Sanjyu Roku [Thirty-Six]

166 14 16
                                    

3rd Person's POV

"Kamusta po si Sophia, Doc?" agad na tanong nila pagkalabas na pagkalabas nito sa Operating Room ng ospital.

"Her wounds are deep, may fracture siya sa kanang binti, blood clot sa left part ng brain, and she lost a lot of blood. She's in critical state right now and kailangan namin ng blood donor already dahil naubusan kami ng stock ng blood type niya." Lahat sila ay tila nanigas nang marinig nila ang salitang 'kritikal.'

"D-Doc, ano pong blood type?" Tanong ni Tracy. "O positive ang pasyente."

"Ako po, Doc, O positive. Tara na po." Sagot agad nila Shai at Hanah pero may sinabi pa ang doktor. "Kailangan pa ng permiso ng magulang o guardian--"

"Gawin niyo na lahat ng dapat gawin, blood transplant, operation, everything. Guardian niya ako and I'm already 18. Bilisan niyo na po Doc, at kapag may nangyaring masama kay Sophia, kaya ko kayong i-demanda." Galit na sabi ni Kate. Agad namang kumilos ang doktor at umalis na sila kasama sila Hanah at Shainah.

Matiyaga silang naghintay at nagdasal para sa isang magandang balita. Wala pang nauwi sakanila at lahat ng saya nila kanina biglang naglaho. Kinontak na rin nila ang mga magulang ni Sophia at lilipad agad ito papuntang Japan.

Napansin nilang namatay ang ilaw sa OR at lumabas ulit ang doktor, hinihintay ang mga lalabas na salita.

"She is already stable." Tila nabunutan sila ng tinik sa dibdib ang lahat. "But..." agad ding bumalik ang kaba sakanila. Madalas kasi ang 'but/pero' ay isang negatibong salita, lalo na sa ospital.

"If she doesn't wake up in 72 hours, I'm afraid she's under coma. And we don't know when comatose patients wake up." Nanatiling tahimik ang labas ng  OR nang basagin ulit ito ng doktor.

"She will be moved in a private ward sooner or later. Excuse me." Umalis na ang doktor at naiwan parin silang nakatulala, masyadong mabigat ang salitang 'comatose.'

Ilang oras lang ay nalipat na si Sophia sa isang private ward pero limitado lang sa limang tao ang pwede sa loob kaya napagdesisyunan nilang magpalit-palit ng pagbabantay. Ngayong gabi, sila Tracy, Elle, Himuro, Kise at Nina ang magbabantay. Nauna nang umuwi 'yung iba dahil kailangang magpahinga nila Kate, Shainah at Hanah.

Pumasok ang lima sa loob ng ward ng tahimik, tanging mga machine lang na nakakabit kay Sophia ang tumutunog. Naupo sila sa stool at bench sa loob ng kwarto. Halos hindi parin nila ma-absorb ang mga pangyayari habang tinitingnan si Sophia.

Chizuru Marielle's POV

"Bakit kailangan sakanya mangyari 'to?" Narinig kong sabi ni Nina kahit sobrang hina nito. "Mabait naman siya, walang tinatapakang tao kaya bakit... bakit?" Pinapatahan na siya ni Tracy na tahimik lang din.

Sobrang nakakagulat at napaka-unexpected ng mga pangyayari. Parang kanina lang, ang saya-saya namin, na ang lakas pa ng mga trip. Pero ngayon, trahedya na.

Magbabayad samin 'yang Hawk na 'yan kung sino man siya. Ang tahimik ng buhay namin, wala kaming inaano na tao, tapos gaganituhin nila ang isa samin? Fck.

Hindi bale Sophia. Hahanapin namin ang gumawa niyan sa'yo. At mas matindi pa ang mangyayari sakanya.

KINABUKASAN

Isang araw na ang lumipas pero, wala pa ring malay si Sophia. Shift na naming lima ulit ngayon at kakatapos lang ng shift nila Ate, Allysa, Akashi, Mura at Kagami, pero nag-stay dito sila Ate Kate, Kagami at Akashi.

"Sige na, hindi naman ako pagod." Pinipilit namin si Ate na umuwi na dahil halatang pagod siya. Naiintindihan ko si Ate kasi sila 'yung close ni Sophia.

"Ate sige na, magpahinga ka na. Isang oras ka nang lagpas ate tapos wala ka pa daw kinakain mula kanina. Ni hindi mo ginalaw 'yung parte mo na dala nila tita. Kung gising lang si Sophia, nako, aagawan ka nun o di kaya magagalit sa'yo." Sabi ni Tracy pero hindi pa rin natayo si Ate.

"Mas OK na 'yung agawan niya ako ng pagkain kaysa ngayon na wala siyang malay. Atleast 'pag inagawan niya ako alam kong maayos lang siya." Sagot ni ate. Natahimik kami. Tama nga naman si ate.

"Pero sa tingin mo ate matutuwa si Sophia sa paglipas mo ng pagkain? Ayaw niya nang nasasayang diba?" Sagot pabalik ni Tracy. Walang kibo si ate.

"Tsaka ate, sige, mag-i-i-stay ka, pero kumain ka ate." Sabi ni Nina. Ilang minuto lang ay tumayo na siya dun sa upuan niya kanina at lumapit dito sa table.

Pinanood ko si ate kumain. Halatang wala siyang gana, hindi tulad ng nakasanayan namin na ate Kate na mahilig mang-ubos. Kaya Sophia, bilisan mo na at gumising, ng bumalik lahat sa dati.

Kakapanood ko kay ate ay nagutom na rin ako. Kaninang 7 PM pa ako kumain eh 11 PM na. "Nina, pwede mo 'ko samahan sa store sa baba? Bibili lang ako ng makakain." Tumango lang siya, nagpaalam kami sakanila at lumabas.

Bumili na ako ng makakain at ganun dun si Nina, syempre binilhan na rin namin 'yung mga natira sa room. Lumabas na kami ng store at pabalik na nang magsalita si Nina. "Teka pala, Elle."

"Bakit?" Tanong ko. "May nakalimutan akong bilhin. Saglit lang ah, mabilis lang naman ako." Tumango ako at pumasok na siya sa loob habang hinihintay ko siya dito sa labas.

Haaay. Makakain na nga muna ng biskwit. Binuksan ko na 'yung wrapper at pakagat na sana nang-- "Anak ng! Mag-ingat ka naman!"

May epal lang naman kasing tumakbo ng mabilis at nadanggil ako. Nahulog tuloy 'yung bikswit. Sayang nam-- Ano 'to?

Dinampot ko 'yung sobre sa tapat ko. Siguro nahulog nung epal. Chineck ko ito at... bakit nakapangalan sakin? Kakilala ko ba 'yung nakabangga sakin? Binuksan ko 'yung sobre at may sulat sa loob. Hindi naman masama diba? Nakapangalan naman sakin.

Chizuru Marielle,

     Gusto mo bang mapaghiganti ang nangyari sa kaibigan mo? Nandun lang siya oh, nasa kabilang side ng kinatatayuan mo.

     Kung gusto mo ring maligtas ang mga kaibigan mo, puntahan mo siya sa kabilang side, siya ang taong may gawa nun at may gagawin sa iba.

-Dark

Bakit 'Dark' na 'to?! Ilan sila, dalawa?! Pakshet na 'yan. Tumingin ako sa kabilang side ng kinatatayuan ko at nabato ako nang makita ko ang isang taong naka-itim. Siya ba?

"Hoy! Ikaw ba 'tong nasa sulat?! Sino ka ba?!" Dito lang nakaharap ang mukha niya pero wala siyang kibo. Tiningnan ko lang siya at nang sisigaw na ulit ako, bigla siyang tumakbo.

Hindi ka makakatakas sakin! "Hoy! Sandali! Shet 'yan!" Tumakbo ako at tumawid sa kalsada. Hindi ko alam na may humaharurot na sasakyan sa direksyon ko.

Nabato ako at hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa driver at kung hindi ako nagkakamali, siya... siya si... "Ao-Aomine...?"

Naramdaman ko nalang ang pagtama ng isang matigas na bagay sa katawan ko na parang kakalas lahat ng parte ng katawan ko.

Dugo. Puro dugo ang nakita ko sa kamay ko. Sht. Hindi... hindi ko na kaya. Sobrang sakit na. Parang... parang hihiwalay na talaga.

"ELLE!!" ang huli kong narinig bago magbigat ang mga mata ko at itim na ang paligid.

-----------

Dalawa na. Hulaan niyo na kung sino yung susunod. :)

At sa lahat ng nakahula kay Hawk at Dark, yeheey! XD Hahahaha! Pero obvious naman diba? XD

Last day of April. :)

04/30/15

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon