Jyu Hachi [Eighteen] - Chizuru Birthday Special

316 19 6
                                    

Dedicated to: ExoticOtaku. Happy Happy Birthday nak! ^____^

Dahil hindi ako talented mag-drawing ng fanart o mag-edit ng photo, isang birthday chapter nalang exclusively for you. :)))) (Huhu sorry at eto lang afford kong gawin [korni pa] tapos kasama pa sa flow ng story yung birthday chapter mo T____T). Enjoy!

-----------

-JYU HACHI-

Chizuru Marielle’s POV

“Nakakaselos na kasi Marielle eh. Sobra-sobra na.”

Nagulat ako sa narinig ko. Unti-unting lumuwag ‘yung hawak niya sakin pero hinahawakan niya pa rin ako.

“Lagi mo kasi siyang kasama, masaya pa kayo. Nagtatawanan pa kayo, nililibre mo pa siya. Mas madalas mo pa siyang kausap at kasama.” Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita. Ni hindi ko na nga siya maintindihan eh. Sino ba ang tinutukoy niya?

“Teka, teka. Anong pinagsasasabi mo?” tumingin siya sakin. Hindi ko mabasa ‘yung mga mata niya.

“’Yung sunog na lalaking kasama mo kanina. Hindi ba siya?” Kasama ko kanina? At sunog raw? Teka, sino ba—PFFFFFT. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Shet! HAHAHAHAHAHAHAHA!

“Seryoso ako dito tapos pinagtatawanan mo lang ako?” tawa pa rin ako nang tawa sa sinabi niyang description kay Aomine. HAHAHAHAHAHA! Napansin kong nag-iba na ‘yung aura niya kaya tumahimik na ako.

“Sorry, natawa lang ako sa description mo kay Aomine. HAHAHAHA!” At nagsimula nanaman akong tumawa. Sa di ko talaga mapigilan eh. XD

Natigil lang ako nang naramdaman ko ‘yung impact ng isang kamao sa katabi kong pader. At sa mga kamay na biglang pumulupot sa bewang ko.

“’Wag na ‘wag mo mabanggit ang pangalan niya, Marielle.” Humigpit lalo ang hawak niya sa bewang ko at niyakap ako.

K-Kailan pa naging yandere si Kise?

“Pangalan ko lang ang pwede mong banggitin. Ako lang rin ang pwedeng magpa-ngiti sa’yo. Kasi, akin ka lang.”

ASDFGHJKL. Hindi ako maka-react! >/////////<!!

“B-Bwisit.” Niyakap ko lang siya pabalik. At narinig ko ulit ang pagtawa niyang matagal ko nang hindi narinig.

“Ang cute-cute talaga ng Ellecchi ko~!” Mas ibinuro ko pa ang mukha ko sakanya. “Tama na pwede?”

“Bumabawi lang ako.” Humiwalay siya sa yakap atsaka hinawakan ako sa baba, dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya.

“Sorry.” Narinig kong sinabi niya sakin atsaka ako hinalikan...

Sa noo. Ko-qouta na siya sakin ‘pag sa labi ulit. Kokonyatan ko na ang isang ‘to.

“Selos na selos ka ba talaga? Sorry rin. Atsaka ikaw rin naman kasi eh...” sabi ko atsaka yumuko.

“Ha? Anong sakin?” nagtataka niyang tanong sakin.

“Naging busy ka na masyado sa trabaho mo. Prang, lumalayo ka na samin... sakin. Ganun kasi ‘yung feeling eh.” Nakayuko pa rin ako nun nang yakapin niya ako ulit at hinahalikan ako sa ulo.

“Sorry kung ‘yun na pala ang epekto sa’yo, sainyo. Pero kailangan ko talaga gawin eh.” Sagot niya.

“Naiintindihan ko naman eh. Pagkasabi ko nun, nanahimik kami saglit nang biglang may sinabi si Kise na ikinagulat ko.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon