Yonjyu San [Forty-Three]

134 13 8
                                    

So, may nilagay ako sa media, check niyo nalang ha? Magegets niyo rin 'yan. :)

Warning: Kadramahan intensifies every paragraph. De choss lang. Basta warning nalang sa mabibigat na salita na talagang masakit sa puso at tatatak sa utak niyo.

—————-

Saginomiya Sophia's POV

Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko paggising ko. Sht.

"Ano bang ginawa namin sa'yo ha, Raika?"

"Pakawalan mo na si Sophia! 'Diba kaibigan mo siya?!"

Masakit man ay pinilit kong tumingala dahil naririnig ko 'yung boses nila Ate at Nina.

"Ha! Palibahasa, sino ba kasi ang makakaalam ng mga ginawa niyo sa akin, dahil kayo lang naman ang parating napapansin ng lahat!" nakarinig ako ng putok ng baril kaya napasigaw ako.

"R-Raika...!"

"Sis/Sophia/Ate!" napalingon silang lahat sa akin at nilapitan ako ni Raika atsaka hinawakan sa buhok.

"Gising ka na ulit, Sophia. Mabuti naman, nang makita nila kung paano kita—"

"Aah! A-Aray!"

"dadahan-dahaning patayin..." narinig ko siyang tumawa habang nararamdaman ko ulit 'yung pagsabunot niya sakin.

"Itigil mo na 'yan, please!"

"Bakit mo ginaganyan si Ate Sophia? Please tama na!"

Kada salita at sigaw nila mas sinasaktan ako ni Raika. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya 'to sakin, samin.

Pinilit kong itayo ang sarili kasama nung nakatali sa aking upuan. Ramdam ko na 'yung bugbog sa akin kaya sobrang sakit na. "R-R-Raika... b-bakit...?"

"Gusto mo ba talaga malaman kung bakit?" pagtapos niyang sabihin 'yun ay sinipa nanaman niya ako. Nakita kong akmang lalapit sila sa akin pero nagpaputok nanaman si Raika ng baril. "Dyan lang kayo! Sino may sabing pwede niyong tulungan 'tong babaeng 'to?!"

Napatitig ako kay Raika—kung si Raika man 'tong tinitingnan ko ngayon. Napakalayo ng itsura niya noon sa ngayon. Kung dati, mukha at ugaling anghel siya, ngayon, kabaligtaran na.

"Anong tinititig-titig mo dyan ha?" sinampal niya ako at nakalasa na ako ng kalawang sa bibig ko.

Gustuhin ko mang gantihan at magalit sa kanya ngayon, hindi ko mapilit ang sarili kong gawin 'yun dahil kahit ganito ang trato niya sa akin ngayon, kaibigan ko pa rin siya.

"B-Bakit... ka biglang naging.. ga-ganito, Raika...?" pagtapos kong sabihin 'yun ay hinawakan niya ang baba ko nang napakahigpit at inihagis.

"Kasalanan niyo, kasalanan niyo ng mga kaibigan mo kung bakit ako naging ganito!" nakatingin lang ako sakanya nang sabihin niya 'yun.

"A-Ano bang... g-ginawa n-namin sa... sa'yo...?"

Tinitigan niya ako ng napakasama pati na rin sila Ate. "Heh, naranasan niyo na bang makumpara? Naranasan niyo na bang maging second choice? Naranasan niyo na bang masabihan nang walang kwenta, inutil at bobo? Naranasan niyo na bang matakwil ng sarili niyong mga magulang? Naranasan niyo na bang mabalewala? Naranasan niyo na bang maging invisible?

"Heh, paano niyo naman mararanasan 'yun, eh kayo ang first choice, kayo ang magagaling sa lahat, kayo ang kilala ng lahat, kayo ang iniidolo nila, kayo ang nasa spotlight. Heck, even other parents would choose you compared to their own sons and daughters."

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon