Chapter 12

10 4 0
                                    

___

Pagkauwi ko sa condo ng araw na yun ay wala pa si Elio, nag text ako sakanya na mauuna narin ako umuwi. Naligo muna ako at nagbihis ng pang bahay bago nagluto para sa dinner namin. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit papaano may alam na akong luto.

Buti na lang kanina ay napa-kalma namin si Lili sa inis nya kay Veronica, medyo hindi ako makapag-salita kanina dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Aminin ko man o hindi medyo natatakot ako sa pagbabalik ni Veronica.

Ayon sa narinig ko at pagkaka intindi ko sa pag-uusap ni Elio at Veronica sa locker room noon ay gusto nyang iwan si Elio para sa pangarap nya, pero what happened now? Ang bilis nya bumalik, para saan? Para kay Elio? Ganun nya ba kamahal si Elio para ipagpalit ito sa pangarap nya?

Nagiging paranoid na ako! Geez!

Kumakanta ako habang nagluluto sa kusina nang biglang may mag doorbell, agad din bumukas ang pinto. Nakangiti akong tumakbo para salubungin ang asawa ko na nakakunot ang noo sakin.

"Good evening my love!" Bati ko, lumapit ako sakanya para kunin ang bag nya. Ganito lagi ang ginagawa ko noong summer vacation namin, hinahatid ko sya hanggang pinto kapag aalis sya para magpunta sa kompanya at sasalubungin ko naman sya kapag uuwi with a big smiled.

"Why didn't you locked the door?" Kunot noo nya saad, napatanga ako sa tanong nya.

"Huh?"

"Please Zaeiyah, make sure to lock the door inside when you're alone here, lalo na kapag gabi," He frustrately said, pinasadahan pa nya ng kamay ang kanyang buhok. Ngumuso ako at patagong kinilig sa inasta nya.

"Sorry," I pouted, umiling sya sakin bago naglakad patungo sa kwarto nya.

"Nagluto ako ng favorite mo for dinner!" Pahabol kong sabi, di sya sumagot sakin kaya nagpunta na lang ulit ako sa kusina para mag-hain.

"Kain ka na," Saad ko pagka-labas nya ilang minuto, naka-pambahay na sya at basa rin ang buhok. Di pa sya nakakalapit ay amoy ko na ang sabon nya na ginamit, ang bango. Nakaka turn on!

"Bango mo naman! Anong gamit mo?" Panimula kong sinabi habang kumakain na kami sa hapag, nakita ko pa ang isang butil ng kanin na nahulog mula sa bibig ko ng mag-salita ako bigla.

Namula ako sa hiya. Tangina naman, nakita nya ang nangyari!

"Stop talking Zaeiyah," He said while pouting para pigilan ang gustong kumawala na tawa. Nawala tuloy ang hiya ko sa pisnge nyang naka lobo.

"Hala ang cute mo mag pout!" I giggled. Agad syang nag seryoso ulit nang sabihin ko iyon.

"May cute side ka pala! Ikaw huh!" Natatawa ko pang sabi.

"Tss," Sagot lang nya kaya nag-patuloy na lang ako sa pag-kain. Pagkatapos namin sa hapag ay naghugas ako ng plato, si Elio naman ay nasa living room, nagbabasa. Nag-pupunas na ako ng kamay ng tumabi ako sakanya sa couch.

"Woah! Human Anatomy kayo agad?" Namamangha kong sagot ng makita ang libro na binabasa nya.

First day of school pa lang ah?

"Yeah. What do you expect?" Tanong nya, nag-isip ako sa tanong nya, tumingin pa ako sa taas ng kisame habang kagat ang daliri, halos isang rin minuto akong nag-iisip kahit wala naman talaga ako maisip.

Nang tumingin ako ulit kay Elio ay nakita ko syang naka-titig sakin, agad syang nag-iwas ng tingin.

Kinilig ang kepay ko sa nangyari! Oh my gosh kalma self! Titig lang yun!

"Expectation ko kasi na magsisimula kayo sa basic? Like science? Ganern?"

"This is one of the basic Zaeiyah," Aniya, tumango ako, pilit kinakalma ang puso ko sa titig nya kanina.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon