xx.32- Summer Vacation, hello Zambales

117 6 0
                                    

YHANNIE's POV

SO IT'S OFFICIAL! SUMMER NAAA!

Papunta ako sa isang coffee shop to meet the troops. Maguusap usap kasi kami about sa plano namin sa traveling at place na pupuntahan. Hindi na ako nagpasundo kay Clyde dahil hassle sakanya, i'm such a nice girlfriend hahaha.

After an hour nakarating na rin ako. Dun kasi kami sa coffee shop near the school. Sakto naman kararating ko at kararating ng kotse ni Clyde.

"So talagang sabay tayo?" Sabi ko

"Well i waited you." Hinalikan niya ako sa cheeks at pumasok na kami. Ooh kami na lang pala ang kulang.

"So atlast nandito na ang love birds." Sabi ni Theresa

Pinauna ko na kasi siya kanina sa kadahilanang kagigising ko pa lang, nakaayos na siya.

"Umupo na kayo so we can start." Sabi naman ni Frances

Umupo naman kami, kumpleto kami Ako, si Clyde, Theresa, Frances, Kristine, Prince, Hell, Fourth, Jin, Grey, at Shad.

"Wait sasama daw si Kapatid ko! Kaya wait." Pagaapela ni Hell

Tumango naman kaming lahat after ng tatlong minuto siguro bumukas na yung pinto at dumating si Mellvin.

"Ayan let's start." Sabi ni Jin

"What about mag Batangas tayo?" Suggestion ni Grey

"Sus pare last year nanjan tayo dahil iniyakan mo! Eh kung palawan?" Sabi naman ni Jin.

"Alam mo Jin gusto mo lang makakita ng Pawikan e. Tantanan mo kami, every year ka nandun tuwing birthday mo! Tsk sa Baguio na lang tayo!" Suhestyon naman ni Shad

Umiling iling naman tong si Fourth saka nagsalita. "Sus, wag kang umasang makakatagpo ka ng koreana dahil makatagpo ka man, hindi ka nila papatulan!"

"Hoy! Chinito naman ako!" Sagot nanaman ni Shad kaya binatukan siya ng mga boys.

"Tantanan mo kami, Boracay na lang tayo!" Dagdag ni Fourth

"Sus, dugyot na doom, saka ano ka ba? Hindi lang sa Boracay ang mga naka two piece ano!" Sabi ni Prince

"Wala akong sinabing gusto ko ng Two piece noh! Ay oh nako Kristine naka two piece ang hinahanap." Sumbong ni Fourth

Tinignan ng masama ni Kristine si Fourth.

"Ano hoy gago to! Hindi noh! Tsk mag Zamboanga na lang tayo!" Sabi ni Prince

"Nako bulok dyan, alam mo bang nagkawalaan kami jan! Tsk sa wait." Nagisip si Hell at pinatong pa ang kamay niya sa baba niya na tila nagiisip. "Alam ko na! Sa Maldives?"

Binatukan siya ng mga lalake, nagtawanan naman kaming mga babae.

"Boy out of town hindi out of the country ulol to!" Sabi ni Jin sakanya

"Why don't we go to Zambales? Maraming magagandang resorts dun. Iba Zambales to be exact."

sabi bigla ni Mellvin. Nagtinginan kaming lahat saka ngumiti.

"Brother mana ka sakin! Napakagandang ideya yan!" Sabi ni Hell habang nakaakbay kay Mell.

Magkamukhang magkamukha talaga sila. Pero mahahalata mo sa itsura ni Mell yung pagiging seryoso at kay Hell naman ang pagiging makulit.

"Sige sige! So we need one big van!" Sabi ni Frances

"I'll be driving my own car." Sabi ni Mell

"Sige tutal alam kong di ka naman magpaapsabay sa sasakyan mo dun na lang ang mga gamit sayo kuya ha? Phuleassse?" Sabi ni Hell na nagpa-puppy eyes

"Ge." Sabi ni Mell na halatang bored

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon