Jyu Yon [Fourteen]

361 18 15
                                    

Again, 'wag po malito, ipinagsasabay ko po ang dalawang conflict pero may mauunang masosolve. :)

-----------

Chizuru Marielle's POV

"Ha... Ha... Ha... Aomine..." P-Paano 'to? Ang akala ko ba...

Tinaasan lang ako nito ng kilay habang ako, statwa na dito at hindi makagalaw. "Bakit mo alam ang pangalan ko?"

"Oi. Ba't mo alam pangalan ko? Bingi ka ba?" nabalik ako sa katinuan nang alugin niya ako. "Nabato ka na dyan. Ganun ba ako ka-gwapo para maging ganyan ka?"

"H-Ha?" Shet. On the verge of processing pa ata utak ko. "Ang sabi ko-- ARAY!"

"Ang hangin niyo po eh, pasensya na." Peste. Ayun, sa sobrang hangin sinapak ko at sinarkastiko ko pa siya. Inirapan ko nalang siya at umalis. Panggulo eh.

"Oi Miss teka sandali!" lumingon ako at-- sht. "Miss sandali lang!" Alam kong hinahabol na ako nitong Aomine-look-alike na 'to kaya binilisan ko pa ang lakad. Lumilingon-lingon ako baka sakali eh naligaw o 'di na ako nasundan.

Sa bilis ko, andami ko nang nabubunggo. Jusko naman nawa'y layuan ako ng taong 'to.

*booogsh*

"Sorry po-- Tracy?" hinabol ko ng tingin 'yung babae. Alam kong si Tracy 'yun. Bakit kaya tumatakbo palayo 'yun? More importantly, bakit umiiyak 'yun? Anong nangyari?

*booogsh*

"Ah sht. Tracy!-- Sorry!" This time ako naman 'yung nabunggo. Aba peste 'yung lalaking 'yun ah-- Wait. Si ano 'yun ah? Si--

"Sandali lang miss. 'Wag ka nang tumakbo. Please lang." Nagulat nalang ako nang may humawak sa braso ko at may hinihingal na Aomine-look-alike sa harap ko.

"Ano bang kailangan mo sakin?" mataray kong tanong. Ano ba 'yun, strangers nga kami eh tapos ganito.

"Gusto ko lang mag-ano... mag... err..." Pakamot-kamot batok at ulo pa 'to. May kuto ata 'to eh.

"Mag-sorry... Argh. Ba't ko ba 'to ginagawa?" Naramdaman kong lumaki ang mata ko at napahagalpak sa tawa.

"SHET HAHAHAHAHAHAHAHA!!" Pfft-- Hahahahaha! 'yung mukha niya eh, epic tapos 'yung huli niya pang sinabi-- HAHAHAHAHAHA!

"O-Oi! Bakit ka tumatawa?! Sht naman." Sinusubukan ko magpigil ng tawa pero-- Pfffft-- OK Elle, hinheyl hexheyl.

"Hahahaha! Sorry. Sorry. Hahahahaha!" Shet 'di ko mapigilan sarili ko. Nung sinamaan na niya ako ng tingin, napatahimik na ako.

"Sorry. Haha. Ok na, Ok na." Nilahad ko nalang 'yung kamay ko sakanya. "Sorry din kung ang sungit ko kanina. May iniisip kasi ako eepal ka bigla. Marielle pala. Chizuru Marielle."

Nag-aalangan pa siya tanggapin pero tinanggap niya rin. "Aomine. Aomine Daiki."

Natigilan ako. Ngayon lang pumasok sa isip ko na oo pala, isa siyang fictional character. Agad-agad kong binawi ang kamay ko sakanya at nagtanong. Diretsahang tanong.

"May kilala ka bang Kise Ryouta?" Napansin kong nanlaki ang mata niya pero kumunot agad. Para bang nag-iisip. (Himala at nag-iisip ang taong version ni Aomine.)

"W-Wala. Bakit? Kaibigan mo ba 'yung taong 'yun?" May iba sa tono ng boses niya pero baka imagination ko lang 'yun. Umiling nalang ako.

"Hindi ah. Narinig ko lang 'yung pangalan niya somewhere. Sige Aomine-kun. Nice to meet you." Ngumiti lang ako at umalis na rin. Naalala ko 'yung sinabi ni Akashi kay Sophia noon nung makita niya daw ang Takao-look-alike noon. [See Chapter 10]

Nag-decide na ako umuwi dahil malalin na ang gabi. Pauwi ako nang madaanan ko ang isang street na ang daming tao. Anmeron?

Bilang chismosa at sa raging curiosity cells ko, naki-usyoso si ako. Malay mo may libre palang pagkain o kaya garage sale diba? Pero ganitong oras? Baliw lang?

"OMG. Ang gwapo nga niya!" -Girl 1.

"Oo nga sissy! Ang yummy pa nung abs dun sa photoshoot!" -Girl 2.

"IKR sissy. Shet ayan na siya! Kise-samaaaaaaa!" -Girl 1.

Kise-sama? Tiningnan ko kung parehas ng sinasabi ng isip ko ang totoo. At oo nga.

Nakatingin lang ako sakanya mula dito sa pwesto ko. Ni hindi ako nakikipagsiksikan. Wala akong pake kung masiksik at magitgit ako.

Paalis na sana ako nang magtama ang mata namin. I stared at him while he stared at me.

Pero hindi niya ako pinansin. He simply ignored me with those cold eyes na ngayon ko lang nakita sa hindi ko malaman na dahilan.

Alam kong nanlaki ang mata ko at umalis ako agad. Eto na siguro ang dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina. Anlayo 'no? Abnormal 'yung otor eh.

Dahil sa kasikatan niya, he'll slowly drift away. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit ganun ang mata niya?

Nakauwi ako ng bahay na lutang at parang ewan. Parang may unti-unting nagsisink-in sa utak ko pero ayaw.

Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Parang hindi ako. Eh ano naman ngayon? Diba?

"Huy Elle! Yoohooooo! Elle!"

"Ay Engot!" nakakagulat naman 'tong si Nina. Nakatingin lang siya sakin. "Problema mo?"

"Ha? W-Wala naman." Ayoko munang may makaalam at makisali sa problema ko. Dahil alam kong maski si Nina, may problema.

"Hm OK. Basta andito lang ako if kelangan mo ng kausap. Jaa." at umakyat na siya. Haaaaay.

Lalabas sana ako ng garden para magpahangin kaso may tao. Si Ate Kate ata at si... Akashi? Hm, nag-uusap eh. Dito nalang ako sa tapat ng bahay sa may veranda.

Nakatitig lang ako sa gate, wala, trip ko lang. Nang may pumasok. Si Kise.

"Kise." tumayo ako at hinarang siya. Gustong-gusto ko siya tanungin.

"'Wag muna ngayon Elle... cchi. Pagod ako eh. Gommen." at nilagpasan niya nalang ako dito.

Hindi ko alam kung maiinis o maiiyak ako. Siguro pwede both. Hindi na siya yung Kise na kilala namin. Nag-iba na siya. Sa isang araw lang.

Anong nangyari?

-----------

MissOtakuGirl22's:

Ok, sobrang sensha sa update na 'to. Sadyang lutang na lutang ako ngayong araw. This will be my last update for the week. Next Friday pa po ulit dahil may exams at projects tapos may presentation pa yung club ko for Buwan ng Wika. :)

I updated dahil, PANALO SEIRIN! (Naka-bold at caps para dama XD) Congrats Seirin! Ajujuju. ♥♥ *sabog confetti*

Ayun lang. Hahaha. Jaa. See you next week. :) Ingat po and Goodluck!

DCon: 90D

Keep on dreaming~!

08/20/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon