Nijyu San [Twenty-Three]

233 18 8
                                    

Sorry at delayed nanaman ako. Haha. Pagpasensyahan na rin yung kadramahan at kalandian XD ko. Haha.

-----------

Matsunaga Nina's POV

"Mahal mo ba ako?"

Nang tanungin niya 'yun, sobrang natigilan ako, na nahulog na 'yung kutsarang hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Mabibigla? Magtataka? Maguiguilty? Mai-i-speechless? Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

Kung magsisinungaling akong 'oo', pinapaasa ko lang siya sa wala. Dahil alam kong hindi na. Oo, minahal ko siya, pero kahit anong gawin ko, hindi niya mahigitan ang kay Kuroko. Kung sasabihin ko ang totoo na 'hindi', sila ni Sophia ang masasaktan ko.

Pero sabi nga nila, the truth will set you free. Tumingin ako sakanya pero nakatayo pa rin siya sa gilid, kumakalikot ng kung ano-ano. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya dahil naka-side view siya sakin at isa pa, natatakpan ng buhok niya yung mata niya.

"Kailangan ko sabihin ang totoo." Yan ang sabi parehas ng puso at isip ko. "I'm sorry." Huminga ako nang malalim at tinawag siya.

"Kagami... sa totoo lang, mina--"

"May sinasabi ka ba, Nina?" Natigilan ako nang magsalita si Kagami. Huh?

Tsaka lang ako natauhan nang magtanggal siya ng earphones. What? A-Ano 'yung tanong niya?

"A-Akala ko n-nagtanong k-ka?"

"Huh? Nagtanong? Anong sinasabi mo? Ano ba 'yung tinanong ko?" Hindi pala siya nagtanong?! E-Eh ano yun? To think na tinawag niya pa yung atensyon ko diba?

"Ah eh. W-Wala. Wala. Nabibingi lang." Tumango lang siya sakin. Baka naman napakanta siya tapos ganun yung lyrics. Siguro nga.

"Oh Nina. Sensha natagalan. Paki-lagay dun sa dining." Nag-abot siya sakin ng plato. Ah. Eto siguro yung nakalimutan niyang sabihin sakin kanina kaya niya ako tinawag.

Ano ba Nina! Imposible 'yang pinag-iiisip mo! Alam ko sa sarili kong tinawag niya ako para itanong sakin ang bagay na yun. O sadyang naprapraning at gutom lang ako?

Hindi. Hindi. Hindi talaga ganun lang yun eh. "Oh tara na Nina, lunch na tayo!"

Napatingin ako kay Kagami na inaya na ako kumain. Sa tuwing titingnan ko siya, naguiguilty talaga ako. Nag-nod lang ako at umupo sa tabi niya, since yun nalang ang vacant. At nagsimula na akong kumain.

"Ah Nina. May lakad ka ba ngayong araw?" Tanong niya sakin out of the blue.

"Wala naman." Sagot ko. Humarap siya sakin. "Pwede mo ba akong samahan mamaya?"

Kuroko Tetsuya's POV

"Mahal mo ba ako?"

Unabg beses ko nagulat sa buong buhay ko. At unang beses rin na hindi ko alam ang isasagot ko. Ito rin ang unang beses kong ma-guilty.

For as far as I know, I'll be the one who will bring her to tears any day from now. At sobra akong nagsisisi at... hindi ko maexplain. Kailangan ko parin sabihin ang totoo.

"Sophia... sa totoo lang--"

"Waaaaah! Ang galing! Parang ako 'yung tinatanong diba, Kuroko?" Natigilan ako nang ipakita niya sakin yung libro nang saglitan. "Tinanong ako!"

Hindi ko maiwasang hindi magtanong. "Anong tinanong sayo?"

Ngumiti lang siya. "Ang kwento kasi nito ay yung babae kasi inlove dun sa taong wala namang gusto talaga sakanya, sa pagkakaalam niya, tapos nagpapakita pa sakanya ng motibo yung lalaki. Ito namang babae eh syempre, unti-unti nang nahuhulog. 'Yun pala, nature lang talaga nung lalaki yung gentleman at super caring niyang ugali. Nung gusto nung babae na malinawan at maka-siguro, tinanong niya yung lalaki ng 'mahal mo ba ako?' Ayun." Tumango lang ako sa kanya. Iba ang nararamdaman ko sa ikinuwento niya.

"Ano ang ending?" Hindi ko alam pero na-curious ako sa kwento.

"Walang nakalagay sa cover sa likod ko eh." Nanahimik siya saglit habang ibinalik niya yung libro. "Pero may hula ako sa ending."

Nanahimik lang ako, hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya. "Yung lalaki. Magsosorry sabay sasabihing hindi. O di kaya eh sasabihin niya hindi ko mapapantayan yung pagmamahal mo sakin. Kaya sa huli, nag-give up yung babae."

"Bakit naman yun ang ending para sayo?" Nagkibit-balikat lang siya. "Ewan ko. Mahilig lang talaga ako sa drama."

Kinuha na niya ulit yung "The Fault in Our Stars" na libro sa shelf atsaka binayaran na. Teka...

Hindi ba dapat English yung sinabi niya? Bakit Tagalog? Pero posible ngang itinagalog nalang niya. Hindi ako mapalagay. Lalo na sa ending na inisip ni Sophia.

"Tara Kuroko, may pupuntahan pa tayo!" Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami ng mall.

"Saan tayo pupunta?"

"Park lang. Yung malapit sa bahay." Ngumiti ako sakanya at tumango. Ngumiti rin siya sakin pabalik. Tumingin siya sa cellphone niya.

"Hala! Tara na pala!"

Matsunaga Nina's POV

"Anong ginagawa natin dito sa park?" Naka-upo lang kami ni Kagami dito sa may fountain. Habang si Kagami kalikot nang kalikot sa cellphone niya.

"Malapit na pala sila." Huh? So may hinihintay pala kami?

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba na hindi ako mapalagay. Ewan ko. Basta, iba feeling ko.

"Ah! Ayun sila! Kagami! Nina!" Nang marinig ko ang boses ni Sophia, para akong nabato sa kinauupuan ko. Something will definitely happen. Kung nandyan si Sophia, ibig sabihin nandyan din si...

"Ah. Kuroko. Sophia." -Kagami.

Lumapit sakin si Sophia. "Tara Nina. May itatanong pala ako sayo." Humarap ako sakanya kahit na talagang kinakabahan ako sa di malamang dahilan.

"Ano yun?" Ngumiti muna siya sakin bago nagsalita. "Wag kang magsisinungaling, mabibigla, o kahit ano. Oo o hindi lang naman ang isasagot mo." Tumango ako. "At gusto ko yung totoo. Ok?" Ngumiti siya ulit sakin kaya tumango ako ulit.

Nang itanong niya sakin iyon, hindi ko ineexpect na iyon ang itatanong niya sakin at bigla akong nakaramdam ng sobra-sobrang guilt.

Kuroko Tetsuya's POV

"Kuroko." Ngayon ko nalang ulit narinig na sumeryoso nang ganito ang boses ni Kagami-kun. "Ano 'yun, Kagami-kun?"

Nakatingin lang siya sa bolang hawak niya. "Totoong sagot lang na oo o hindi, Kuroko." Tumango ako sakanya. Nang tanungin niya yun, nakaramdam ako ng... hindi ko maipaliwanag. Dinribble niya ay inikot-ikot niya muna 'yung bola.

May iba talaga akong nararamdaman sa kilos nila. Hindi ko masagot kung ano.

Pero nang itanong na niya iyon, alam ko na kung saan hahantong. At hindi ko inakalang mapupunta sa ganito.

----------

MissOtakuGirl22's:

Pabitin muna. Para mainis kayo. Joke lang. XD

Ano kaya yung tanong ano? XD thank you pala sa classmate ko. Wala lang. XD

Next update: ISDK when. XD busy.

11/8/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon