Nijyu Yon [Twenty-Four]

252 19 3
                                    

Feels trip daw 'to (sabi nung pinabasa ko kaya... XD)

Paepal lang po yung picture ni Taiga sa gilid. HAHAHA. XD

-----------

"Sa mundo, napakaraming bagag ang hindi permanente. Kaya kapag nagbago na ang mga bagay na ito, dapat mong paghandaan."

Matsunaga Nina's POV

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko habang nagkakanda-ugaga si Sophia sa harap ko kung paano niya ako patatahanin. Nababaliw na ba siya?

"Huy, 'wag ka naman umiyak, Nina. Wala namang nakakaiyak sa tanong ko ah?" Nagbibiro ba siya?

"Baliw ka ba? Tanga ka ba? Manhid ka ba? Masokista ka ba?" Tumawa lang siya sa lahat ng sinabi ko. Paano niya pa nagagawa yun?

"Hindi ako baliw. Hindi rin ako tanga. Mas lalo namang hindi ako mnhid. Ginagawa ko lang ang tama." Ngumiti lang siya sakin. Anong tama dito? "Uulitin ko 'yung tanong ko ha?"

"Mahal mo si Kuroko diba?"

Napaiwas ako ng tingin sakanya. "Sabi ko naman sayo hindi ako manhid."

"I'm sorry." Kumawala nanaman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tiningnan ko siya pero nakatingin siya sakin na parang nagtataka.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong niya. "Ah. Kasi mahal mo siya? Ano naman ngayon? Kahit kailan, hindi kasalanan ang magmahal. So bakit ka nagsosorry?"

"Kasi nasasaktan kita."  Ngumiti lang siya sakin. "Sigurado ka ba dyan?"

Hindi rin ako manhid, Sophia.

"I'm sorry-- Aray!" Binatukan naman ako ni Sophia. "Isa pang sorry makakatikim ka ulit sakin." At tumawa siya.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Biglang sabi ko. Napatigil siya at tumingin sa kalangitan. "Kasi ito ang tama. Tsaka nakakaloka rin maging selfish. Nakakapagod rin umasa."

Tama? Selfish? Umasa? "Ha?"

"Wala, wala. Nevermind. Tara!" Hinila niya ako patayo at pumunta kami sa isang side ng fountain. Teka, bakit hatak rin ni Kagami si Kuroko?

Kuroko Tetsuya's POV

Napatahimik nalang ako sa tanong niya. Nilalaro niya lang ang bola habang hinihintay ang sagot ko.

"Bakit mo ito tinatanong? Paano kung oo? Paano kung hindi?" Tiningnan niya ako.

"Ginagago mo ba ako-- Aray!" Kahit kailan talaga si Kagami-kun. "Para saan 'yun ha?!"

"Bakit mo tinatanong ang bagay na 'yan sakin?" Pag-uulit ko. Tiningnan niya ako at nilipat naman niya ang tingin niya sa bola.

"May nag-udyok sakin gawin ang bagay na 'to. Sabi niya para daw 'to sa ikabubuti ng lahat." Huh? "Teka, sabi ko wala kang ibang sasabihin diba? Inuuto mo ata ako eh."

"Aray. Bitaw." Binitawan naman ni Kagami-kun ang ulo ko. "Ano na? Mahal mo si Nina diba?"

Napayuko ako at tumango. Bakit pa ako magsisinungaling? "Oo, pero ayokong saktan si Sophia." At pati ikaw.

"Kahit umamin ka o hindi masasaktan parin naman siya eh." May ibinulong si Kagami-kun pero hindi ko masyado narinig. Bigla niya akong hinatak patayo at pumunta kami sa isang parte ng fountain.

Teka, anong ginagawa ni Matsunaga-san at ni So-- Saginomiya-san dito?

No one's POV

"Tingin ko may dapat kayong pag-usapan." Tinulak ni Sophia si Nina papunta kanila Tetsuya at Taiga. Sa kabilang banda naman, ay tinulak ni Taiga si Tetsuya. "May pag-uusapan kayo diba?"

"Uhm..." tila nagpapakiramdaman sila Nina at Tetsuya sa isa't-isa. Sa mga nangyayari, alam nila na maraming magbabago.

Ang daming alam ng author nito ano? Ok. Balik tayo sa story.

Lumingon si Nina sa gawi nila Sophia pero naka-ngiti ito at naka-thumbs up pa. Ganun rin si Taiga, naka-ngiti lang ito.

"Lahat ng bagay sa mundo hindi permanente. Itsura nga ng tao nagbabago, feelings pa kaya?"

Kagami Taiga's POV

"Mission 1 accomplished. Tara na, Kagami." Lumingon sa akin si Sophia at nauna nang maglakad pero hindi ako sumunod sa kanya.

Nakatingin pa rin ako sa kanilang dalawa. Nakakatawa sila tingnan dahil para silang may gusto sa isa't-isa tapos nahihiya umamin.

Ay, hindi pala 'parang', totoo pala.

"Tss. Tara na sabi. Masakit na nga, tinitingnan mo pa." Hinatak na niya ako paalis sa park.

Masakit pala 'no? 'Yung i-give up mo 'yung taong mahal mo? Ay leche ang bakla pakinggan. Pero seryoso, masakit. Sobrang sakit.

Pero at the same time, magaan sa pakiramdam. May pinalaya akong napakabigat pero kahit ganun ang ginawa ko, masakit pa rin. Ayoko sanang pumayag, ayoko sanang gawin. Pero may sinabi si Sophia sakin na lubos na tumama sakin.

"Loving someone means putting his/her happiness first before your own. Masakit, oo. But, can you bear the sight of her being hurt while you're happy?"

"Alam kong nahahalata mo but you chose to be blind. We need to stop being selfish and just accept the truth."

"Mahirap man at masakit itong plano ko, para naman 'to sa ikasasaya nila. And maybe, para satin rin."

"Oh." Nagulat ako nang may panyo sa tapat ko at isang plastic ng pagkain. "Ibuhos mo lang 'yan."

Kinuha ko naman parehas. Kakailanganin ko 'yung panyo mamaya. Sa ngayon, ikakain ko muna 'to.

Kung ganito lang pala ang mangyayari, bakit pa ako nandito?

***

Tahimik lang kaming naglalakad pabalik sa bahay na parang walang nangyari. Tiningnan ko lang itong katabi ko at katulad ko, kumakain lang din.

Alam ko kanina niya pa pinipigilan. (Maging ako rin naman) Kahit ngumiti pa siya dyan at humagalpak ng tawa, pinipilit niya lang. Pero saludo ako sakanya. Sa kabila ng ginawa niya, nakakangiti pa rin siya na akala mo walang dinadala.

Kamusta na kaya 'yung dalawa? Sana naman hindi mapunta sa wala itong ginawa namin.

-----------

MissOtakuGirl22's:

So huwat es des. Hahahaha! And that's it. Lol no comment. Hahaha

Sorry nalang sa basag ko nanamang promise. Naging hectic nung araw na dapat i-a-update ko 'to. :D

Keep on dreaming~!

11/30/14

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon