Chapter 17

17 5 0
                                    

___

Fifty six days after...

"Fucking assholes! You!" Tinuro ako ng manager.

"Clean their mess first!" Sigaw pa nya. Agad akong tumalima sa utos nya kahit may ginagawa pa akong iba at nilapitan ang nagkalat na bote sa mesang iyon, may nag-away kanina na mga lasing kaya puro basag na bote rito sa work place ko. Umiling ako.

"Are you okay dear?" Tanong sakin ng isang ka-trabaho ko, I smiled at her and nodded.

"Yes, I am!" Matatag kong sabi, walang reklamo kong ginawa ang trabaho ko sa local resto bar dito sa France. Kahit mahirap ay kinakaya ko. Halos dalawang buwan na rin ako dito at medyo nasasanay na ako sa pagod.

Life doesn't go the way I planned. Yan ang isa sa mga narealize ko sa pag-alis ko sa Pilipinas, na hindi lahat ng gusto natin ay matutupad sa paraang gusto natin.

Na lahat ng bagay ay kailangan pag-hirapan because life is fair.

Matapos ang pag-aaway namin ni Elio noon sa condo ay madali kong inasikaso ang scholarship na natanggap ko mula sa Paris.

Noong una, nahirapan ako mapapayag ang mga Mondejar at ang mga magulang ko sa pag-punta ko rito pero nagpumilit ako, ang dahilan ko sakanila ay ayoko sayangin ang scholarship na binibigay sakin ng nasa taas.

Ba't ba nila ko pinipigilan sa gusto ko? Ba't hindi na lang nila gayahin si Elio na tinatakwil ako?

Pero ang dahilan ko talaga sa pag-alis ay dahil ayoko na makita si Elio at Veronica dahil masyado akong nasaktan sa naging pag-aaway namin ni Elio.

Nang sabihin nyang umalis ako at mag-aral sa France ay para akong pinagsakluban ng langit, feeling ko tinatakwil nya ako, feeling ko wala akong halaga sakanya. I feel betrayed.

Mahal na mahal ko sya pero hindi ko matanggap na ang bilis nyang sabihin na umalis ako.

Noong unang buwan ko dito ay pinapadalhan pa ako ng mga magulang ko at ng mga Mondejar ng pera pero tinatanggihan kong tanggapin. Alam kong hindi dapat pero nakakaramdam ako ng inis sa ginagawa nila.

Bakit nila ako pinapadalhan ng pera?

Ah! Siguro iniisip nila na hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Isa lang ang ibig-sabihin nun, wala silang tiwala sakin.

Nainis ako sa isipin na yun kaya kahit hindi ako familiar sa lugar ay pinilit kong maghanap ng trabaho. Noong una, halos hindi ko kayang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral pero determinado akong may mapatunayan sakanilang lahat lalo na kay Elio.

Yan ang naiisip ko noong una, pero habang lumilipas ang oras at ang mga araw ay may napagtatanto ako. Na ang kailangan ko ngayon ay mga tamang desisyon sa buhay para matulungan ang sarili ko.

"I'm home!" Pahayag ko pagkapasok ko sa apartment na tinutuluyan namin ni Rose, sya ang kasama ko sa pag-alis sa pinas noon.

"Yow! You are here na pala. What do you want for dinner?" Aniya, malaki ang ngiti nya habang naka-apron, may hawak pa syang sandok.

"Anong niluluto mo? Gusto mo ako na lang magluto?" Suggestion ko. Lumapit ako sa kusina at tiningnan agad ang niluluto nya na amoy sunog na, pagbukas ko ng kaldero ay nanlaki ang mata ko.

"Rose! B-bakit ganito to? Bakla ka!" I exclaimed bago patayin ang apoy, maarteng tumakbo si Rose sakin at tiningnan ang niluluto nyang adobo na halos mangitim na. We both pouted.

"Omg! Nasunog pala? I didn't even smell it! I'm so tanga talaga sometimes!" She frustrately said as I shook my head for what she had done.

"Okay lang! Ilang beses na ito, kailangan ko na talagang mag aral magluto para sating dalawa." I sighed.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon