YHANNIE'S POV
Mukha akong zombie na anglalakad sa hallway. Inaantok pa ako, kasi naman kagabi hindi ako nakatulog. Pano ba naman? Ang daming pinagawa nung matandang guro namin. Hayy
"YHAAAAAN!"
Nakita ko ang lalaking tumatakbo na papunta sa direksyon ko, mali. Babae pala
"Yhannie babes. Tara na sa room. Tehehehe"
Grr. Hanggang tawa ba naman kaudangan? Oo nagsusungit ako. Inaantok nga kasi ako.
"Kabadingan mo Prince." Lumingon ako. Si Kristine pala. "Oh? San si Theresa?"
Sinabi kong mamaya pa papasok si Theresa. Puyat pa kasi siya dahil nagpatulong ako. 10 pa naman ang klase niya e. Sana ako rin
"Halika na daliiii."
Tumakbo na kami papuntang room. Baka naman nanjan na ang prof? Waaaaah. Pagpasok ko nagulat ako. Antahimik ng lahat wala naman ang prof. pero..
May isang malaking teddy bear at boquet ng bulaklak sa desk ko. Huh? San to galing?
MELLVIN'S POV
This one's for you and me
Living out our dreams
When where right were we should be..May naramdam akong paakyat ng hagdan kaya naman mabilis akong nagtago sa likod ng pinto.
May nakita akong anino ng isang lalake. May dalang malaking teddy bear at boquet. Hindi ko na dapat papansin ng magsalita siya.
'"Sana, magustuhan mo to..Yhannie."
At naglakad na siya paalis. So? Is he giving her another chance now? Tss. Clyde, hanggang saan yang Chance mong yan?
YHANNIE'S POV
"Hindi ko nga alam e."
Break na, at kinukulit ako ng apat na pugo dito sa Cafeteria. Kanina, naiirita ako. Pero? Ba-bakit parang ang saya ko? Malabo naman kasing si Clyde to, kasi naman ako ang naghahabol diba? Ay tae.
"Kaloka. Ang haba ng hair mo bek."
Hinawakan pa ni Frances ang buhok ko habang ngiting ngiti.
"Ang sarap gupitan." Nakatingin naman ngayon si Kristine.
Nagsitawanan silang apat. Hindi na rin kami nagugulat sa mga salita ni Kristine dahil nasasanay na kami sa Feminine side niya. And besides she's blooming. HAHAHAHA
"Y-yhannie! P-pumunta ka sa Gym! Dali."
Ano meron? Sumunod na lang kami sa lalaking hingal na hingal. Ang raming tao, siksikan. May amoy putok, amoy pawis, amoy paa. May amoy pabango na amoy alcohol, halo halo. At eto ako ngayon sa harap ng isang bandang nabuo. Nabuo ng dahil sa akin...dahil pinilit ko siya, pinilit ko siyang ilabas kung anong talento niya..
"Salamat, salamat dahil kundi sa babaeng nasa harap ko ngayon na mukhang nakipagsiksikan pa. Hindi ko mailalabas ang kung anong meron ako, at kundi dahil sakanya, hindi ako sasaya...ng ganito."
Ini-strum na niya ang gitara niya. At nagsimula sa kanta niya. Nakikinig lang ako hanggang sa matapos siya, hindi ko alam ang nararamdaman ko, basta ang alam ko, sa dinami rami ng boses na sumisigaw at tumitili dito, boses lang niya ang naririnig ko.
At sa dinami rami ng mukhang narito, mukha niya ang nangingibabaw. Siguro dahil nasakanya lang rin naman kasi ang atensyon ko.
Natapos na ang pagkanta niya. Pero hindi niya pa rin inaalis ang mata niya sa mata ko, ganun rin ako. At sa tiyan ko, may nararamdaman ako na parang nagliliparan. At yung pakiramdam ko, yun yung pakiramdam nung una kaming nagkakilala...
"Alam mo? Kapag bumagsak ka daw sa Quiz papatawagin ang parents mo."
Narinig ko ang boses ng batang babaeng nagyaya sa isang tamad na lalaki na magaral.
"Ano bang pake mo? Mayaman ako at kahit ipatawag ang parents ko wala akong pake sa mga quiz."
Narinig ko rin ang boses ng batang lalaki na sinungitan ang isang batang babae. Umiyak nga yung babae e, tapos pinatahan siya ng batang lalaki at nilibre.
"Sige na nga. Tulungan mo kong magreview para makapasa ako."
Tinuruan ng babae yung lalake. At simula nung araw na yun nagpapaturo na lagi yung lalake. Hanggang sa di niya namalayan, excuse na lang pala niya yun para makasama yung babae.
"Yhaaan! Nakapasa ako sa Exam! Nakapasa ako! Salamat ha? Simula nung sa Quiz natin nung nakapasa ako ang saya saya ko!"
Niyakap siya nung lalake sa sobrang tuwa samantalang yung babae e kinikilig. Dahil noon pa man pala, may gusto na siya sa lalaki.
"Yhannie. Please be my girlfriend."
Nakaluhod ang lalaki sa harapan niya. Tulad ngayon, ang noong nakaluhod sa garap ko na iniwan ko, heto ngayon nakaluhod ulit sa harap ko.
"Yhannie, i will court you...again"
At tulad ng nangyari noon. Umiyak ang babae, niyakap niya yung lalaki at bumulong.
"I love you Clyde, i really do."
Pinunasan niya ang luha ko. At ngumiti.
"Hindi tamang ikaw yung nanunuyo, nakapagisip na ako Yhan. Ginawa mo lang yjng tama, starting today, let me court you, lwt me show you that i am badly inlove with you."
Ngumiti ako at niyakap ulit siya. Magkaiba man ang binitiwan niyang salita noon at ngayon, ganun pa rin ang pakiramdam ko. Ang pakiramdam na mahal ako ng taong mahal ko...
KRISTINE'S POV
Nandito ako ngayon sa Garden. Tapos na ang performance, nasa kanya kanya na ulit silang gawain. Pero ako? Narito sa Garden nakaupo.
Napabuntong hinginga na lamang ako, kelan kaya ako? Kelan ako magkakaroon ng taong mamahalin ako? Hindi na kasi ako aasa sakanya e. Wala naman ng pagasa.
"Bat nagiisa ka?"
Tumingala ako at nakita ko siya...si Prince
"Busy kasi kayong lahat. Kaya eto."
Umupo siya sa tabi ko. Nakayuko rin siya. Hindi ko siya makuha, ang lungkot niyang tignan ano namang problema nito?
"Oh? Prinsesita. Ano namang problema mo?"
"Ha? Ah wa-wala...ang hirap matorpe"
Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi. Nakakatamd namang tanungin ulit, teka bat parang ang akward?-,-
"Uhm. Kristine, may gusto ka na ba?" Napatitig ako sakanya...
Oo Prince meron! Kaso ang bading niya eh! Nakakaasar. Ayaw niya ba talaga ako? Bakit ang manhid niya Prine? Bakit ang manhid mo?
Gusto kong sabihin sakanya, kaso ngumiti na lang ako at sinabing. "Oo meron e, kaso manhid ata siya kaya di niya maramdaman."
Tumawa siya. Tangna naman oh! Bat ba akapag ako lang ang kasama neto parang..parang hindi siya bading? Ang manly niya, sa pagkilos, pagtawa at pananalita. Or i'm just dreaming?
Tumayo na siya at nagpagpag ng damit.
"Ano? Tara? Gusto mo bang manuod ng Volleyball?"
Umiling ako, ayoko muna siyang makasama ng siya lang. Parang nakakailang.
"Sige, sunod kna lang dun ha? See you...sana ako nlng yung gusto mo."
Umalis na siya at, hindi ko nnman narinig yung huling salita niya. Tss
BINABASA MO ANG
My Badboy Prince
Teen FictionOnce upon a 3 years ago, i left someone. But now i want him back. I used to have him but now idin't know was there any chance to be his girl? Or just another stranger. Would he still be my badboy prince or my badboy stranger?