SIMULA

91 6 15
                                    

___

Malakas akong nag-buntong hininga bago hinawakan ng mahigpit ang hawak ko. Feeling ko ay hihimatayin ako sa gagawin ko ngayon, sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko sa balak gawin.

Tatanggapin nya kaya ito? Sana naman ay oo dahil pinag puyatan at pinag isipan ko ng mabuti ang mga isinulat ko dito kagabi. Ni-hindi na nga ako nakapag review dahil sa kakasulat nito.

Napangiti ako sa hawak ko at niyakap yun sa dibdib ko.

Ganito pala mainlove? Ang sarap sarap sa pakiramdam.

"Nandyan na sya!" Agad na tili ni Lili na hawak hawak ako sa balikat. Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi nya.

Nandito kami ngayon sa loob mismo ng canteen ng university namin kung saan inaabangan ang mahal ko na alam kong papasok upang mag-lunch, nakaharang pa kami ng mga kaibigan ko sa malaki nitong entrance pero wala doon ang pansin ko dahil sa kaba na nararamdaman sa mga oras na ito. Pinag titinginan kami ng mga students na papasok dahil naka dungaw kami sa pintuan na para bang may sinisilip pero di ko sila binigyang pansin.

"Sis sure ka ba na ibibigay mo yan?" Tanong naman ni Jean na nasa kabilang side ko rin, hawak hawak din ang kabila kong balikat, halos mapa-aray ako sa sobrang diin nang pagkaka-hawak nilang dalawa sa balikat ko, ramdam ko rin ang kaba nila sa gagawin ko. Kung di lang ako kinakabahan ngayon baka kanina ko pa pinagsasapak ang mga ito dahil nasasaktan na ang balikat ko sa higpit ng hawak nila! Pero naiintindihan ko sila.

Determinadong akong tumango sa tanong ni Jean saka taas noong naglakad para salubungin na si Elio na ngayon ay papasok na sa canteen kasama ang iilang kaklase nya.

Nang malapit-lapit na kami sa isa't isa ay agad akong humarang sa dadaan nya. Napatigil sila paglalakad, narinig ko pa ang pag-singhap ng mga kasama nya dahil sa ginawa kong pag-harang pero hindi ko sila pinansin.

"Anong ginagawa mo?" Para akong natulos sa kinatatayuan ko ng marinig ang baritonong tinig nya, feeling ko ay naging heart shape ang mga mata ko. Napahighik ako.

Ang gwapo talaga nya kahit sobrang sungit!

"Excuse me?" Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ulit syang nagsalita. Nakita ko syang nakakunot ang noo habang mariin na nakatingin sakin. My heart beat rapidly as I stared back at his deep dark eyes. Ang gwapo talaga!

Kahit kinakabahan ay nilunok ko ang lahat ng pwede kong malunok.

Ngumiti ako nang matamis sakanya, sa sobrang tamis kahit langgam ay kikiligin!

"Elio, m-mahal kita!" Walang preno at pikit-mata kong sinabi sakanya sabay lahad  ng love letter na ginawa ko kagabi, pinag-puyatan ko itong gawin kagabi, lahat ng gusto kong sabihin sakanya ay nasa love letter na ito kaya dapat ay tanggapin nya ito at basahin. Dahil kung hindi ay baka makurot ko sya ng wala sa oras gamit nailcutter.

Naku!

Lumipas ang minuto na halos mangalay ang kamay ko kakalahad ng love letter na inaalay ko sakanya pero di pa rin nya tinatanggap yon, bagkus ay parang may kuliglig akong naririnig sa sobrang katahimikan ng paligid.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, nakasalubong ko ang mariin nyang titig sakin, napalunok ako ng bumababa ang tingin nya sa love letter na nilalahad ko sakanyang harapan. He sighed na para bang asar na asar sya eksenang ginagawa ko.

"Hindi ko tatanggapin yan, at pwede bang tigilan mo ako? Nasa university tayo Zaeiyah." Suway nya sakin bago umiling, naglakad sya at nilagpasan na ako para pumasok sa loob ng canteen, agad rin naman sumunod sakanya ang mga kaklase nya na nakangiwi sa pangba-basted ni Elio sakin.

Ako naman ay nakanga-nga at nakatulala sa kawalan. Kahit wala na si Elio sa harap ko ay nakalahad parin ang kamay ko sa hangin.

"A-ano?" Ani ko habang nakakunot ang noo at nakangiwi, napakurap kurap ako. Kahit siguro ang pinaka magaling na painter ay hindi maipipinta ang itsura ko ngayon! Halos lumubog ako sa kahihiyan!

"Sis? Iyah? Yohoo?!" Sabi ni Lili na nagpabalik saakin sa katinuan! Di ako makapag salita sa sobrang bigla, napatingin lang ako sa likod ni Elio na naglalakad habang nakapamulsa ang kaliwang kamay. Ang gwapo naman ng likod na yan! Kainis naman!

"Sis okay ka lang?" Si Jean na nag-aalala. Ngumiti ako saka wala sa sariling tumango.

Okay naman ako medyo nahihilo lang....at nasasaktan.

"My God, sana lamunin na ako ng lupa." Bulong ko habang umiikot ang mundo ko.

"Oh my gosh, nag dudugo ilong mo!" Hiyaw ni Lili bago nag dilim ang paningin ko.

___

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon