Jyu Ni [Twelve]

383 15 12
                                    

'Wag po tayo malito guys. Naging two separate conflicts po siya kasi nagkaroon ako ng plot problems. Kanina ko lang ini-clear sa taong involved. Paki-intindi nalang po. Salamat. :)

*I also changed Marielle's surname to Chizuru. For future purposes. ;)

-----------

Chizuru Marielle's POV 

Ibang klase talaga 'yang SDTG, nakakaiyak! Pramis! Pero ugh, worth the tears. *thumbs up*

*Katok! Katok!* [Oh chill, yung sa Kakao Talk yan. Eh sa ganyan pagkakarinig ko eh XD]

"Hello?"

(Ellecchi!) Si Kise pala.

"Oh bakit?" 

(Kasi Ellecchi... uwaaaaa! Kinuha kasi akong model ng Bench-ssu!)

"Oh... talaga?" Aba ang engot, kinuha. Gwapo naman kasi talaga, engot lang. Hindi siya babansagan nila ate Kate at Sophia ng "Ang James Reid ng Kaijo". Grabe, na-shock ako. Pramis.

(Hai-ssu! Hihi! Ang astig nga eh!)

"Ah eh..." bigla akong nakaramdam ng... lungkot? Pagka-ewan?

(Hm? Ellecchi? Ayos ka lang?)

"Oo OK lang... Hahaha!" Pero bakit pabasag boses ko?

(Ok. Sige Ellecchi! Babye-ssu! Kitakits mamaya!)

"Sige bye..." ibababa ko na sana ulit kaso--

(Sukidayo, Ellecchi!)

"Manahimik ka nga!" at ibinaba ko na 'yung tawag. Kainis 'yun, biglang hihirit ng ganun.

"Hm? Nina? Anong ginagawa mo sa kwarto ni Tracy?" nandito din kasi si Nina sa taas, nasa tapat siya ng kwarto ni Tracy.

"May itatanong lang ako kay Tracy. Nga pala nood ka na 'dun sa baba, naka-play na 'yung DNP mo." sabi niya sabay katok na sa pinto ni Tracy. Ako naman bumaba pero hindi ako sa sala papunta.

"Oh, aalis ka Elle? Kala ko ba manonood ka ng DNP?" sabi ni Allysa. Umiling lang ako at ngumiti.

"Bibili lang ako ng pagkain ko. Jaa." at lumabas na ng bahay. Tinawagan ko si Kise.

"Kise?"

(Ellecchi gommen-ssu! Ngayon na kasi ang start ko eh. Ako na yung susunod-ssu! Gommen Ellecchi! Tawagan nalang kita mamaya! Jaa!)

*toot toot*

Hay. Grabe na talaga si engot, pagka-tanggap photoshoot na agad.

Naglakad-lakad lang ako dito sa park. Wala naman talaga akong bibilhin, gusto ko lang magpahangin.

Umupo ako sa isang swing at nag-swing-swing doon. Hindi talaga mapakali yung feeling ko tapos ramdam ko ang pagka-gloomy ng aura ko. Shet, ako ba 'to?!

Shet naman Elle. Palayasin mo 'yung alien na nananalaytay dyan sa katawan mo. Ang weird ko ngayon.

"Takte nakakapagod." naramdaman ko ang paggalaw ng swing at narinig ko ang isang malalim na boses lalaki. Pero pake ko ba?

"Ah sht. Ang kukulit. Ayoko nga." parang baliw 'yung katabi ko. Wait, hindi lang parang, baliw na tunay talaga. Makaalis na nga, ang hirap mag-isip dahil sa maingay na 'to. Patayo na ako sa swing nang tawagin ata? ako nung lalaki.

"Oi. Ikaw." napa-kunot naman ang noo ko. Shet, baka masasamang loob 'to. Tadyakan ko junior niya eh. Subukan niya.

"Ano bang kailangan mo at si... no... ka... Shet."

Hindi ako namamalik-mata. Totoong siya nga ang taong kaharap ko.

"Ha.. Ha.. Ha..."

*****

Kusonoki Tracy's POV

"Oh... Nina, may kailangan ka?" Si Nina lang pala nakatok.

"Ikaw. Ikaw ang may kailangan." Huh? "Ako?"

"Si A. Si Akashi. Iisa?" P-Paano niya--

"Obvious Tracy. Akala mo hindi ko na matandaan yung pag-uusap nating tatlo nila Shai? Pinapunta ako dito ni Shai kasi baka nga may kailangan ka. Kailangan mo ng kausap at taga-kinig." Biglaan ko nalang siyang niyakap.

"Alam kong ang pathetic pero--"

"Sshh. Kelan pa naging pathetic ang pagmamahal? Mapa-fictional man 'yan o hindi, hindi weird at pathetic 'yun. Because love is not weird, it's unique."

"Paano ba maka-move on kung nandyan siya? Lahat kasi bumalik, dagdag mo pa yung kaninang ginawa niya sakin." At ayun, ang kaninang pinipigilan kong luha, nag-waterfalls na sa mukha ko.

"Moving on takes some time. Hindi yung isang snap lang ng daliri voila, wala na move on ka na. Walang steps kung paano mag-move on kasi sa huli, mismong puso mo na rin ang titigil."

"Pero hmm, make yourself busy tsaka hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Mayroon dyan sa paligid na nagmamahal sa'yo." Napangiti ako. Kilala ko naman kung sino pero, Akashi pa rin eh.

"But, don't take them for granted. And 'wag gawing rebound, hindi tayo nasa basketball game." tinapik niya ang balikat ko.

"Halos ako lang ang nagsalita pero sige Tracy, kung ready ka na, I'm just here. I understand you. Sige, good evening. 7pm na eh." at lumabas na si Nina ng kwarto ko.

Napasandal nalang ako sa headboard ng kama ko at tumingin sa bintana. Kasi naman 'tong bruho kong puso naman oh.

Nakakaloka. Nakaka-bruha. Ang sakit sa bangs. Nako naman. Sige patawa pa Tracy.

-----------

MissOtakuGirl22's:

At dahil kanina pa nangungulit yung mga tao sa GC, ayan, masabaw na UD. XD Paano ba naman daw, unahin ko i-type 'yung epilogue. Kamusta naman? XD (pero yes, srsly, may drafted epilogue na. :D)

Next chapter sa Lunes. :) Mas maayos at 'yun na ang simula ng first conflict. ;)

Keep on dreaming~!

08/16/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon