___
Kinabukasan ay nagising ako sa humahaplos sa ulo ko, idinilat ko ang isa kong mata at nag-hikab sabay unat ng katawan.
"Let's have our breakfast, may pasok pa tayo hmm," Napangiti ako sa boses na yun at humarap sa asawa ko na nakaupo sa kama ko, dinampa ko bigla ang leeg nya kaya nadaganan nya ako. Nagtawanan kami and he kissed me on my forehead.
Sana ganito na lang lagi ang umaga ko. Ang sarap sa pakiramdam, I feel so loved and contented.
"Ayoko pumasok, inaantok pa ako," Lumabi ako at siniksik ang ulo sa leeg nya, shet umagang-umaga ang bango bango na nya.
"No, papasok ka." Aniya at pinilit ako maka-upo, sumandal ako sa balikat nya habang papikit-pikit pa, lumabi ako.
"Pinagod mo ako kagabi," Inaantok kong sabi. Nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay uminit ang pisnge ko, nawala rin ang antok ko dahil roon.
"S-sige na lalabas na ako," utos ko, tumango si Elio na namumula rin ang tenga at hindi na nagsalita, gusto ko sanang mang asar pero pati ako ay nahihiya sa sinabi. I shook my head. Nang makalabas sya ay sumubsob ako sa unan at tumili.
Oh my gosh! Ginawa nga talaga namin yun?
Tiningnan ko ang katawan ko at may suot na akong white polo shirt, ito yung suot ni Elio kahapon. Sininghot ko yun na parang rugby at napa-tili ulit ng maamoy ang bango nya.
Shet nakakaadik talaga. I giggled cutely.
Maingat akong tumayo mula sa kama dahil masakit ang pang-ibaba ko, paglingon ko sa kama ni Elio ay nandoon ang bakas ng kagabi. Lumabi ako at kinilig.
Mahal ko si Elio ng sobra sobra kaya wala akong pagsisisi na nararamdaman sa ginawa namin kagabi, alam kong nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko lang ang perlas ng silanganan ko kapag mahal na nya ako pero damn, ramdam ko yung pag-iingat sa mga galaw nya kagabi, para bang ayaw nya ako masaktan, na para bang mahal nya ako. Naramdaman ko iyon sa halik at haplos nya.
Pero huhu sakit ng kepay ko talaga. Inis naman!
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na rin ako ng uniporme ko, lumabas ako at dumiretso sa dining area, nandoon na si Elio at nagkakape habang may binabasang libro, nakatalikod sya sakin kaya niyakap ko sya mula sa likod ng makalapit.
"Good morning mahal!" Bulong ko, agad akong humiwalay at umupo sa harapan nyanh upuan.
"Morning, how are you?" Tanong nya, nag-init ang pisnge ko nang mapatingin sa hotdog na nasa hapag.
Shems! Ba't ang liit nito? Mas malaki ang nakita ko kagabi. Zaeiyah behave!
"Zaeiyah?" He exclaimed. Pagtingin ko sakanya ay pulang-pula ang buong mukha nya na para bang alam nya ang iniisip ko sa pagtitig sa hotdog. I pouted.
"O-okay lang ako," Sagot ko sa tanong nya bago nagsimulang kumain, pilit kong iniiwasan ang hotdog at di talaga ako kumain manlang kahit na isa yan sa paborito ko. Bumuntong-hininga ako.
"So hindi ka na magshi-shift ng course?" Tanong ko na lang dahil sa sobrang tahimik. Ano ba ang aasahan ko kay Elio? Hindi sya magsasalita hanggang hindi ako nagtatanong.
Makukuba na ata ako kakabuhat ng usapan namin.
"Yes," He nodded.
"Sure ka na ah?"
"Tss. Kulit mo ah?"
"Naninigurado lang ako, ayokong mapilitan kang kunin ang ayaw mo." Paliwanag ko, tumitig sya ng mariin sakin dahil sa sinabi ko kaya bigla akong nailang.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...