako ate, wala." Sabay na sagot namin ni Allysa.

"'Pag weekdays, Friday lang ang off ko." Sabi naman ni Ate Nina.

"On Wednesday ako bawal, magche-check kami ng stocks eh." Sagot naman ni Ate Kate.

"Pwede naman ako magpasuyo sa ibang doctors para sa shifts ko. Pati si Trace."  Sabi ni Ate Shai. Tumango naman si Ate Tracy.

"Bakit, Soph? Anong meron?" tanong ni Elle. Ah, nandito kami ngayon sa bahay namin kasi weekends. Off naming lahat. Well, maliban kanila Elle na mag-ra-rounds sa ospital nila.

Napangiti si Ate at sinara 'yung phone niya bago humarap samin. "Kasi guys, 'yung batch natin, magkaka-reunino next week. Tentative pa 'yung date pero sure naman na on weekends 'yan."

"You should go, guys. Isang araw lang naman 'yan. Tsaka break niyo na rin sa trabaho. Last year nag-reunion kami pina-resched ko meeting ko that time." Ngumiti samin si Ate Kate. Nagkatinginan naman kami.

"Ok! Sabihan ko nalang si Skyla na pwede tayo sa weekends. Oh, tsaka Ate Kate kasama ka. Magpeperform daw tayo." Sabi ni Ate Sophia. Yes, everything's—teka. Magpeperform?!

"Ano?! Magpeperform?!" sabay-sabay na sigaw naming lahat. Tumango lang si Ate Sophia at ngumiti.

"Yep. Remember Teen Singer of Seitokai, batch 20**?" Napabuntung hininga nalang kami. Nako, nangalawang na ata boses ko. Minsan lang ako nakanta, eh. Kapag may birthday ang isang member ng faculty samin, ayun, karaoke.

"Bahala na 'to." Sabay-sabay naming sabi kaya nagkatawanan kami. Grabe, talagang connected na ba kami sa isa't-isa?

"Tadaima." Napatingin kami sa pinto at tumambas samin ang mga kalalakihang nanlilimahid sa pawis. Ang lalim nun Hanah, ah?

Umakyat kami nila Ate Tracy para kumuha ng towels at nakita ko ring tumayo sila Ate Shai, Ate Sophia at Elle para siguro kumuha ng tubig. Naglaro kasi silang walo ng basketball malapit sa may park. May nagbukas na kasi na streetball court dun.

Pagbaba namin ni Ate Tracy ay kanya-kanya sila ng kuha ng towel samin. Dapat ay uupo na kami nang tawagin kami ni Ate Nina. "Guys, maghanda na tayong dinner."

Sumunod naman kami papuntang kusina at nagprepare na.

Kise Ryouta's POV

"Hoy Kise. Ano ba 'yung sasabihin mo? Wala na sila." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Kagamicchi at may nilabas na papel.

"Ano 'ya—S-Seryoso ka?"

"Exactly what I'm thinking."

"Ano, ah, kelan natin gagawin?"

Napangiti ako. "Depende satin, pero as soon as possible." Nakita kong pinag-iisipan nila 'yung suggestion ko. Yes!

"Sabay-sabay tayong lahat? 'Di ba parang nagtitipid naman tayo nun?"

"Wow, ang yaman mo naman, Himurocchi!" napakamot naman ng ulo si Himurocchi. "Hindi naman. Gusto ko lang gumawa ng sariling effort."

"Eh 'di pagsamahin nalang natin mga efforts natin or ideas na naisip, 'diba?" Iniisip ko palang 'yung gagawin na-e-excite nako!

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon