Sanjyu Nana [Thirty-Seven]

164 16 31
                                    

3rd Person's POV

"Elle! Elle! Gumising ka!" Naiiyak na sabi ni Nina habang dahan-dahang isinasakay sa stretcher si Elle na wala sa posisyon at naliligo ng dugo.

Itinakbo agad sa OR si Elle habang hindi magkanda-ugaga si Nina sa cellphone niya para tawagan sila Kate na nasa 3rd floor lang.

"A-Ate..."

[N-Nina?! Ba't parang naiyak ka? Anong nangyari?]

"S-Si Elle a-ate... N-Nasagasaan. H-Hit and run. S-Same ospital lang a-ate... OR."

[ANO?! S-Sige pupunta na kami dyan!]

Hindi mapakali si Nina sa labas ng OR kung kaya't sinilil niya ito sa maliit na bintana at mas naiyak sa nakita. Sinusuportahan na siya ng oxygen, sinasalinan ng dugo at inooperahan. Lahat ng nurse at doktor sa loob ay tila nagmamadali.

"Nina! Nina!" Napalingon agad siya sa tumatawag na sila Kate kasunod sila Tracy, Himuro, Kagami, Akashi at Kise na alalang-alala ang itsura.

"Anong... paanong nasagasaan?" Hindi mabuo-buo nila Tracy ang pagtatanong.

"P-Pabalik na kami d-dito sa ospital nang bu-bumalik ako d-dahil ma-may nakalimutan ako... pagtapos ko tinawag ko s-si Elle pe-pero bigla s-siyang tumakbo at... at... may sasakyan tapos..." hindi na matapos-tapos ni Nina dahil sa tuloy-tuloy niyang pag-iyak pero naiintindihan na nila ang nangyari.

"Excuse me. Kaano-ano niyo po ang pasyente?" Tinanong ng doktor sila Nina. Halata naman na kasama nila si Elle dahil si Nina ay puno rin ng dugo.

"Kaibigan po pero ako po, ako po guardian nila. 18 na po ako." Sabi ni Kate. Tumango 'yung doktor. "Bakit po? Maayos na po ba si Elle?"

"She suffered several fractures, both arms and legs, may crack din sa spine niya. Her brain has blood clot. We did everything but..." heto nanaman tayo sa 'but' na 'yan.

"She's under comatose. Who knows when she will wake up. We're still doing some tests to assure her life's safe. And ma-ta-transfer siya sa ICU since she's under monitor. Excuse me." Pag-alis ng doktor ay nabalot nanaman sila ng katahimikan nang suntukin ni Kise ang pader na katabi niya.

"Puta. Dalawa na. Dalawa na. Pakshet!" Sabi ni Tracy habang pinapadyak-padyak ang paa sa galit. Pinapakalma naman siya ni Himuro. Tahimik lang sila Akashi, Kagami at Kate habang patuloy ang pag-iyak ni Nina.

"Guys." Napalingon sila kanila Hanah, Allysa at Kuroko na tumatakbo papalapit sakanila. "Anong nangyari? Kamusta si Elle?"

"Nasagasaan si Elle. At c-comatose daw sabi ng doktor." Sabi ni Kagami. Napatulala naman sila Hanah at Allysa habang pinapatahan ni Kuroko si Nina.

"T-Teka, pa-paano? Bakit?" tanong ni Hanah habang naiyak sila ni Allysa. "H-Hindi ko rin alam... P-Patawid s-si Elle pero may sa-sasakyan at..." Hindi matapos ni Nina ang sasabihin. Kanina pa rin siya iyak nang iyak dahil syempre, sila ang close ni Elle.

"Guys! Guys!" umiiyak at natatarantang sabi ni Shainah habang tumatakbo sa kinaroroonan nila. "Bakit?" Tila hindi na maalis sa kanila ang pangangamba.

"N-Nagbabantay lang kami ni Shin k-kay Sophia, t-tapos bigla nalang siya nag-aano... nag-si-seizure!" agad silang lahat tumakbo sa 3rd floor ng ospital at nakita nila si Midorima na nasa labas ng kwarto ni Sophia.

"A-Anong sabi ng... ng doktor?" tanong nila habang naghahabol sila ng hininga. Please naman po, sana safe lang siya.

Huminga muna ng malalim si Midorima bago magsalita. "Nagkaroon ng infections ang mga sugat niya kaya siya nagka-seizure. Sa ngayon, kritikal siya."

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon