xx.36 - 3 Cupids Tale

101 6 0
                                    

Helloooo! So before i post Yhannie's and Clyde's Family day, ipopost ko muna ang mga special chapters okay? Pasingit lang. And malapit naman na tong matapos i guess 20 chapters na lang. Oo malapit na samin yun. Hahahaha so okay.

Enjoy. <3

-----------

SHAD's POV

Nasa San Felipe na kami so malapit na mag San Marcelino nakakabore lahat tulog wala akong makausap. Buti pala dala ko yung wifi kaya bubuksan ko na lang ang facebook ko.

99+ friend request

39 messages

500 notifications

Nagulat naman ako, araw araw na lang ba ganito? Tsk hirap maging gwapo. Hahaha binuksan ko naman ang notifications at puro likes sa status ko at dp ko, may comments din na.

"Ang gwapo mo Shad!"
"Shad marry me."
"Shad i love youuu."

Napangiti na lang ako pero nagulat ako ng makita ko ang pangalan niya.

Marie Fhey Custudio commented on your photo about a minute ago.

Binuksan ko naman ang comment niya. Bat na ang lakas ng tama ko sa babaeng ginagamit lang ako tuwing sinasaktan siya ng boyfriend niya? Aish.

"Naks! Gwapo ah! Daming chiks oh."

Yan yung comment niya, ang picture ko kasi ay yung picture ko kasama si Kristine, Frances at Theresa. Kaya naman nagcomment rin ako.

"Sus alam ko na yan." Sabi ko

Biglang may nagpop na msg at nakita ko siya. "Hoy unggoy!"

Napangiti naman ako, hanggang sa tumigil kami at nagulat ako ng magsalita si Grey sa tabi ko.

"Tsk! Patay na patay ka pa rin diyan? Eh lalapit lang sayo yan pag broken hearted."

Sinara ko kaagad ang cellphone ko saka tumingin ng masama kay Grey.

"Sorry na hehe! Hoy gising naaaa! Dito na us." Sabi niya kaya naman gumising sila.

Naunang bumaba sila Yhannie at agad tumakbo palayo. Tsk magsasarili ang dalawang nagiibigan. Yak korni.

"So tumakas na ang dalawa what's the plan?" Sabi ni Frances habang nagkukusot ng mata.

"Pati sila Prince at Kristine, look! Parang magsyotang nagtanan." Sabi ni Theresa habang nakatingin sa dalawa

"Teka wala na rin sa kotse niya si Kuya? San yun?" Sabi ni Hell habang hinahanap ang kuya niya.

"Naku baka nakipag date halina't maglibot na tayo oh walang titibag ha?" Bumaba na sila pero kaming tatlo hindi pa ako, si Grey at si Jin.

"Guys kailangan na natin silang pagmasdan okay?" Sabi ni Grey

Pinagpatong patong pa namin ang kamay namin na akala mo teammates sa isang laro.

"Hana, dul, set AJA!!!" Sabi ni Jin

"Hoy! Tara na! Tong mga to." Sabi ni Hell habang kumakamot ng ulo, may kuto ata?

Bumaba na kami. Kumain muna kaming lahat sa isang kainan at tinitignan ang bawat pares namin. Kaya naman siniko ko si Grey

"Uy bat walang nagsasalita?" Bulong ko

"Baka akward?" Sagot niya

"Hinaan mo bulong mo gago." Sabi ni Jin

"Haaaay! Bat pa kayo magbubulungan kung rinig namin?" Sabi ni Hell habang naguunat.

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon