_________
"Good morning, gising na." Kumunot ang noo ko at naalimpungatan ng makaramdam ako ng dumadampi sa pisnge ko, sa sobrang antok ko pa ay hindi ko na iyon pinansin at itinulak palayo sakin ang bagay na dumadampi sa pisnge ko.
"Ano ba?" Natatawa ko ng angal nang biglang may dumampi naman sa may bandang leeg ko, nakikiliti akong umiwas sa kung ano man iyon at umidlip na ulit. Antok na antok pa talaga ako at kung hindi lang ako nakikiliti ay sinigawan ko na ang dumadampi sakin. Nang magising na ako ay halos mag tanghali na. I yawned at nag unat-unat ng katawan.
Ang sarap ng tulog ko ah? Feeling ko nga ay ngayon na lang ako ulit nakatulog ng ganito kahimbing. Sana ay lagi na lang ganito.
"Hala!" Napabalikwas ako ng higa sa kama ng may maalala pero agad rin nahigang muli ng maalala na wala pala akong pasok ngayong araw sa boutique.
Bumalik sa isip ko ang nagdaang gabi at hindi na napigilang ngumiti ng maalala ang successful na event na inihanda naming team. I am so proud of my self. Sarap sa pakiramdam na unti-unti kong naabot ang mga isa sa pangarap ko. Mabagal man ang naging proseso ko at marami pa akong papasukin na butas ng karayom sa pag-abot nito ay alam kong may kakahantungan rin ito at magiging worth it rin sa huli.
Hindi ako pwedeng mamatay ng hindi nakikilala ang pangalan ko sa fashion industry. Itataga ko yan sa bato, period!
Nakagat ko ang labi ko ng malala rin ang ginawa namin ni Elio kagabi, yung mga ngiti nya, yung paghalik nya sa pinsge ko pagkatapos nya iihipan ang kandila sa cupcake, sa paghawak nya sa hita ko at sa mga paglalandi nya sakin.
Hinawakan ko ang makapal na kumot na nakatakip sa katawan ko at pinakawalan ang nararamdamang kilig sa loob nito.
"Jusko po!!!!" Hiyaw ko habang namimilipit sa kilig, nagpagulong-gulong pa ako sa kama habang may malawak na ngiti.
Another favorite night with him. Ang saya-saya ko.
"Okay Iyah, kalma mo yan pempem mo. Inhale, exhale. " Pinilit kong huminahon sa nararamdang kilig makalipas ang ilang minuto.
Ilang minuto pa ako tumunganga sa kisame habang nakangiti ng mapansin kong parang nasa ibang kwarto ako. Kumumot ang noo ko at umupo sa kama, ang unang bumungad sakin ay ang mga sketches ko na nakadikit sa pader. Napalunok ako ng mapagtantong nasa kwarto ako ni Elio, siguro ay dito nya ako dinala dahil nakatulog ako sa byahe namin kagabi pauwi.
Umalis ako sa kama at naglakad palapit sa mga sketches ko na medyo nag-iiba na ang kulay dahil sa kalumaan ng papel na ginamit, marahil ay dahil halos apat na taon na itong nakadikit sa kwarto nya. Lumambot ang puso ko habang hinahaplos ang isang drawing ko kung saan nagbabasa sya sakanyang libro habang nakayakap ako sa kanyang bisig, nasa sala kami noon at wala akong ginagawang iba kundi inisin sya habang nag rereview.
Kabilang rin sa mga sketches ay noong inanyayahan nya akong kumain sa labas ng magtampo ako dahil wala syang regalo sakin noong New Year at Christmas. Binilihan nya ako noon ng rosas mula sa bata na pumintas ng bulaklak. Napangiti ako.
Ang sumunod ko namang hinaplos ay kung saan sumasayaw kami sa ulanan. Kaarawan ko ito nangyari, at ito na rin ang huling kaarawan ko na nakita ko sya at huling guhit ko na rin na ito na idinikit sa pader ng kwarto nya. Bigla akong namula ng maalala ang nangyari noon bago kami sumayaw sa ulanan. Umiling ako sa naalala.
Tinitigan ko pa ang nasa sampu pang sketches na ginawa ko noon at lahat iyon ay mga totoong pangyayari. Mga paborito kong moments na kasama sya.
Ang sarap balikan ng mga aalala iyon. Ang mga guhit ko na iyon ay nagsilbing mga litrato.
Nilibot ko pa ang buong kwarto nya, walang nagbago panglalaki parin, parang wala nag iba sa nakalipas na taon. After ko mag muni-muni sa loob ng kwarto nya ay bumalik na ako sa sariling kwarto para maligo. Pagkatapos ko sa banyo ay humarap ako sa body mirror ko ng mapansin ang pamumula ng kaliwang leeg ko, kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...