Part 1

3.2K 42 1
                                    

Shakey's V League-San Juan Arena

Army vs Fourbees

Nakakaaliw palang panoorin ang team ko na nagbibiruan sa loob ng court. Para lang silang mga batang naglalaro at lahat na yata ng kasama ko nakapaglaro na. Pwera lang ako. Haiz same old story. Sprained ankle.

"Chel, pa-sub ka muna" sigaw ni coach ng mag time-out.

"Yes coach" agad na sagot ni ate chel at naupo sa tabi ko.

Napangiti nalang ako at di ko maiwasang mapatingin sa legs nya. "Ano naman yang nasa legs mo" sabi ko sabay hawak sa legs nya.

"Hmmm...ah yan..tape."sagot nito.

"Anong nakasulat?...patingin.."sabi ko ng nakatingin parin sa legs nya.

"Ano ka ba?" sabi nito sabay hampas sa kamay ko. "tsansing ka eh"

"Aray ko naman. Babaliin mo naman kamay ko. Kahapon tinulak mo na nga ako kaya ako nagkasprain." Inis kong sagot.

"Magtigil ka nga! Hindi kita tinulak no. Bingi ka kasi, sinabi ko ng mine eh kinuha mo pa rin."

"Hindi kaya.... Nauna ako tapos tinulak mo ako." diin ko.

"Hoy kayong dalawa, ingay nyo!" saway ni coach na napatingin sa amin.

"Sorry coach" pagbawi nito at biglang baling sa akin "ikaw kasi...sorry na...kung sa tingin mo kasalanan ko."

"Bakit parang labas sa ilong?" biro ko.

"Nag sorry na nga eh." sabi nito sabay irap.

"Nakalunok ka ba ng magnet?"

"Ha?"

"Kasi you're so attractive." ngiti ko. Ang ganda naman talaga niya.

Di naman maitago ni ate chel ang ngiti nya. "Ikaw ha. Tigil tigilan mo na nga ako sa mga hirit mo."

Mapangiti ko lang siya, solve na ko. Kahit ganito nalang kami. Kahit hangang tingin nalang ako. Ang mahalaga, mapasaya ko siya.

"Si aly...nandyan nga pala...nag aayang magdinner..sama ka ha...Me sasabihin ako." bulong nito.

"Sabihin mo na kaya ngayon" sagot ko at tila napako na ang tingin ko sa kanya. Bakit kasi ... Haiz.

"Basta mamaya na? Maglalaro pa kaya ako." sabi nito. "Adik ka rin ano?"

Napangiti nalang ako. Oo...adik na nga ako...sayo.

---

Natapos din ang game in three sets at tinanghal na best player si ate chel. Hands down na talaga ako sa husay nyang maglaro.

"Jovs!" tinig ng isang babae sa likuran ko.

"We-wensh...kaw pala...nanuod ka? Di ka man lang nagsabi na darating ka." gulat kong sabi.

"Ah eh...na...me meeting kasi ako kanina malapit lang dito...naisipan ko lang dumaan ng makita kong me game pala kaya nanuod na rin ako." sagot nito. "Bakit nga pala di ka naglaro?" dugtong nito.

"Na sprain ako" sabi ko sabay turo sa ankle ko. "Okey na rin naman. Kaso pinagpahinga nalang muna ako ni coach ngayon."

"Jovs tara na!" sigaw naman ni aly habang palapit sa min. Nasa likuran naman nya si ate chel.

Bigla ko nalang naramdaman ang paghawak ni Wensh sa kamay ko.... Oo nga pala. Girlfriend ko si Wensh pag kaharap si ate chel.

"O ano, tara....hi wensh...dito ka pala." bati ni aly.

"Hi... Me lakad pala kayo?" naiilang na tanong ni wensh.

"Ah oo, sama ka. Treat ko." sagot ni aly.

"Hinde na pala.." singit ko ng makita ko si ate chel na halos di maipinta ang mukha ng makita kaming magkaholding hands ni Wensh. "Me pupuntahan kasi kami.. Next time nalang."

"Ha?...A oo nga pala.." litong sagot ni Wensh.

"E di wag. Mauna na kami" saad ni ate chel na mukhang nairita.

"Jovs, pwede ka naman sumama sa kanila... Ok lang ako." bawi ni Wensh.

"Yun naman pala eh. Sige na, minsan lang ako manlibre no." ngiti ni aly.

"Hindi na...next time na nga lang." mariin kong sagot.

"O sige...una na kami." nag aalangang sabi ni aly.

Kumaway at ngumiti lang ng bahagya si ate chel. Naglakad na rin silang palayo.

"Bat ba ayaw mo, ok lang naman ako." Tanong ni wensh.

"Hayaan mo nalang" sabi ko. Mas nanaisin ko pang umiwas kesa magpanggap ng matagal sa harap ni ate chel at baka me di kanais nais pang mangyari.

---

"Salamat sa paghatid ha. Dami ko na tuloy utang sayo." ngiti kong sabi.

"Okey lang..." sagot ni wensh. " Jovs, sorry ha...dapat tumawag na muna ako bago nagpunta kanina."

"Hindi...okey lang...buti nga at andon ka...hehehe..kasi minsan nakakalimot ako."

"Mukha nga...sweet nyo nga nung nasa bench kayo." parinig nito.

"Nakita mo yun....wala yun. ...I'm totally over her." tanggi ko.

"Talaga lang ha." biro nito. "then prove it."

"Hindi ko kelangan patunayan pa ano. Erase erase na siya sa puso ko." sagot ko. Really????Sigurado Ka?

"Really???....Hmmm...then kiss me instead." ngiting sabi nito.

Nanatili lang akong nakaupo sa sasakyan nya. Nagbabadya yata ito. "Hmmm,...are you sure?" napangiti nalang ako.

"oh c'mon. Kiss lang naman. Don't worry. It will be strictly physical, no strings attached." nanunuksong sambit nito.

"Ano to joke time..ikaw talaga." natawa nalang ako at pilit kong binaling ang tingin ko sa me bintana.

"I knew it. You still not over her!" panunukso nito.

"Hindi na nga eh" sabi ko. Bago pa ko mapikon, di na ako nagdalawang isip na halikan siya. Lumapit ako at pilit ko syang hinatak para mahalikan. Agad naman siyang tumugon sa halik ko at dali dali pang inilapit ang sarili nya. Mabilis naming nag-init ang buong katawan ko ng simulan nyang halikan at pilyang kinagat ang tenga ko....

Shet..Ano bang nangyayari sa akin? Halos malunod pa ako sa pagkauhaw ng mapusok nyang hinalikan ulit ang labi ko. Teka....Teka lang... Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa init ng mga halik nya.

At bigla akong natauhan. "Wensh... stop it." sabi ko at buong pwersa ko syang pinigilan.

"Jovs...what's wrong?" pagpupumilit nya. "I like you Jovs... Pwede bang totohanin na natin to?"

"Wensh....kasi parang ang bilis lang..." naiiling kong sagot.

"Alam ko naman na mahal mo pa rin si ate chel...pero pinagtulakan mo na sya ke Peter, di ba?...Para matupad ang pangarap nya...Ang sinasabi ko lang naman...sana mag move on ka na." dugtong nito.

"Alam ko naman yon... Kaso...kasi....baka lang masaktan kita."

"Hindi ko naman inaasahan na you'll love me na...we'll take it slow...tutulungan kitang makalimot.." paliwanag nito.

Di ko mawari kung ano bang sasabihin ko sa kanya. Tama nga ba siya? Kakalimutan ko na ba si ate chel?

"Okey fine...siguro nga hindi ka pa ready." Tampong sabi nito. "Sorry ha...I just hate it kasi this feeling kung itatago ko pa ang nararamdaman ko sayo....Siguro... mas mabuti pang ito na rin ang huli nating pagkikita" dagdag nito.

"Hindi wensh.... Tama ka...kelangan ko ngang kalimutan na si ate chel." Sabi ko na dama ang kirot ng puso ko. Seryoso ka teh?

Napangiti nalang ito "So, we're official na?"

"I... think so..." Pagkasabi ko, dali syang lumapit at siniil ako ng halik.

Just a dream (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon