Nijyu Go [Twenty-Five]

228 14 6
                                    

Yay! We're almost halfway na sa story! Thank you sainyo! ^^

----------

Yarashii Kate's POV

"Oh, sa'n kayo galing?" Nakita kong kakapasok lang nila Taiga at Sophia. Teka, bakit magkasama 'to?

"Sa mall sabay sa park. Nagkita kami ni Kagami sa park eh." sabi ni Sophia. "Eh sina Tetsuya at Nina pala? Diba kasama mo si Tetsuya, Sophia?" 

Ngumiti muna sakin si Kagami at sumagot. "Ah, may pag-uusapan kasi sila. Eh diba nagkita-kita kaming apat? Ayun, iniwan namin sa park." pagtapos nun, dumiretso si Kagami sa kusina at si Sophia naman umakyat.

"Oh, hindi ka magmemeryenda?" for the first time, umiling siya. "Hindi na muna ate. Malapit na rin naman ang hapunan." 

Sadyang paranoid lang ba ako o may something? Pero kung may nangyari naman, magkukwento naman si Sophia. At first time niyang tumanggi sa meryenda ah.

"Oh, nakakunot noo mo. Anong iniisip mo?" nakaramdam ako ng kamay na humilamos sa mukha ko at nakita ko si Seijuro.

"Wala naman. Paranoid lang ako siguro. May something ata kanila Sophia at Taiga eh. O baka nag-aassume lang ako." Mukhang nagulat naman itong si Seijuro. "Ginawa kaya nila?" 

"Ginawa ang ano?" tumingin siya sakin tsaka ako inakbayan. "Wala. You're hearing things. Kumain nalang tayo." 

Ok, kumain daw eh. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapa-isip. Di bale, alam ko namang lalapitan ako ni Sophia kung may problema siya.

*** 

"Oh bakit ngayon lang kayo?" napalingon ako kay Shai na nagsalita sa may pinto. Nakita ko si Tetsuya at Nina na kakapasok.

"Ah. May pinag-usapan lang." sagot ni Nina atsaka dumiretso sa kusina. Mag-uusap lang tapos sa labas pa?

"Ah ate, ano. Nasaan si Sophia?" bungad ni Nina pagpunta niya ulit dito sa living room. "Nasa taas eh. Kwarto niya ata. Katukin mo na rin pala, hapunan na kasi." 

Umakyat na si Nina atsaka ko tinawag si Tetsuya. "Tetsuya." napatingin naman siya sakin.

"May problema ba?" kinukutuban talaga ako sa apat eh. Ewan ko ba.

"Wala naman, Kate-san. Bakit?" umiling lang ako. "Ah wala. Sige na, dinner na." tumango lang siya at umakyat muna. Hay. Gutom lang siguro 'to.

*** 

"Eh? Si Ate Sophia nasaan?" tanong ni Hanah pagkaupo niya sa dining. Tiningnan ko si Nina pero nakayuko ito. Hindi niya ba tinawag?

"Ah sige ate, puntahan ko nalang siya sa kwarto niya." umalis na si Hanah sa kainan.

May problema ba si Sophia at Nina sa isa't-isa?

Shizuri Hanah's POV

"Ate?" *toktok* tulog ba 'tong si Ate Sophia? Pero imposible naman eh. 'Yun pa. Magpartner kaya sila ni Ate Kate pag nangunguna sa hapunan.

"Ate? Hm. Nakatulog ata?" pinihit ko yung doorknob at himala bukas. Dahan-dahan akong pumasok at nakita ko si Ate nakadapa sa kama. Nag-aalangan naman akong tawagin kasi parang pagod si Ate at ganyan ang itsura niya matulog.

Pero haay, kaysa naman magutuman si ate. "Ahm, ate?" 

Nakita kong gumalaw yung balikat niya. Iiiiih nakaka-guilty. Pupungas-pungas pa si Ate na hinarap ako. "Oh Hanah... bakit?"

"Sorry ah Ate. Hapunan na kasi eh. Pinapatawag ka na ni Ate Kate." kumukusot-kusot pa ng mata si ate atsaka sumagot. "Sige kamo. Susunod na ako, hilamos lang ako." 

Tumango nalang ako at bumaba na pabalik sa dining. Ang pinagtataka ko lang...

bakit parang umiiyak si Ate Sophia? O guniguni ko lang talaga?

TIMESKIP

Kusonoki Tracy's POV

Hoooooraaaaay. Busog! Time to sleep na--

"Is this what you are talking about?" Huh? Akashi?

"Oo. Nag-aassure lang ako noon kung tama 'yung gagawin ko and since galing na mismo sa'yo, tinuloy ko na." Sophia?

"I see." nagkaroon ng katahimikan. "Are you happy?"

"Yes. Dahil finally nakalaya na siya sakin and that he's now happy." Ha? Sinong pinalaya?

"Tracy? Anong ginaga--hmmph!" ang ingay naman nitong si Himuro! Nilingon ko siya at nagsenyas ako ng 'ssshh' at tumango naman siya.

Bumalik ako sa pagsilip at nakita kong nag-glare si Akashi kay Sophia. Ngumiti lang siya. "Fine. TO be honest, sino ba ang makukuhang tumawa sa ginawa ko?" 

ANO BA KASI ANG GINAWA NI SOPHIA?!

"Tracy, hindi ba masama 'to? Nakikinig tayo sa usapan nang may usapan." kinulbit ako ni Himuro mula sa likod.

"Oo. Eh kasi nakaka-intriga 'to eh. Parang may mali? Ganun?" bumalik ako sa pagtingin pero mukhang tapos na sila mag-usap. Kainis di ko narinig 'yung iba.

Ay shet-- agad kong hinatak si Himuro para magtago. Wooh! Muntikan na kami dun ah--

"Tracy. Tatsuya." Oh shet. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Lumabas na kami sa pinagtaguan namin at nagdasal para sa mga buhay namin.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang makinig," Sabi ko. Oh jusko.

"Did you hear everything?" Napatango ako. "Pero hindi ko naman maintindihan ang pinag-usapan niyo." 

Tumango siya at sinenyasan kaming pumunta ng balcony.Nagkatinginan naman kami ni Himuro at napa-kibit balikat nalang atsaka sumunod.

At hindi namin inaasahan ang nakita namin.

Si Sophia at Kagami...

umiiyak... 

-----------

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Finally naka-update na rin!

Next update? Di ko pa alam. HAHAHA. Please patiently wait nalang po. :)

Advance Happy New Year everyone! :) And Happy Rizal Day. lol.

12/30/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon