___
Nang dumating ang weekends ay nasa bahay lang kami ni Elio, maaga akong gumising para mag-luto ng breakfast naming dalawa.
Itlog, bacon at fried rice lang dahil yun lang ang madaling lutuin. Gusto ko rin matuto magluto ng iba't ibang pag-kain lalo na ang paborito ni Elio para matuwa naman sya sakin kahit papaano. Aaralin ko na lang siguro iyon sa susunod.
Nagtimpla din ako ng kape, sinigurado kong masarap ang timpla para pumayag sya sa hihingiin ko sakanya mamaya.
Pagkatapos ko ihanda ang breakfast ay pumunta na ako sa pintuan ng kanyang kwarto. Napagkasunduan naming maghiwalay ng kwarto ni Elios dahil hindi pa ready ang bataan ko. Wala naman iyon problema kay Elios. Kinatok ko ang kwarto nya, nang walang sumagot ay pinihit at binuksan ko agad ang pinto, pag-bukas ko ay sumalubong sakin ang malamig at mabangong amoy ng kwarto nya. Suminghot ako. Ang bango!
Nakita ko ang pag-bukas ng banyo nya at lumabas sya mula roon na basa ang buhok at tanging puting towel ang nasa bewang. Nahigit ko hininga ko at nanlaki ang mata. Napatingin din sakin si Elio.
"B-breakfast n-na tayo," Nauutal kong sabi at agad lumabas ng kwarto nya, tumakbo ako agad sa dining area kaya hingal na hingal akong umupo sa harap ng mesa. Pinagpawisan pa ako sa sobrang kaba.
Importante talaga na kumatok muna at humingi ng permission sa may-ari ng kwarto bago buksan! Tulad nun! Ni-hindi ko inieexpect na yun ang bubungad sakin!
My gosh! My virgin eyes!
Ilang minuto lang ang lumipas ng lumabas na rin ng kwarto si Elio na sobrang bango, basa pa ang buhok nya at naka pambahay lang sya ng suot at agad umupo sa harap ko. Parang gusto ko mahiya dahil ang bango nya at fresh samantalang ako ay hindi pa naliligo.
"Love?," Panimula ko ng ilang minuto na kami kumakain sa hapag. Tumingin sya sakin na tila ba nagtatanong kaya ngumiti ako ng malawak.
"Kamusta ang kape?"
"Okay lang." Sagot nya.
"How about the fried rice?"
"Maalat." Komento nya.
"Ano?! Hindi kaya!" Angal ko at kumain ulit sa fried-rice ko.
"Wag ka nga sumigaw," mahinahon nyang sabi pero tinapunan nya ako ng masamang tingin. Napatahimik ako ng ma-realize na maalat nga talaga.
Ba't kanina hindi naman?
"Babe?" Sabi ko ulit, kumunot ang noo nya sa pagtawag ko.
"Babe?" Aniya na parang may ginawa akong mali.
"Stop calling me babe," Dagdag pa nya, anong problema nya?
"Ba't parang galit ka? Ayaw mo ba ng babe? Love na lang ba?" Tudyo ko na lang na natatawa. Hindi sya sumagot at nag patuloy lang sa pag-kain.
"Sus! Ayaw ng babe ang gusto ay love!" Halakhak ko pa. Di pa rin sya sumagot. Nako kahit sa pag-kain ay napaka gwapo nya sa paningin ko.
Nabuhay ata ako para mahalin ang lalaking ito.
"Ang sungit! Pasalamat ka mahal na mahal kita," bulong ko, napatingin sya sakin dahil sa sinabi ko.
"Ha?" Saad nya, napansin ko na namumula na naman ang tenga nya.
"Halindog," sagot ko, umiling sya sa sinabi ko kaya napatawa ako. Tinapos ko muna ang pag-kain ko bago nagsalita ulit.
"May gagawin ka ba ngayon?" Sabi ko pag-katapos ko kumain, sya naman ay inuubos lang ang kape na tinimpla ko sakanya.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...