Chapter 6

12 4 0
                                    

___

Gumising ako ng masaya kinabukasan ng umaga. Naalala ko kasi yung pag-buhat sakin ni Elio pa-akyat dito sa kwarto ng condo kahapon dahil nakatulog ako.

Kunwari pa syang masungit, gentleman din naman pala!

Halos alas-nwebe na rin kami ng gabi na-kauwi kaya hindi ko napigilan hindi makatulog sa byahe dahil sa pagod. Napangiti ako ng maalala ang nangyari.

What happened yesterday was one of the best moment in my life!

Pagkatapos ko mag-unat ay kinuha ko ang cellphone ko para mag open ng social media account. I-uupload ko ang mga litrato namin kahapon. Gumawa ako ng album sa facebook, moon emoji lang ang ginawa kong title dahil wala akong maisip at isa pa, moon ang ibig-sabihin ng second name ko.

Ang nilagay kong caption ay;

Lovers in E.K! Sayang hindi nya ako ni-kiss noong nasa Ferris Wheel kami, mukhang nahihiya pa sya hahaha charot. #Happiest

I tagged Elio's account. Pagkaraan ng dalawang minuto ng ma-iupload ay may nag comment na agad. Tiningnan ko notif ko at nakita ko mga pangalan ng kaibigan ko.

Jean Sanchez: Hahaha wow kapal ng mukha mo sa caption mo!

Nag reply ako sa comment nya.

Me: May manipis bang mukha? Tse!

Nag reply din si Lili sa comment ni Jean. Nako mang aasar na naman ang mga ito!

Lili Castillio: Walang manipis na mukha Iyah pero yung sayo nasobrahan ata sa kakapalan! Haha

Jean Sachez: Kaya pala di sumama saatin! Ang gaga may balak palang humarot! #TagLandi

Napatampal ako sa noo ko. Mga pasmado itong mga lukaret na to! Nag comment ako ulit! Buti na lang naka private ang account ko, mga kakilala lang ang friends ko!

Naku po! Baka itakwil ako ng mga Mondejar kapag kumalat tong mga comments namin. Hindi sana big deal pero Mondejar ang asawa ko! Baka ma-iskandalo sila.

Me: #KayElioNathanMondejarLangLalandi hahaha echoss!

Lili CastilliobHOuSCXz ZaEIyAh MaLaKaS!

Jean Sanchez: Bhoszxc Iyah, kay master Elio lang lalatik!

Me: Tama na mga bwesit HAHAHHAAHAHAHA

Tiningnan ko ulit ang notif at may mga iba pang comment, nag reply ako ng mga nag congrats ulit. May isang account na nag comment ng masama.

Jackie: Lol, di talaga kayo bagay. Feeling maganda girl? Pangit mo.

Nang tingnan ko ang reply sa comment na yun ay nakita ko ang dalawang kaibigan ko na pinag tatanggol ako agad, natawa ako sa mga nabasa ko.

Lili CastillioImpokrita! So sino bagay kay Papa Elio? Ikaw? Atska hoy kung pag-tatabihin ka at ng kaibigan kong si Iyah ay parehas lang naman kayong pangit!

Bwesit na Lili to! Nang lait pa!

Jean Sanchez: Nanglait si gaga eh same lang naman silang pangit ni Iyah HAHAHAHA

Wow I can't believe it! Galing magtanggol ng mga kaibigan ko, may kasamang pang lalait!

Me: Wow salamat mga teh @Jean @Lili pero pinag tataggol nyo ba ako o nilalait din?

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon