Nijyu Roku [Twenty-Six]

242 17 15
                                    

Sorry sa late update! Sorry po talaga. :)

----------

Kagami Taiga's POV 

"O-Oi tahan na. Tch." Nadadamay na ako sa drama niya. Inabutan ko siya ng jacket at panyo dahil hindi na siya makahinga at malamig pa dito sa balcony.

"Ganito pala 'yun, ano?" tumango nalang ako at tumabi sa kanya. Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Sa aming dalawa, siguro lamang siya sakin sa sakit dahil siya ang nakaisip nito at babae siya.

Kahit anong pigil ko sa pag-iyak ay hindi ko rin magawang pigilan (ang bakla pakinggan!). Si Sophia naman humahagulgol na. Siguro ganito siya gabi-gabi? Ano ba naman 'yan Taiga malamang 'oo' diba? Wala akong magawa kundi tingnan lang siya siya. Kasi parehas lang naman kami ng pinagdadaanan namin ngayon.

"Sorry ah. Hinatak pa kita sa kadramahan kong 'to." Sabi niya habang pinapakalma ang sarili niya. "Wala 'yun." sagot ko.

"May pinagsisisihan ka ba?" tanong niya sakin nang mahimasmasan na siya. Napatingin ako sa langit.

"Kung may pagsisisihan man ako, 'yun ay kung hindi ko ginawa ang bagay na ito at siya ang nahihirapan ngayon. Ikaw ba?" mahabang katahimikan muna bago siya nagsimulang magsalita.

"Wala. Parehas lang din nung rason mo. Buti na nga lang rin at narinig ko iyon eh. Kung hindi eh di hanggang ngayon nahihirapan pa rin sila diba?" 

Bigla kong naalala ang kinuwento sakin ni Sophia na dahilan kung bakit namin 'to ginawa.

Saginomiya Sophia's POV 

FLASHBACK (scene from Chapter 20)

Pahikab-hikab akong bumaba ng hagdanan para mag-almusal. Nakakainis naman, maaga pa kami kailangan ngayon--

"Kuroko... itigil mo 'yan..." Huh?

"Pero, Matsuna-- hindi. Nina..." Hm? Anong meron?

"Hindi 'to pwede..." Ano ang hindi pwede? Ano ba ang pinag-uusapan nila? 

"Mahal kita Nina... Diba ikaw rin naman?" Oh...

"Oo... pero maling-mali ito! Naisip mo man lang ba si Sophia at si Kagami ha?! Itigil mo 'to!" 

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nag-sink in agad sa utak ko ang lahat. All this time pala, hindi ako.. kundi siya...  Pero sino ba ang niloloko mo ha Sophia? Alam mo naman na 'to sa umpisa palang diba?

"BOOOOO!"

"Ay palakang unggoy! ATEEEEE!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni ate. Buti nalang at sumulpot siya, kung hindi, baka hindi ko na makontrol at umiyak nako dito.

FLASHBACK END

"Pero tayo naman ang nahihirapan." narinig kong sabi ni Kagami. Humarap ako sakanya at ngumiti. 

"Oo, pero alam na natin ngayon na masaya na sila diba? Siguro ngayon tayo ang nahihirapan pero someday, magiging masaya din tayo diba?" Humarap din siya sakin at ngumiti. "Sana nga." 

Nagkaroon ng katahimikan aming dalawa nang tumayo na si Kagami. "Tara na, magkakasakit pa tayo dito. Masakit na nga puso, masakit pa katawan diba?" 

Tumayo na ako at napatawa ng bahagya. "Haha! Korni mo. Di ako sanay manggaling 'yan sa'yo. Haha! Pero tama ka. Tara na." 

Alam kong magiging masaya din kami. Tiwala lang. Masasabi rin namin na "all the pain was worth it" sa side namin.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon