Yonjyu Go [Forty-Five]

148 15 21
                                    

Warning: Read at your- dejoke lang. Wala na po. :) Unexpected ba kamo? Here goes.

—-

2 weeks later

Matsunaga Nina's POV

Two weeks na magmula ng mangyari 'yung insidente at... wala na si Ate Kate.

Sobrang laki ng pagbabago, mas malala pa nung nasa ospital 'yung tatlo samin. Kasi silang tatlo, alam naming babalik. Pero si Ate? Hindi na.

Hindi mo naman kami masisisi kung ganito kami ngayon. Tahimik. Mga hindi makaimik. Dalawang linggo palang ang nakakaraan magmula nang umalis na si Ate Kate, syempre, hirap kaming mag-cope up lahat, at mas lalong mahirap mag-move on. You cannot expect us to go back to the way it was before kasi una sa lahat, mahirap at pangalawa, how can we go back to the way it was kung kulang na kami ng isa?

"Guys." Napatingin kami kay Sophia na kakababa lang. Malaki rin ang pinagbago niya nung dalawang linggo. Nangayayat, malamlam na 'yung eyebags, at halatang stressed. Maging kami rin naman.

"Dalawin natin si Ate." tumango lang ako at tumayo na. Tinawag ko na 'yung iba sa kanya-kanya nilang kwarto at pagtapos ay dumiretso na ako sa pagbihis.

***

"Teka guys, pwedeng dumaan muna tayo sa flower shop?" tumango lang kami kay Shainah atsaka ulit kami bumalik sa kanya-kanya naming business.

Usually 'pag ganito, kahit public places, wala kaming patawad. I mean, napakakulit namin, napakaingay, napakagulo. Pero ngayon, wala, tahimik lang kami.

Pagkababa namin ng tren ay dumaan kami sa pinakamalapit na flower shop bago puntahan si Ate. Pagpasok namin ay agad kaming binati ni Mrs. Hiraga, 'yung tagabantay dito sa shop. "'Yung usual ba, mga iho at iha?"

Tumango kami. Pumasok siya sa loob at nilabas na 'yung mga fresh red tulips. 'Yan kasi ang favorite flowers ni Ate Kate, base kay Akashi. Kumuha ako ng isa at pinagmasdan 'to. Nakakamiss tuloy si Ate Kate. Kung pwede lang sana siyang bumalik...

Nilakad nalang namin ang papunta kay Ate Kate. Malapit nalang naman at ayun na eh. Pagpasok namin ng gate ay huminga ako ng malalim. Tanging hangin lang na pumapagaspas sa puno ang maririnig mo sa sobrang katahimkan sa lugar na 'to.

Dahan-dahan kaming naglakad at nagulat nalang kami nang sumigaw sila Tracy, Hanah at Elle. "Ate Kateeeee!! Nandito kami!"

"Mga bastos 'tong mga 'to! Kita na nga't dorm 'to! Anyway, pumasok na nga kayo nang pwede kayong mag-ingay dito sa loob." Pinapasok na kami ni Ate Kate at dun na kami bumalik sa dati, nagtawanan at nagharutan na kami sa loob.

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang lumipat si Ate Kate sa dorm niya. Malayo kasi sa bahay namin ang Tokyo University kaya kailangan na ni Ate ang mag-dorm. Dahil malapit na ang pasukan, kailangan na ni Ate lumipat dito para hindi siya maagawan ng room. Eto naman ang resulta, medyo malaki ang nakuha ni Ate kaya kasya kaming labing-anim dito. Galing 'diba?

Yarashii Kate's POV

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila. Grabe, namiss ko rin ang maiingay na mga ito.

Ano nga ba ang nangyari? Matapos nung insidente sa kaibigan ni Sophia dalawang linggo nang nakakaraan, nawalan ako ng malay for four days. Sabi nila due to trauma ata. Atsaka buti nalang hindi fatal 'yung mga tama ko. Maaaring sa labas daw eh malapit sa puso, pero thankfully, wala siyang natamaan na ugat o ano.

After kong ma-discharge sa ospital, kailangan ko ring lumipat na ng dorm dahil malapit na nga ang pasukan. Pahirapan pa nga nung nag-iimpake ako ng gamit sa bahay namin eh, iyak sila nang iyak, feeling nila sa ibang bansa ako maninirahan at hindi basta-basta mapupuntahan. Hahaha! Pero seryoso, na-touch ako sakanila nun, at syempre mahirap din na iwanan ko sila dahil for I-don't-know-how-many-years ko silang kasama. Ngayon lang ako mahihiwalay sakanila nang ganito.

Came To Life (A KnB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon