FRANCES POV
Naguguluhan ako sa mga abnoy na nasa harap namin. Magkakaakbay tapos parang nagbubulungan kaya naman nagpalinga linga ako dahil naiihi na ako. Nakakita ako ng C.R sa di kalayuan.
"Theresa samahan mo ko." Hinila ko yung kamay niya ng di siya tinitignan.
Ihing ihi na talaga kasi ako. Medyo bumigat si Theresa pagpasok ko ng C.R nagsigawan ang mga babae tapos biglang lumapit sakin. Mali kay Theresa?! Lumingon naman ako at.
"FOURTH?! BAT KA NANDITO?!" Sigaw ko kaya naman napatingin ang mga babae sa amin.
"Aba hoy, baka hinila mo ko? Hi girls." Sabi niya sa akin at sa mga babae sa C.R at kung di ba naman tanga etong mga babae eh nag-Hi rin.
"Hoy gago ka! Lumabas ka nga manyak!" Sigaw ko kaya naman lumabas siya pero nagwave pa.
Pagpasok ko sa isang cubicle aba naman narinig ko pa yung mga babaeng nagusap.
"Kj naman nung kasama siguro bitter? Gwapo e." Sabi nung isa
"Kaya nga! Tara dali malay mo nasa labas pa yun." Narinig kong suhestyon nung isa.
Narinig ko ang paglabas nila kaya naman paglabas ko e ako na lang ang tao sa Female Rest room. At wow, kumpulan sa labas ng CR. tumingkayad naman ako para makita ang kaganapan and wow? Si Fourth? Daming fans? Hanep! Sumiksik ako para makalabas ng may maramdamang humawak sa braso ko.
"Sorry girls my girl and i need to go. Babe di ka manlang sumigaw para tawagin ako. Tsk."
Kung ako napalaki ang mata ko, ano pa kaya ang mga ibang babae? Tinignan ko siya at ngumiti siya sakin. Teka? Korni man pakinggan pero parang may liwanag sa likuran niya tapos parang ang slow mo? Shet. Hindi maaari. Kinukuha na siya ng heaven? Haaaay bat ba ang tanga mo Frances?
"Hoy bat ka natulala?" Nabalik na ako sa realidad ng makita yung mukha niyang nakatitig sa mukha ko.
"T-tse! Kung ano anong sinasabi mo! Halika na, hanapin na natin sila. Tsk!" Inirapan ko siya at nagsimulang maglakad. Hindi ko naramdaman ang presensiya niya sa pagsunod kaya naman nilingon ko uli siya.
Nakatayo lamang siya habang nakapamulsang nakatitig sakin. "Hoy di ka sasama?" Tanong ko kaya naman naglakad siya palapit.
"Mahirap na maghanap since masyadong malawak tong lugar magikot ikot na lang tayo." Sabagay hindi naman siguro masama kung siya ang kasama ko diba? Napatingin ako sakanya ng magsalita siya ulit. "Pero para maenjoy natin to, let's firget about everything first okay? Pwede bang for this day just for this day be my girlfriend?"
Napatitig ako sakanya, shet ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko rin naman talaga magets kung bakit tumango ako. Shet Frances, what wrong with you?
"So hello, my name is Fourth Zeke Baldemor your today's boyfriend. And you are?" Napangiti ako sakanya dahil nagbow siya sa harap ko na parang isang prinsipe at nakalatag ang kamay habang hinihintay niya ang kamay ko.
"I'm Frances Keith Lazaro, your girlfriend for today." At inabot ko ang kamay ko sakanya.
Ngumiti siya at napakagwapo niya, naglibot libot na kami at may nakita akong isang magandang botique kaya naman huminto ako at tinignan ito.
"Want to go inside?" He asked
"Wag na, baka ayaw mo." Hindi ko alam pero nahihiya ako ngayon sakanya. Yung para bang ayaw kong makagawa ng mali dahil pakiramdam ko matuturn off siya. Nakakahiya syet!
"Let's go." He said as he held my hand and walk towards the botique. Nakaka amaze dahil hindi lang siya for girls it's also for boys. "Sige na mamili ka na, i'll be the one to pay since this is our day." He said and winked at me.
BINABASA MO ANG
My Badboy Prince
Teen FictionOnce upon a 3 years ago, i left someone. But now i want him back. I used to have him but now idin't know was there any chance to be his girl? Or just another stranger. Would he still be my badboy prince or my badboy stranger?