xx.17.5-Changed (Prince&Kristine)

167 10 0
                                    

KRISTINE'S POV

Tss. Gagong bading yun, isang linggo na siyang absent. Anong abangan bukas abanagan bukas? Letse siya. Ano yun? Isang linggo niyang dinibdib na mas maganda na ako sakanya?

"Ano? Wala pa ba kayong balita kay Prince?" Tanong ni Yhannie

Lahat kami nagaalala na sakanya. Lalo naman ako, tss. San ba nagpunta yun? Don't tell me....shet! Don't tell me nagcommit siya ng Suicide? Shet, nagiging girly na ako. Waaaaah! Prince san ka na bang hayop ka?

PRINCE'S POV

Hayy, sa wakas. Nakabalik na rin, nakakapagod palang bumyahe. Well, namiss ko rin naman ang Pilipinas sa isang linggong pagkakawala ko.

"Ang gwapo niya."

Ang raming tao ang nakatingin sa akin dito sa Airport. Well, kagagaling ko lang ng Korea. Hahahaha! Kinausap ko kasi ang kakambal ko, tss. Bat di niya sinabing may GF na siya?

"Kuya, pwedeng papicture?"

May lumapit saking bata na may hawak na cellphone. Ngumiti nnman ako at binuhat ko siya kaya nagtake kami ng photo. Umalis na rin ako dahil 6am na at kelangan ko pang pumasok dahil baka mahuli ako sa klase.

Nakakaexcite kasi simula ngayong araw na ito hindi ko na kailangan magpanggap, hindi ko na kailangang itago ang nararamdaman ko.

Matapos ang dalawang oras, nakarating na ako dito sa Univ. shizz, namimiss ko na siya, sobra. At huli na ako sa Klase tae. Papalapit na ako sa room ng may naririnig akong hiyawan.

"Yieee. Ang cute nilaaaa!"

"Omygee. May bago tayong Loveteam."

"Waaaaa. Ang cute nyo supeeeer."

"Grabe, pinuntahan pa talaga ni Fourth dito si Kristine."

Sino ba yung bagong loveteam? Sus alam kong mapapalitan agad yan! Hah. Nandito na ako pero mistulang naging istatwa ang paa ko at hindi makagalaw sa nakita ko..

Si Fourth..hawak ang kamay ng babaeng mahal ko.

"Prince!"

Lahat ang tao napatingin sa akin ng isigaw ni Frances ang pangalan ko. May narinig akong mga bulungan..

"Owmygee. Is that Prince? Ang gwapo niya pala."

"Lalaki pala talaga siya and not a gay? Owmygee."

"Kyaaaah. Prince you're so handsome."

Lumapit sakin si Frances at hinila ako. Napangiti na lang ako sa mga kaklase ko, wala rin pala kaming prof ngayon. Bat ba pumasok pa ako?-______-

"Prinnnnce. Akala ko ba Princess ka? W-what happen?" Nagaalalang tanong ni Yhannie.

"I have my reason kung bakit ako nagpanggap na bading."

"Then what is it?"

Nginitian ko ang tanong sakin ni Frances. Ano nga bang dahilan? Ah, wala na pala. Nasa ibang tao na kasi siya.

"Wala na, and it doesn't matter. But atleast, pwede na akong maging ako right? Don' t worry. I will never leave you guys."

Niyakap nila ako. Ay hindi pala, hindi kasi siya kasama. HAHAHAHAHA! Tangina. Bakit lagi akong nahuhuli?

"Oh? Kristine, bakit nanjan ka lang? Sama ka dito." Niyaya ko siya

Napatingin siya sa akin. Tss ano ba to? Bat parang gulat na gulat siya? Ayaw niya ba na maging lalaki na lang ako? Lalapit na sana siya ng lapitan ulit siya ni Fourth at may sinabi.

"Ah guys, hindi ako makakasabay sa inyo sa lunch. Kasi ano uhm, sabay kami ni Fourth."

Ngumiti na lang ako at tumango. Huli na ba talaga ako? Tss. Sabagay, bat kasi hindi ko manlang to ginawa nung una pa lang? Ganito pala yung pakiramdam ng masaktan? Tanginang pag-ibig yan! Sino bang nagpauso? Sana sinarili na lang niya.

"C.R lang ako."

Hindi ko na sila hinintay sumagot. Uuwi na lang muna ako, nakakabadtrip. Teka? Hindi pa naman sila ah? Pero, halata namang gusto niya. May magagawa pa ba ako? Haha. Oo nga pala, malabong magkagusto siya sakin. Baka nga nagdududa pa yun kung lalaki ba talaga ako e.

KRISTINE'S POV

"San na ba si Prince?"

Kanina pa namin siya hinihintay. Malapit na magLunch pero wala pa siya.

"Guys, umuwi daw siya. Pagod daw kasi siya galing pala siyang Korea at dumiretso lang. Eh wala naman daw prof. kaya umuwi na siya at nagpahinga." Yhannie

Bakit hindi niya sakin sinabi? Samantalang noon, ako lagi niyang unang sinasabihan kapag di siya papasok or pag may something na nangyare. Bakit ngayon hindi ako?

"Uhm. Kristine! Let's Go?"

Lunch break na pala. Sinundo pa ako ni Fourth dito sa bldng namin. Umalis na kami ni Fourth at nagpunta sa isang Restaurant. Kanina, habang inaabot niya ang bulaklak hindi ko alam kung tatanggapin ko ba, at nung makita ko si Prince parang...parang pakiramdam ko nagtaksil ako.

"Uhm. Kristine, kanina ka pa tulala. Is there something wrong?"

Umiling ako. Ang gwapo nga ni Fourth. Tama nga ang mga tao, ang swerte ko naman para ligawan niya. Imagine? Matagal na pala siyang may gusto sakin?

Kumain na kami pero sumasagi sa isip ko yun itsura ni Prince mung makita niya kami...parang..nasasaktan. Amindo rin ako ang gumwapo siya ng sobra. Ano kayang ginawa niya sa Korea?

Bakit siya nagpanggap na bading?

Buong magdamag siya yung iniisip ko. Gusto ko nga humingi ng sorry dahil di ako makausap ni Fourth ng matino e. Hanggang ngayon wala kaming Prof. at eto ako kausap ko si Fourth at sila Yhannie.

Okay naman si Fourth e. Pero ano bang nagustuhan niya sa akin? Atska bakit ngayon lang siya umamin?

*Princess calling...*

Kinuha ko ang Cellphone ko pero nagkamali ako, kay Frances pala iyong tumutunog. Bakit parang nakaramdam ako ng something nanaman? Dahil ba hindi ako ang tinawagan niya?

"Guys. Pag di daw nakapasok si Prince bukas sabihin na lang natin na busy siya."

Tumango kami, pero bakit hindi siya papasok bukas? Ano bang nangyayare sa lalaking yon?

PRINCE'S POV

It's 10pm, and i'm still here. Nakakalalis nga naman talaga ng problema ang alak. Bat ba ako nasasaktan ng sobra? Dahil ba 100% ko siyang minahal? O dahil nahuli ako?

"Hey."

May lumapit sa aking babae. Maganda siya, blonde ang buhok. Siguro lagi to dito?

"You're new here? I'm Shastine."

"Prince."

Inabot ko ang kamay ko, nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan at di ko namalayan na 1am na pala. Nagpaalam na ako sakanya pero kinuha muna niya ang number ko.

"Uhm. Shas! Thank you."

I smiled. Tuliyan na rinaakong umalis. At ngayon nandito ako sa Parking lot ng bar. Siguro nga sasaya ka kay Fourth? Sige, siguro nga hindi rin talaga tayo ang para sa isa't isa. Kung saan ka sasaya, dun di ako Kristine. Simula ngayon, ititigil ko na yung nararamdaman ko para sayo.

Kasabay ng pagbitaw ko sa Singsing na dapat ibibigay ko sakanya na hawak ko, sisikapin kong bitawan na rin ang nararamdaman ko..simula ngayon rin, kaibigan na lang ang ituturing ko.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hindi ko alam kung nalungkot kayo. Pero huhuhu promise, habang tinatype ko to nararamdaman ko yung lungkot ni Prince. T.T

Sige, uso ang Vote&Comment.

사랑해 ❤

My Badboy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon