Yonjyu [Forty]

246 16 32
                                    

Una sa lahat! Yaay! Happy 10k reads to us, Came To Life! Grabeng achievement 'to! Thank you and ly guys!


—————-


Yarashii Kate's POV


"Please guys, pwede bang tumahimik na muna kayo?!" Buti naman at napahinto ko sila sa pagbabangyan nila. Huminga muna akong malalim, baka sakaling kumalma ako at hindi makipagsabayan sakanila.


"I'm disappointed sainyo. Sa atin. Bakit kayo nagsisigawan at nag-aaway ha?!" Walang nakasagot sakanila at tumungo lang.


"Una sa lahat, oo, mahirap tanggapin ang mga pangyayari at ang consequences nito sa atin. Hindi na tayo 'yung tulad ng dati dahil sa nangyari. Malaking pagbabago 'yung naganap. Pero 'diba dapat hinaharap natin 'to ng sama-sama?


"Imbis na mag-away-away tayo, diba dapat mas magkaisa pa tayo? Mas kailangan natin ang isa't-isa, hindi 'yung itutulak natin palayo ang isa't-isa. Isa pa, oo, maaaring kayo nga ang kasama nila Sophia nang maaksidente sila, pero kayo ba mismo ang gumawa nun sakanila para magsisihan kayo ha?!"


"P-Pero ate... K-Kami kasi ang kasama n-nila eh..." napatingin ako kay Nina na nagsalita. Huminga muna akong malalim bago ulit magsalita.


"Ay putangina paulit-ulit tayo ah! Maaaring kayo nga ang kasama nila nang mangyari ang aksidente, at oo, naiwanan niyo nga sila, bakit, sa tingin niyo ba kung nandun kayo hindi pa rin mangyayari yun? Tandaan niyo, may gumagawa nito satin! Hindi lang 'to isang simpleng aksidente!" natigilan sila sa sinabi ko. Tama nga ang isang sinabi ni Sheane, nagpadala sila, kami sa mga emosyon namin.


Huminga ako ng malalim, oo, nagpipigil nako ng luha. "Bakit niyo sinisisi ang mga sarili niyo? Hindi sa sinisisi ko rin kayo pero, tingnan niyo ang nangyayari satin, nasisira tayo. Imbis na magkaisa tayo dahil nawala 'yung tatlo, bakit ganito pa ang mga nangyayari?


"May nagsabi sakin na, ang kaibigan ay isang pamilya, na dapat hindi tayo madaling mawasak ng kahit sino, na malaki ang tiwala natin sa isa't-isa, na nandyan para sa isa't-isa kahit anong mangyari. Hindi ba ganito naman tayo? Anong nangyari?" Hindi ko na mapigilan ang kanina ko pang pinipigilan na luha.  Kahit na hirap ako magsalita dahil nagkaka-sipon nako, pinagpatuloy ko pa rin.


"Diba, sabi natin sa isa't-isa, kapag may problema, magsasabihan tayo, sosolusyunan natin 'yun nang magkakasama. Walang maiiwan, walang problema na hindi malulutas, diba?


"Alam niyo namang sobrang mahal ko kayo kaya ayaw ko 'yung nagtatalo tayo ng ganito, masakit para sakin makita at marinig na ganyan kayong lahat dahil bilang ate niyo, na nanay niyo na rin, gusto ko magkakasundo at nagmamahalan tayong lahat." I hope I knocked some senses to them. I'll do everything to make us back.


"At sa tingin niyo ba, kung nandito sila Sophia, Elle at Hanah, matutuwa sila 'pag ganito tayong lahat?" Naiyak nalang ako. Ewan ko, wala na rin akong masabi. Sana sa mga nasabi ko, matauhan na sila.


Tahimik lang kaming lahat at ang naririnig ko lang ay ang mga hikbian namin. Nakita ko naman sa preipheral view ko na pinagmamasdan lang kami nila Sei.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon