Jyu Nana [Seventeen]

367 20 22
                                    

Sorry sa late update!

-----------

Chizuru Marielle's POV

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah! Tapos? Ang daya naman kasi! Sa ibang lugar pa!" Iniintriga nila ngayon si Tracy sa nangyari nung isang araw pa. Tinatakasan agad kami eh, o di kaya eh napuputol. Kaya ayan, sinugod nila first thing in the morning.

"Tapos ano..." Nanunuod lang ako habang iniinterrogate nila si Tracy. Nandito pala kami ngayon sa kwarto niya, wala eh, pinuntahan kami ni Shai sa mga kwarto namin at kinaladkad kami papunta rito.

Kinikilig naman ako sakanila, ‘di lang halata. XD Buti pa sila, ayos na...

Lumabas muna ako sa kwarto dahil kanina pa nakulo ‘tong tiyan ko. Diretso tsika agad ‘tong mga ‘to eh.

***

Pagbaba ko naabutan ko si Himuro at Midorima nasa sala. “Good morning.” Bati ko naman. Napatingin sila sakin at bumati pabalik.

Pumunta naman akong kusina at ako na rin ang nagluto ng agahan namin. ‘Wag kayo mag-alala, lahat kami marunong magluto. Habang naghihiwa ako ng kung ano man ‘to, naramdaman ko ang pagbukas ng thermos sa tabi ko. Si Kise pala...

Hay Elle, for the nth time... “Ohayou...” mahinang bati ko sakanya habang hindi tumitingin. Magbibilang nako. Kapag hindi nabawasan ng isang segundo, tama na muna Elle.

1...

2...

3...

4...

And 5...

“Ah. Ohayou.” At umalis na rin siya pagtapos. ‘Yun na ‘yun Elle, tama na muna. Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.

Bakit ganun? Ano bang nagawa ko sakanya? Sa iba naman ayos ‘yung pakikitungo niya, sa akin lang siya ganun. Ano ang kasalanan ko sakanya at bakit cold na cold ang trato niya sakin? Masisiraan na ako dito kakaisip!

“Elle amoy-sunog na!” Nagulat naman ako nang nasa tabi ko na si Allysa at pinapatay na ‘yung kalan at inilagay ‘yung piniprito ko sa isang plato. Sht naman.

“Ano bang ginagawa mo diyan? Lutang ka pa ba? Antok ka pa ba? Ako na muna kung gusto mo.” Alok sakin ni Allysa pero nginitian ko nalang siya. “De, sorry, medyo lumutang nga. Pero OK na, ako na rito.” Umalis na rin naman siya nang sabihin ko ‘yun.

Hay nako Elle. Mamaya na nga ‘yan. Masunog pa ulit niluluto mo, masunog pa bahay niyo. Eh di nganga, makasuhan pa ako. Ok, OA na.

***

“Agahan!” sigaw ko paglabas ko ng kusina. Aba nakahanda na rin pati mesa. Bilis nila ah.

Eh ‘di ayun kumain na kami. “Ah, Tracy paabot naman ng juice.” –Sophia.

“Eto oh.” –Tracy.

“Elle paabot naman nung kanin.” Narinig kong tinawag ako ni Ate Kate kaya hinanap ko na ‘yung bowl.

“Eto oh Ate.” Iaaabot ko na sana kay Ate ‘yung bowl nang mahanap ko na kaso nasa dulo pala siya eh nasa gitna ako naka-pwesto.

“Kise, pasuyo naman kay Elle ‘nung bowl ng kanin oh.” Tinawag ni Ate si Kise kaso nung nakita malaman niyang ako ‘yung mag-aabot papunta kay Ate, bumalik siya bigla sa pagkain. Tumingin si Ate sa kanya at kakausapin ata ulit nang si Himuro nalang ‘yung nag-abot sakin. “Eto Elle oh.” Nagpasalamat nalang ako.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon