xx.44

66 4 0
                                    

So this is before Clyde's Proposal, POV ni Hell ang laman nito, and siguro ni Clyde. So Please do comment and vote, para malaman ko if okay ba? Or not. Don't worry, lahat ng mali ng storyang ito ay iaayos ko pag napaending ko na. So enjoy the chapter.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

HELL's POV

"Hell gising."

Narinig ko ang isang maamong boses ang gumigising sa akin. Masakit ang ulo ko dahil sa ininom ko kagabi, inaantok pa ako at gusto ko pang matulog. Pero hindi na pwede dahil maski ang diwa ko ay gising na. Nakita ko si Eliza na nakatingin sa akin. Malungkot at mugto ang kanyang mata.

"Susunod na ako, lumabas ka na muna." Sabi ko sakanya, binigyan niya lamang ako ng isang ngiti. Saka siya lumabas, ala sais na ng umaga. Ngayong araw na ito, magpopropose si Clyde, ngayong araw na ito, masasaktan lahat, ngayon araw na ito, pare pareho, lahat kami magiging miserable.

Nakaupo lamang ako nagiisip, bakit ko ba to pinasok? Bakit ko ba to ginagawa? Bakit imbis na aminin ko lahat ang nalalaman ko bakit hindi ko magawa? Bakit ba ginagawa kong miserable ang sarili ko at bakit kailangan ko silang idamay kung alam ko namang kaya naming magtulungan? Inabot na ako ng ala siyete kakaisip, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Clyde.

To: Clyde
Im sorry Clyde, hindi ko ginusto at hindi ko gugustuhin ang lahat, sana patawarin mo ako. Goodluck. Sana piliin mo ang nararapat.

Sana nga Clyde, mapatawad mo ako sa katarantaduhan kong ito. Alam kong mali ang idala si Eliza, pero isa rin ito sa mga paraan kung si Yhannie ba talaga ang mahal mo. Sana Clyde...sana piliin mo kung sino talaga ang mahal mo.

Mga bandang alas nuebe, nagpunta na kami sa school, yung iba nasa kaniya kanyang klase na, pero wala ang klase ni Yhannie at Clyde. Magkahiwalay na kasi sila ng klase at magkaiba na ang blockmates, since huling sem na to. Nagikot ikot kami at nakita kong nakasara ang pintuan ng gym, malamang nangyayari na iyon. Tinignan ko si Eliza.

"Nanjan na sila?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot dahil marami ang gumugulo sa isipan ko. Hanggang sa maisip ko na mali ito, mali ang ginagawa ko kaya dapat gawin ko ang dapat. Kaya naming gawan ng paraan ang lahat. Pero hindi sa ganito. Kaya namin kinuha ko ang kamay ni Eliza, hinila ko siya pabalik sa parking lot. Galit na galit siya at nagpupumiglas pero hindi ko hahayaang masira sila Clyde at Yhannie. Wala na akong pakealam kung maging masama ako sa paningin nilang lahat ang importante hindi ko sila masira.

"Bakit ba Hell? Bakit mo ba ako hinila? Putangina. Hell, ang sakit na eh, ang sakit sakit. Ginawa mo ba to dahil mahal mo pa rin ako? Pwes Hell hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin. Si Clyde ang gusto ko kaya please lang...please lang bitawan mo ang kamay ko." Umiiyak siya sa harap ko, hanggang sa lumuhod siya.

Nasasaktan din ako dahil minahal ko si Eliza, nasasktan ako lalo na't iniisip ko pa lang na masasaktan kami, lahat kami ay magdurusa.

"Bakit ka pa kasi bumalik? Alam mo bang masaya na sila sa isa't isa? Umalis ka na lang uli, mawala ka na lang." Alam kong sobra sobra na ang sinasabi ko para sa isang babae, pero ito ang dapat. Mas mabuti ng masaktan siya ng diretsa.

"HINDI AKO AALIS, HINDI KO IIWAN SI CLYDE!!" Sigaw niya saka pumiglas sa hawak ko. Tumakbo siya kaya naman hinabol ko siya ng hinabol.

Napakabilis niya kaya hindi ko siya maabutan, ngunit huli na ang lahat, nakaluhod na si Clyde habang hawak ang singsing ng makita niya si Eliza, nahulog niya ang sing sing, at lahat ay nakatingin kay Eliza na umiiyak.

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon