xx.11- Malay ko ba? (Hell&Theresa special chapter)

280 12 0
                                    

THERESA's photo at the Top. Bae Suzy in reality. Dyosa e. Okay! Support support. Saranghae~

CLYDE'S POV

*Unat unat*

Ahh! Salamat natapos na ang klase ko. Tsk, boring talaga tapos pa stress ang college. San naman ako magliliwaliw neto putcha di pa tapos ang klase ng mga kumag.

"Uy."

Tinignan ko yung nanguwit sa akin. Do i need to be surprise? Siya lang naman ang nangungulit sa akin.

"What?" I asked.

"Mall tayo!"

"Ay--" sasagot pa lang sana ako kaso hinila na niya ako. Teka? Ang lakas naman ng babaeng to. I stopped pero nakakatawa siya.

Okay, sinadya ko talagang tumigil at magpabigat tapos siya para siyang nanghihila ng dambuhala, ay no scratch that. Bato na malaki pala! Gwapo ko naman para magong dambuhala. And i can't deny it, she looks..prettier.

"Clyde naman e." Hinarap niya ako ng nakapout.

"What? Don't tell me Yhannie you're giving up." I asked

"Aniyo! I will not. Pero putcha hoy! Nilayasan mo na nga ako kanina, actually napahiya pa ako dun sa sinabi mo tapos di mo pa ako sasamahan. Napaka ungentelman mo." She said looking pissed.

"Tss. Halika na nga, if i know gusto mo lang akong maka-date."

Hinila ko na siya at dinala sa kotse ko kasi alam ko namang naglalakad lang to. Imagone? Yayayain akong magMall tapos wala naman syang kotse.

HELL'S POV

Ay pota! Buti pa si Clyde e uwian na. Tae, anong oras na ba? Oh, alas dos? Pota talaga.

"Pota naman oo. Nakakabagot." Sinipa ko yung upuang nasa harap ko.

"Ano ba?"

Boring na nga may mangkukulam pa.

"Inaano ka ba?" sagot ko ng may pagkairita.

"Bat ka ba nangaano kasi?" Sagot niya

"Eh bakit? Naano ba kita?" Tanong ko ulit.

Teka. Hahahaha! Parang nakakagreen naman na ang usapan namin. Whoo! Infairness pag kasuap ko tong babaeng to hindi na boring.

"Ewan ko sayo." Inirapan lang niya ako at nakinig na ulit sya sa aming guro.

"Hoy!"

"Hoy."

"Hoy ano ba?"

Puta snob kala mo peymus.

"Putcha! Hoy Theresa."

"Ano nanaman ba ha?" Medyo na napalakas yung boses niya kaya tinignan kami nung guro at sinita. "Pag di kayo nanahimik i'll send you out."

"Hoy pare! Pinopormahan mo nanaman?" Bulong sakin ni Grey.

Sa barkada kasi si Clyde lang ang ibang course. Tapos kami lang ni Grey ang magkatabi sa upuan. Hahaha!

"Gago! Hindi nuh." Bulong ko at nagsimula nanaman akong guluhin ang buhay ni Theresa.

"Theresaaaa." Bulong ko sa tenga nya.

"Pangeeet." Bulong ko ulit.

Iniisnob niya lang ako todo sulat pa din siya nung nasa blackboard. Hanep nasnob ang kagwapuhan ko.

"Mangkukulaaaaam na panget."

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"POTA! ANO BA? ANG GULO GULO MO!" Pero mas nagulat ako sa totoong mangkukulam.

"THE TWO OF YOU, GET OUT!!"

Sakit sa eardrums at dahil dun nagulat din siya at nagBow. "Sorry ma'am, sorry." Tapos lumabas na siya.

Sumunod naman ako syempre. Get out daw sabi ni ma'am e. XD WHOOOOOO! Success ang plano ko! Nakalabas na ako ng room! Magga gala na lang ako.

Sa sobrang paglalakwatsa ko e nandito na ako papunta sa oval ng school. 3:30 pa lang, samantalang hanggang 6:30 kami ngayon dahil daw bukas wala si ma'am kaya dinidiscuss niya na lahat.

"Putcha ka talaga Hell! Kapag ako may nabagsak na subj. isinusumpa kita sa gilagid at baba ni Kris!" Eh? Sino naman si Kris? Kris Aquino? Babalu ba yun?

"Putcha talaga! Nako, ipapawushu kita kay Tao! Tapos tapos ipapasapak kita kay Luhan!" Tao? As in Tao? Tao naman ako e, atska sinong Luhan, kung sino sino naman kakilala ng babaeng to.

"Tss. Sinong Kris at Luhan? Atska anong TAO?" Nagulat siya ng makita ako. T-teka? Bat umiiyak to?

"BOBO! Tao as in TAW! Hindi Tao na TA-O. Lumayas ka dito kung ayaw mong sapakin kita." Sabi niya ng naluluha.

"Eh. Akala ko ba yung Luhan ang sasapak? Atska hoy! Bat ka ba umiiyak? Para kang bata jan!"

Nakaupo kasi sya tas yung kamay niya nakapatong sa tuhod niya at yung mukha niya nakaub-ob sa kamay niya. Gets nyo naman na ata diba?

"Kapag ako bumagsak sa subj. ni ma'am Krisha lagot ka saken! Walanghiya ka. Di mo ba alam na mahalaga sakin tong pagaaral?"

"Wew. Eh ang boring naman kasi sa room." Sagot ko sabay patong ng dalawa kong kamay sa ulo ko.

Tumayo siya at hinarap ako.

"Para sayo boring." Tumigil siya saglit at pumikit. "Sa akin hindi, alam mo kung bakit? Kasi pinapa-aral lang ako nila Yhannie, ayaw kong sayangin tong opportunity kasi gusto ko maka-tapos. Alam niyo mayaman kasi kayo kaya di niyo naiisip yung worth ng pera. Kung bored kayo edi ipamigay nyo yung opportunity sa ibang tao, madami diyan ang gusto magaral wala lang silang pera. Kesa naman sinasayang niyo at sana sa susunod kung bored ka wag ka mandamay ng iba. Kasi kung ikaw ayaw mo magaral, pwes ako gusto ko! Kasi ako gusto ko makatapos dahil may pangarap akong gusto kong tuparin, ewan ko lang sayo!"

Matapos yun tinalikuran na niya ako. Hindi ako nakapagsalita. Eh hindi ko naman kasi alam e, atska hindi ko naman gustong mapalabas talaga ano! Gusto ko lang siyang kulitin kasi oo boring talaga. Pero MALAY KO NAMANG SISIGAW SIYA. Hay! T-teka bat ko ba pinoproblema yun?

Pero teka lang ulit ha? MAY PANGARAP NAMAN AKO SA BUHAY NOH! Grabe yung babaeng yon! Tsk. Aswangin sana siya

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon