Daidairoka Birthday Special

201 18 4
                                    

Waaah long time no UD. Ngayon lang naging free. XD

Happy Birthday Shai-chan! Katulad ng parati kong sinasabi, di ako talented kaya oneshots nalang ang regalo ko. :) Hopia like it! Ito lang nakayanan ko eh. :/ 

*This chapter IS NOT related to the story's plot. :) Yung bukas na update pa. :)

*Binabalaan ko na rin ho kayo. Napaka-OOC ng isang character dito. :3

-----------

Shainah’s POV

“As for the best Nature theme art, the champion is…”

*dead silence, maiba tayo XD*

“Ms. Daidairoka Shainah! Please give her a round of applause!” Hindi ako makapaniwalang umakyat pabalik sa stage matapos tawagin ang pangalan ko. Umakyat ako para tanggapin ang award ko. Todo suporta naman si Papa at mga kaibigan ko. Best birthday gift. Ever.

Pagkababa na pagkababa ko ng stage, sinalubong agad ako ni Papa ng yakap. “I’m so proud of you. Alam kong pati rin ang mama mo when she heard the news.” Nginitian ko si papa at niyakap pabalik. Sunod namang dumumog sakin ang mga kaibigan ko.

“Wiiiiieeeeee congrats Shai!”

“Sus! Alam naman naming mananalo ka!”

“Yes double party na yan!”

Natawa naman ako at tsaka bumalik sa kinauupuan ko. Syempre kailangan tapusin ko muna yung program. First category palang naman ‘to eh. May Water theme pa, Fire theme, mga ganun. Si Nina rin pala sumali. At panalo siya sa Earth theme.  Eh di triple party na mamaya yung mangyayari. Birthday ko plus pagkapanalo ko plus pagkapanalo ni Nina. Hahaha busog kami nito!

Pagkatapos ng final theme ay muli kaming bumalik sa taas, yung mga champions. Sinabitan ng medal, binigyan ng certificate at nag-bow. Malalagay pala yung arts namin sa isang museum dito sa Japan. Daming ek-ek ng school namin eh, no? XD

Huli akong bumaba ng stage pero saktong pabalik nako sa upuan namatay lahat ng ilaw sa auditorium, well, except sa akin since may nakatutok na spotlight sakin.

“Ehem.” Nakarinig ako ng isang napaka-pamilyar na ehem galing sa stage. Sheezwhiz, anong nangyayari? Anong meron?

Lumingon ako sa likod ko kung nasaan ang stage pero madilim doon, tanging sa akin lang ang ilaw. Waaaah. Ano bang meron? O u O?

“Happy Birthday Shainah!” lumitaw si Kise na may hawak na cute na cat stuff toy. Nagpasalamat nalang ako at kinuha iyon mula sakanya.

“I may not be the sweetest man in the world...” Napatingin ulit ako sa stage na madilim at narinig ko nanaman ang boses niya. Ano ba talagang meron? Anong nakain ni Shin?

“Tsk. Napaka-tsundere talaga. Happy Birthday pala.” Sunod naman na lumitaw sa harap ko si Kagami at may inabot nanaman sa akin na stuff toy na pusa atsaka umalis.

“I may not be the best man in the world...” may nagsalita nanaman sa stage at madilim pa rin ito. Hindi ko alam kung kikiligin ako sa effort niya o matatawa dahil napaka-tsuntsun niya.

Naglakad ako palapit nang stage. Keri naman dahil alam ko kung saan ako umakyat at bumaba ng stage eh. Nang may humarang nanaman sa akin. “Happy Birthday! Ganyan ba talaga siya nahihiya?”

Tinawanan ko lang ang tanong ni Himuro at tumango. “Oo, hayaan na natin. Sweet na yan para sakin. Thank you.” May inabot siya saking stuff toy nanaman na pusa at umalis.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon