Chapter 2

17 4 0
                                    

___

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para abangan si Elio sa university, medyo inaantok-antok pa ako dahil halos mapuyat ako sa kakaisip sa mga sinabi ni Mama at Papa kagabi. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nalaman. Panaginip ba to? Nakakabigla kasi talaga. I sighed.

Nag-usap na rin kami ulit ng mga magulang ko kanina sa hapag-kainan tungkol sa sinabi nila sakin kagabi.

Nandito ako ngayon sa parking lot ng school para hintayin si Elio. Kanina pa ako dito at sa palagay ko ay isang oras na akong nag hihintay sakanya, medyo naiinip na ako pero kakayanin ko pa! Ano ba naman ang isang oras sa limang taong pag-hihintay ko na magustuhan nya ako pabalik?

Nang sa wakas ay makita ko na ang sasakyan nya ay agad -agad akong tumakbo patungo sakanya.

"Elio!" Sigaw ko ng bumaba sya mula sa kotse, agad syang napatingin saakin saka sumimangot agad.

Ay grabe?

"Bakit? Umagang-umaga." Saad nya bago sinarado ang kotse. May pinatunog muna sya sa kotse bago nag simulang mag-lakad. Hinabol ko sya at sinabayan.

Grabe talaga to! Hindi ako naghintay sayo para iwan mo lang!

"Good morning!" Hilaw kong bati, kinakabahan ako sa itatanong ko sakanya ngayon. Alam na kaya nya ang tungkol doon?Sinusundan ko lang syang mag-lakad.

"Morning," tamad nyang bati. 

"Elio a-ano totoo ba na ano?" Nauutal kong panimula. Kunot noo syang tumingin sakin habang patuloy na naglalakad, para tuloy syang nakayuko dahil hanggang balikat lang nya ako.

"Totoo ang ano?" Tanong nya. Lumunok ako saka bumuga ng hangin.

"Na may gusto ka daw saakin..." Pigil tawa kong saad. Napahinto sya at nanlalaki ang matang tumingin sakin, napansin ko din na namumula ang tenga nya. Nanlaki ang mata ko.

"Hala sya oh! Namumula ka! Are you guilty huh?! Crush mo ako?" Pang-aakusa ko habang nakatakip ang kamay sa bibig, nakaturo pa ako sa bandang tenga nya na namumula. Tinabig nya kamay kong naka-turo sakanya saka sininghalan ako.

"What the? I'm not! Stop pestering me!" Gigil nyang sabi saka naglakad na ulit, tumawa ako at hinabol sya saka hinila ang kamay nya na dahilan ng pag-hinto nya ulit.

"What?!" Asar nyang sabi, kunot ang noo. Ngumuso ako saka ngumiti sakanya.

"Charot lang! Grabe sungit ah? May regla?" Natatawa kong sabi, nang aktong aalis sya ulit ay hinarangan ko sya para pigilan ulit.

"Seryoso na talaga! Hindi na hindi na." Sabi ko habang pigil na pigil ang tawa, huminga sya ng malalim na tila ba nag pipigil ng inis sakin.

"What do you want?" Mariin nyang tanong. Ito na talaga sasabihin ko na.

Damn! Ba't ba ako kinakabahan?

"May sinabi sakin sina M-mama, tungkol sa arrange marriage daw..." Pahayag ko habang naka-yuko, nakatingin lang ako sa sapatos ko na di ko pa pala nalilinis, na-dissapoint ako sa sapatos pero di parin nawawala ang kaba ko sa itinanong.

"Then?" Napa-angat ako ng tingin sa sinabi nya.

Then what?

"A-alam mo?!" Tanong ko.

"Yeah, don't get your hopes up, it will never happen." Linya nya, medyo nasaktan ako pero di ko pinansin ang sinabi nya bagkus ay lumapit ako saka humawak sa kwelyo ng uniporme nya, medyo napayuko pa sya sakin ng hatakin ko sya.

"Kailan pa?! Di mo sinabi sakin agad? Alam mo bang muntik na akong mahimatay ulit noong sinabi yun ng magulang ko kagabi? Kaloka ka naman! Tagal na nating mag-kaibigan di mo manlang sakin nabanggit!" Sermon ko sakanya habang medyo magka-lapit ang mukha namin. Nagkatitigan kami ng ilang minuto bago ko sya binitawan sa kwelyo, naramdaman ko pa ang pag-iinit ng pisnge ko.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon