Yonjyu Hachi [Forty-Eight]

156 17 19
                                    

Yep, last conflict. Jajajajaja. XD Palakpakan sa nakahula. Mwahahaha.

—————-

Aosora Allysa's POV

One week nalang at pasukan na kaya relax-relax nalang kami dahil tinapos na namin lahat ng gawain last time.

Kaya nandito kami ngayon sa backyard, mag-o-overnight. Ang galing 'no? Salamat sa idea nila Ate Shai, Ate Kate at Hanah. (A/N: Seryoso, sila nag-brainstorm ng happenings. XD)

"Ally-chin... aaahh~" ngumanga naman ako at sinubo 'yung chips ni Atsushi. Napapansin ko ring parati ko nang kasama 'to si Atsushi. I mean, kahit ba pupunta lang akong kwarto, nakasunod siya habang hawak ang kamay ko.

Tapos minsan naman bigla-bigla siyang manyayakap. Hindi naman sa hindi ko gusto 'yung ginagawa niya (in fact kinikilig pa nga ako eh), sadyang parang... may mali ba.

"Last batch na 'to ng mga futons at unan!" Biglang sumigaw sila Ate Tracy kasunod sila Ate Shai, Himuro at Midorima. Nag-setup naman na sila Elle at Ate Nina sa loob nung dalawang napalaking tent. As in NAPAKALAKING tent dahil kasya ang sampung tao sa bawat tent.

Pagkatapos nila mag-setup sa loob ng tent eh saktong lumabas din sila Ate Kate, Ate Sophia at Hanah na may dala-dalang meryenda. "Tara guys, meryenda na!"

Ako, anong naitulong ko? Wala. Hahaha! Eto, kasamang kumain ni Atsushi. Tumayo na ako at kukuha na ng pagkain nang yakapin ako ni Atsushi sa bewang.

"Dito ka lang, Ally-chin~" napalingon ako kay Atsushi kasi sobrang lungkot ng tono ng boses niya. Ngumiti ako at hinawakan 'yung balikat niya.

"Kukuha lang ako ng sandwich para satin tsaka inumin. Babalik naman ako. Para namang pupunta ako kung saan." May narinig akong binubulong-bulong niya pero 'di ko marinig ng malinaw.

Tumunghay siya atsaka tumayo habang papunta kami sa table. "Sasamahan nalang kita, Ally-chin~"

Napakunot naman ang noo ko. Ang weird lang talaga eh. Well, hindi naman sa hindi ko nga gusto pero, ang weird lang. Ay ewan.

Shizuri Hanah's POV

"Hanah, pakuha naman nung extension sa loob, oh. Dali, nagsesetup na sila Allysa ng Twister dito." Tumango naman ako kahit nagtataka ako. Para saan naman 'yung extension chord, eh?

Napa-buntung hininga nalang ako. Baka para sa mini stereo na gagamitin nila pang-soundtrip. Ay ewan, bahala na sila.

Pumasok na ako sa loob, medyo madilim na kasi mga 6pm na rin at nasa labas lahat kami kaya walang ilaw dito. Aba syempre binuksan ko 'yung ilaw sa sala at doon kukuha ng extension chord. Pagkakuha ko naman ay pinatay ko na 'yung ilaw at sinara 'yung pinto.

Pagbalik ko ay tiningnan ko ang gawi niya at nagulat ako sa nakita ko. Bakit kapag iba ang kausap niya, OK lang pero kapag ako, halatang iniiwasan niya ako.

Bigla siyang napalingon sa gawi ko at halatang gulat 'yung mata niya tapos bigla nalang siyang umiwas ng tingin. Iniiwasan nga ako ni Shuzo.

Binigay ko nalang kay Ate Tracy 'yung extension chord atsaka bumalik sa pwesto ko. Isang linggo na rin nang iwasan ako ni Shuzo. Bakit? Ano bang nagawa ko? May nagawa ba akong mali sakanya na hindi ko alam?

'Yan lang naman ang mga tanong sa isipan ko magmula nang iwasan ako ni Shuzo. Wala talaga kong matandaang reason kung bakit eh. Ayos lang naman kami nun, tapos bigla nalang siyang nanlalamig then iiwas na talaga nang tuluyan. Ano bang problema?

"Hanah! Huy! Kayo na! Kalaban mo si Nijimura!" napabalik ako sa ngayon nang hilahin ako patayo ni Ate. Napatingin ako sa kanya na nagsasabing ano gagawin.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon