xx.33 - Zambales days

101 6 0
                                    

CLYDE's POV

1pm ng makarating kami ng Zambales. Tinignan ko yung babaeng nakahiga sa balikat ko. Natawa ako ng mahina kinuha ko yung panyo at pinunasan yung laway niya.

"Pst babe, we're here." Di pa rin siya gumising.

Lumapit ako at isang inch na lang ng biglang dumilat yung mata niya. Sayang!

"Ha, planning to kiss me ha? Hahaha." Sabi niya

"Nope, pinunasan ko babe yung laway mong tumulo. Look basa yung shirt ko. Hahaha."

Namula yung mukha niya saka hinampas ako.

"Tse!" Sabi niya niyakap ko naman siya.

"Pero kahit gaano mang karaming laway ang tumulo sa tshirt ko, kahit yang laway mo ang ipanglaba mo sa damit ko babe, i will still love you forever."

Humarap naman siya sakin ng nakangiti.

"Babe nakakaasar ka, lagi mo kong pinapakilig!" Pinisil niya yung magkabila kong pisngi. Magsasalita sana ako kaso nagsalita na si Madam Bertud este Madam Frances

"Hoy lovebirds bumaba na kayo nako, tanghaling tapat pagkatamis tamis." Sabi niya pa. Tumawa na lang kami ni Yhannie saka bumaba.

"Nako Frances, nanjan naman si Fourth why don't you try?" Sabi ni Kristine

"Pwe! Ayoko sa matakaw!" Sabi niya pa ng nakasimangot

"Lalo naman ayaw ko sa bitter!!!" Sigaw ni Fourth

"Bagay sila. Hahahaha" sabi ni Yhannie kaya naman tumingin ako sakanya

"Sinabi mo pa! Hahaha." Pumasok kami sa resthouse ng tawa ng tawa.

Lahat kami umupo sa couch sakto namang paglabas ni Mellvin ng kusina nila kasama si Hell.

"Guysss! Eto ang ating susi sa mga rooms!" Sigaw ni Hell

Tinakpan naman ni Mell ang tainga niya.

"Ang ingay mo! Tsk!" Sabi ni Mell ng nakakunot ang noo. Inismiran lang siya ni Hell at inismiran din niya si Hell

"Theresa at Frances dahil wala kayong lovelife, magkasama kayo sa isang kwarto. Heto ang susi." Sabi ni Hell

"Ang kapal mo! Ikaw nga torpe." Sabi ni Frances sabay abot ng susi habang nakangisi.

"Manahimik ka hoy! At Yhannie at Kristine dahil inlove kayo heto sainyo." Sabi nanaman niya

"Sus, wag ka na kasing torpe Hell okay?" Sabi ni Babe ko at inabot ang susi nila.

"Teka nga! Pinagkakaisahan niyo ba ang kagwapuhan ko ha? Tss. Mell ikaw na nga mamigay! Ikaw naman sarili mong kapatid di mo mapagtanggol."

Umiling si Mell saka tinapik ang braso ni Hell. "Tss, wag ka ng torpe gago! Oh Jin Shad at Fourth susi niyo." Inabot ni Shad ang susi nila

"Clyde, Grey at Prince share na kayo. Susi niyo. Ikaw Hell? Dun ka ba sa kwarto mo?" Tanong ni Mell.

"Malamang baka mapagtripan pa ako noh!" Nagtawanan naman ang lahat at nagsipasok sa mga kwarto.

Matapos namin magayos ng gamit natulog agad si Prince at Grey.bandang alas tres na. Lumabas ako ng room at saktong kalalabas ni Yhannie.

"Babe, tutal Beach naman ang likod neto lakad tayo please?" Sabi ni Yhannie

Inakbayan ko naman siya at kiniliti. Naghabulan pa kami palabas.

"Babe, promise me to stay with me forever." Sabi ko habng nakaakbay sakanya at nakatingin sa dagat.

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon