xx.18-Bottle

187 10 0
                                    

CLYDE'S POV

"Clyde naman e. Ayoko na!"

Kanina pa naiiyak si Yhannie, pero hinabol ko pa rin siya.

"Clyde. Please? Itigil mo na kasi!"

Pinapadyak padyak niya pa ang paa niya at halatang iiyak na talaga. Pero ako heto tawa ng tawa.

"Wala! Halika dito hindi pa ako tapos."

Hinabol ko ukit siya at ng mahabol ko siya e kiniliti ko nanaman siya. Nandito kami sa Field kaya okay lang. Hahahaha!

"Clyde. Waaaaah! Ayoko na. Waaaaah! Clydeeee."

Tawa lang ako ng tawa tae. Pulang pua na yung mukha niya. Grabe talaga.

"Naku, hanggang dito PDA?"

Lumingon ako at nakita ko ang kaibigan ni Yhannie. Tumawang tuwa si Yhannie na tumakbo sa kaibigan niya at mistulang batang nagsusumbong.

"Naku Clyde. Sana diniinan mo ang kilit. Hahaha!"

Lumapit sila sa akin. At nagkwentuhan kami, dumating din ang barkada kokaya tila mukha kaming mga college students na nagpipicnic.

"Oh? Nasan si Prince? Kulang muna kayo ah?" Tanong ni Fourth

Oo nga, balita ko lalaking lalaki na yun e. Tss yun talaga, baka mamaya pinagnanasaan lang pala niya si Yhannie. Tsk!

"Oh! Prince!"

Tinawag siya ni Theresa dahil halata namang hinahanap rin niya kami. Nakita naman niya kami at lumapit pero may kasama siyang isang babae.

"Guys. Sorry, nga pala. I woukd like you to meet Shastine. She's a new student. Btw Shas. Mga kaibigan ko."

Isa isa kaming nagpakilala at ngumiti naman yung babae. Hindi ko gusto ang aura niya pero bahala na si Prince jan.

"Hi Shastine. Boyfriend mo si Prince?" Ngumiti si Shastine at umiling. "Naku, sayang." Kahit kelan talaga tong si Yhannie, chismosa.

"Kyaaah! May new friend nanaman tayo. Welcome to the Sesame Street Gang Shas." Tumatalong talong sabi ni Frances.

"Guys, may bibilhin lang ako."

Tumayo na si Kristine at umalis. Sumunod naman sakanya si Fourth. Syempre, dakilang manliligaw na rin ang ugok e.

Nagtawanan lang kaming lahat at nagsipasok na rin sa aming mga subjects.

"Yhan. Date na lang tayo?"

Napatingin sakin ng masama si Yhannie okay, alam ko na hindi pwede.

"Gago! May klase pa tayo!"

Hinila na niya ako papasok sa room at dumating na amg prof. namin.

---------

Whooo! Natapos din ang klase. Shizz nakakabagot talaga. Buti 2pm uwian na.

"Yhan! Date tayo?"

Eh bakit ba? Gusto ko kasi magdate kami e. Tss, ang boring kaya.

"Tara."

Hinila niya ang kamay ko at nagpunta kami sa tambayan namin noong kami pa.

"Nanjan pa rin kaya yung boteng ibinaon natin?"

Tanong niya sa akin. Nagbaon kasi kami ng isang bote na may dalawang colored paper isang blue at isang pink. Yung dalawang papel na yun, ang nakalagay dun ay ang mga pangako, mga pangakong napako...pero alam ko namang matutupad pa rin yun kaya nga may chance diba?

"Ewan? Gusto mo icheck? Atska hindi ko pa nga nbabasa yung pangako mo e."

Nagsabi kasi kami na once na mapako yung mga pangako, ipapabasa na namin sa isa't isa. At kung magkaron nga kami ng pangalawang pagkakataon gagawa kami ng panibago at sisiguraduhin naming yun ang matutupad.

Hinukay namin yun at matapos ang ilang minutong paghuhukay meron akong nakapang bote. Ito na nga siguro yun.

Excited kaming umupo sa Batong semento. Dito lang din namam kasi kami sa tabi ng ilog nagbaon kaya ganun, eto kasi yung lugar naming dalawa.

Kinuha ko ang kulay pink at binasa.

Yhannie's Promise
1.) Mamahalin ko si Clyde no matter what.
- Kahit kelan Clyde. Pangako, hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Hehe

2.) Si Clyde lang wala ng iba.
- Hinding hindi ako hahanap ng iba Clyde. Magkamatayan man ang ipis at daga. Ikaw lang at si Papa ang lalake sa buhay ko.

3.) Forever
- Hindi sila naniniwala sa Forever Clyde, pero ako oo. Tayo kasi yun e, T-A-Y-O Wala ng iba.

4.) Hinding-hindi kita Iiwan.
- Kahit anong mangyare Clyde. Hindi ako aalis sa tabi mo. Duhh, baka aalis lang ako malingat yang ulo mo sa iba. Kaya asa kang aalis ako!

5.) Ikaw lang ang Mahal, Minamahal, at Mamahalin ko Clyde. Pangako.

Hoy Gago. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan ha? MAHAL NA MAHAL, Mas mahal pa sa Bigas at Ulam.

-Yhannie
February 14, 2011

Akala ko tapos na, pero hindi pa pala, binasa ko ang katuloy pero hindi ko naman inaasahang tulad ng pag-agos ng ilog na nasa harap ko, aagos din ang luha ko kagaya nito.

"Hi Baby! Clyde. Uhm, di ko kasi masabi sayo ng harapan e. Kasi hindi ko kaya, baka kasi magkagulo pa. Clyde, salamat sa buong araw na kasama kita kahapon ha? Clyde. Mahal na mahal kita. Sobra! Clyde. I'm sorry, i'm sorry for doing this to you. Alam mo ba? Lahat yang Promise ko na yan, tinutupad ko, kaso pasensya ka na ha? Puputulin ko muna yung #4. Pero hindi naman kita iiwan talaga e, tandaan mong nanjan ako sa Puso mo lagi. Clyde, bagsak na kasi ng kompanya namin e, gusto nung kabilang company na ikasal ako sa anak niya to help my parents. But Clyde i'mleaving not because i want to marry that man's son. I'm leaving because i'll do everything to help my parents but not with the help of any other companies. Tutulungan ko muna sila makabangon ha? Hindi ko hahayaang ipakasal nila ako, at hindi ko hahayaang bumagsak kami. Clyde, i'll be back for you, ito yung huki kong pangako ang balikan ka. Sana wag kang magalit. I'm doing this for you, for us. Wag mong isiping makasarili ako, hindi ko sinabi kasi ayokong magka problema ka pa. Iloveyou Clyde. Sana sa pagbalik ko, mahal mo pa rin ako."

-Your Lovely Wife
YHANNIE ❤

Tumingin ako sa babaeng katabi ko ngayon. Nginitian niya muna ako bago magsalita.

"Nung araw na umalis ako, hindi ako nakapagtext sayo dahil kinuha nila ang phone ko. After a month, nabawi ko yun ang luckily. Naka-save ang number mo. Tuwang tuwa ako. I dialed your number how many times pero walang sumasagot. Actualky hindi na nga nagriring e. So i decided baka nakaOff lang phone mo kaya nagtext na lang ako. Sabi ko pumunta ka dito sa lugar na to at hukayin yung bote. Gusto ko kasing mabasa mo yung letter. Pero hindi mo pala nagawa. But it's okay, atleast we're here now. We're back to each other's arm."

Umiiyak na siya, nung matapos ang isang buwan na umalis siya. I changed my number and i started to be a cassanova. Tss, bakit ba hindi ko ginawang puntahan to?

YHANNIE'S POV

Akala ko noon nabasa niya, hindi pala. Kaya pala galit na galit siya sa akin. Nalulungkot ako pero ayos lang. Ang importante eto kami ngayon, magkasama. At nakakatuwa dahil hanggang ngayon...mahal niya pa rin ako.

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon