Yonjyu Ichi [Forty-One]

173 16 14
                                    

Saginomiya Sophia's POV

"Tapos po... hindi ko na alam ang nangyari, nakita ko nalang po si Nina na tumatakbo papunta sakin at nawalan na ako ng malay." pagtatapos ni Elle sa story niya.

Nandito kasi kami ngayon sa presinto, kinukuhanan kami ng statement kasi napag-alaman kong nagsasampa ng kaso si papa tapos pati din pala 'yung mga papa nila Elle at Hanah.

"Thank you for cooperating with us." tumango kami dun sa Chief at sabay na lumabas dito sa parang isang room.

"Ano, kamusta naman kayo dun? 'Di ba kayo na-torture?" binatukan ko nga si Ate Kate.

"Sira ka talaga ate, kagagaling lang namin sa ospital tapos i-to-torture kami?" nagpout siya samin na ikinatawa naming lahat.

"'Di ka naman mabiro Sophia. Ang sakit nun ah!" reklamo ni Ate na ikinatawa namin lalo.

"Haaay! Namiss ko 'to!" napatingin kami kay Tracy na biglang sumigaw. Hala, anyare dito?

"Oo nga eh." segunda ni Nina. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Hanah at Elle, parehas kaming nalilito.

"May nangyari ba nung nasa ospital kami?" tanong ni Hanah. Natahimik sila tapos nagkatinginan. At pagtapos, bigla silang nagngitian at sabay-sabay na sinabing, "Wala 'no!"

"Kaya namin nasabing namiss kasi dalawang linggo rin kayo nawala, ano. Nakakamiss kaya mga presensya niyo sa bahay." sabi ni Shai.

"Yeah! Tsaka kulang 'yung maingay samin, lalo ka na Sis, nakakamiss 'yung malakas mong boses!" pagtutuloy ni Nina.

"Tapos 'yung childishness ni Hanah! Hahaha!" sabi ni Allysa.

"At 'yung mga pambabara ni Elle!" pagtatapos nila.

"Grabe naman kayo!" kami naman ang napa-pout at sila naman ang nagtawanan. Pero di rin nagtagal, nagtawanan na kaming lahat.

Oo nga, nakakamiss 'tong mga times na 'to. Kahit ba dalawang linggo lang kaming nawala, syempre, kaibigan eh, miss nila kami agad! Hahaha!

Eto 'yung mga moments at memories na masasabi kong, hindi ko maipagpapalit sa kahit ano at kahit sino. Kahit bayaran pa ako ng isang bilyon, scholarship hanggang college, Kahit magkamatayan man.

"Ang tagal niyo naman sa loob." napatingin kami kanila Taiga at Akashi na nagsalita. Nag-peace sign lang kami at umalis na sa presinto.

***

Yarashii Kate's POV

"Everyone, sandali lang. Wala munang aalis." Napatingin kami kay Nijimura na nagsalita. Napaupo naman 'yung iba pabalik dito sa dining.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon