THERESA's POV
Hinila ko ang kamay ni Frances dahil may nakita akong buko juice. Nakakauhaw kaya di ko na siya tinignan tutal mukhang tanga tong tatlong nasa harap namin and na-o-akward ako sa aming apat or kay Hell?
"Kuya dalawa pong buko juice. Ay teka, Fra----BAT KA NANDITO?!" Asdfghjkl bakit si Hell ang kasama ko? Where's Frances?!
"Hinila mo ko."
Kinuha ko muna yung juice at nagbayad, uminom din ako agad dahil uhaw na ako sobra!
"Hoy! Akala ko ba sakin yung isa?!" Sigaw niya pagkaubos ko nung pangalawang baso.
"Hindi naman ikaw si Frances kaya bhelat mo!" Sabi ko
"Hayyyy oh anong plano?" Tanong niya habang nakapamulsa.
"Tara na, hanapin na natin sila." Sabi ko tutal siguro di pa sila nakakalayo.
"Nakalayo na sila yun, and masyadong malaki tong place to look for them. Let's just go puntahan na lang natin yung van mamaya kapag uwian na."
Nakalayo na nga siguro sila. Nako naman bat kasi nanghihila ako ng di ko tinitignan eh. Kaasar!!! Ayoko nmang kasama si Hell buong araw dahil akward huhu.
"Ah sige maglilibot na muna ako. Ikaw rin sige uuna na ako. Kita kits mamaya." Sabi ko na lang habang iwiniwave ang kamay ko sa hangin, kaso hinila niya ako.
"Are you sure? Baka mawala ka." Teka kinikilig ako puñeta! Bat ganyaaaan?!
"A-ah? H-hindi hehehe. Sige lang keri ko na bye!" Sabi ko sabay takbo palayo. Hinawakan ko yung dibdib ko, shet! Ang lakas ng tibok ng puso ko. "Ay hindi! Hiningal lang ako kaya ganito!!! Jusko." Pati sarili ko kinakausap ko.
Nagikot ikot ako, ang laki pala talaga ng lugar kaya siguro hindi ko na alam kung nasan ako. Huhuhuhu tinignan ko ang relo ko at 4 pm na, at nandito ako ngayon sa lugar na wala gaanong tao at medyo mapuno. Huhuhuhu dapat di na ako lumayo kay Hell.
"AAAAAAAH!!!"
HELL's POV
Asan na ba yung bubwit na yun? Tsk bat naman kasi naakit ako dun sa babaeng halos lumuwa na yung boobs eh. Hayyyy
Dalawang oras na ako naglalakad hanggang sa wala ng gaanong tao sa lugar na nasaan ako. Hindi naman siguro aabot si Theresa dito.
"AAAAAAAH!!!"
Aalis na sana ulit ako at babalik sa bayan, pero napakalakas ng sigaw na narinig ko kaya kinabahan agad ako at hinanap siya. Boses niya yun kung di ako nagkakamali, ala sais na at Shet! Baka napaano na si Theresa. Tanga tanga naman kasi talaga nung abnormal na yun.
THERESA'S POV
"THERESAAAA!"
Narinig ko yung boses ni Hell, kahit sobrang sakit ng paa ko dahil sa lakas ng pagkatapilok ko at may sugat pa kinaya ko pa ring sumigaw, wala na akong pakealam kung maakward ako, basta ang gusto ko makaalis na ako dito.
"HEEEEELL!!!!!!"
Sisigaw pa ako, hinang hina na ako pero kaya ko to.
"HEEE----"
HELL's POV
Narinig ko yung huling sigaw ni Theresa, shet! Nasan ka na ba Theresa?!
"THERESA!" Sigaw lang ako ng sigaw pero wala ng sumasagot. Hanggang sa may napansin akong babae nakahiga sa kalsada.
"Putangina, Theresa!" Lumapit ako at nakita ko siya. Nagdudugo yung paa niya at may luha yung mata niya. Kasalanan to nung babaeng halos wala ng damit eh, kung hindi siya dumaan hindi mawawala sa paningin ko si Theresa.
BINABASA MO ANG
My Badboy Prince
Teen FictionOnce upon a 3 years ago, i left someone. But now i want him back. I used to have him but now idin't know was there any chance to be his girl? Or just another stranger. Would he still be my badboy prince or my badboy stranger?