Sanjyu Kyu [Thirty-Nine]

154 16 39
                                    

New character appearance. Cameo lang naman. :) Say hi to Sheane Oblige (bravelittlefantasy)!

—————-

Yarashii Kate's POV

Natigilan ako sa sinabi ni Tracy sa kabilang linya. Nagsisisihan sila? Hindi, hindi dapat. Ako ang dapat sisihin.

Kung hindi sana ako pumayag sa outing na 'yun, walang maaaksidente, walang malalagay sa peligro, walang malulugkot. Nangangamba na akong tumuloy that time eh, bakit pa ako um-oo? Bakit ba hindi ko sinunod ang instincts ko?

Binaba ko muna ang tawag at nag-iba ng direksyon sa paglakad. Kailangan kong mag-isip ng mabuti at magpahangin.

Sa totoo lang, simula nang maaksidente silang tatlo, hindi ko maexplain ang pagbabago samin. Alam kong may nagbago, eh. Sobrang... bigat.

Gustuhin ko man magmukhang malakas para sakanila, bakit ang hirap gawin? Ang hirap magpanggap na OK lang lahat. Pero ako ang matanda sakanila kaya dapat ako ang maging mas matatag sakanila.

Nakita ko nalang na nasa park nako dahil sa mga kotse ng pulis at wangwang nito. Oo, iniimbestigahan nila ang nangyaring aksidente— or sabotage daw na nangyari, courtesy of Sophia's, Elle's and Hanah's parents. Wala pa ring lead kung sino-sino ang suspek, pero may nakita silang evidence na letters.

Hawk, Dark at Melody. 'Yan ang hinayupak na pangalan ng mga may gawa nito sakanila. Naalala ko pa ang nakasulat dun sa letter nung Melody.

Flashback

Tahimik lang kami sa sala nang makatanggap kami ng call. Tumayo ako't sinagot.

"Hello, sino po sila?"

[Ah yes. This is Tokyo Police Department Chief Suwamura. Are you Yarashii Kate?]

"Ah yes."

[Are you in any case related with Shizuri Hanah and Daidairoka Shainah?]

Nakaramdam agad ako ng kaba. Tawag 'to galing sa pulis. "Ahm yes, guardian po nila ako. B-Bakit po?"

['Wag po kayong mabibigla.]

Mas lalong nadagdagan 'yung kaba ko. Please, not another accident. "Bakit po? A-Ano pong nangyari k-kay Hanah at S-Shai?"

Nakita kong tumayo sila Tracy at lumapit. She mouthed 'Anong meron?' Niloud speaker ko ang telepono.

[Shizuri-san was shot 5 times, while Daidairoka-san fainted. They're currently at Tokyo General Hospital.]

***

Nadaanan namin ang crime scene. Pinauna ko na sila sa ospital at nanatili ako dito kasama sila Sei at Nijimura. Puro pulis at NBI ang nandito.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon