___
"Bakit hindi pwede? Sige na please?" Nangungulit kong sabi kay Elio nang nasa kotse kami papunta sa university na pinapasukan namin. Umiling sya sa tanong at pakiusap ko.
"No," Aniya kaya umirap ako at humalukipkip habang nakatingin parin sakanya.
"Bakit ba ayaw mo? Mag-asawa naman na tayo ah? Atska...we did it already bakit ayaw mo parin?" Kunot-noo kong sabi na umaasang baka pumayag pa sya sa gusto kong mang-yari.
"I've already said no, and that's final Zaeiyah." Final nyang sabi kaya bumuntong hininga na lang ako at madramang sumandal sa bintana ng kotse.
Pinipilit kong sa kwarto na lang nya ako matulog simula last week noong birthday ko pero tinatanggihan nya ako, hindi ko alam kung bakit at ayaw nya. Like seriously? Ilang months na rin kaming mag-asawa, nasa tamang edad na rin naman kami, we even made love not just once but twice and I think we love each other!
Yes, iniisip kong mahal na nya ako, ramdam ko naman yun. Lagi na syang ngumingiti sakin, minsan pa nga ay nakikipag-harutan na sya sakin dahil sa pangungulit ko.
I'm assuming..
Yes, ako na ang assuming na mahal na rin nya ako, even though, hindi parin nya sinasabi ang three words na matagal ko nang hinihintay simula noong grade seven kami. Ewan ko ba kay Elio kung ano pumipigil sakanya, napaka pabebe! Gustong-gustong bini-baby ko sya.
"Huh siguro ayaw mo akong mabuntis kaya ayaw mong magtabi tayo gabi-gabi no?" Usal ko na lang out of the blue, halos tumilapon ako sa sasakyan ng bigla syang huminto. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.
What the?!
"Elio?!" Pagalit kong sabi, lumingon sya sakin na para bang may nasabi akong mali kanina, namumula na naman ang kanyang tenga, muntik na akong mapangiti pero pinigilan ko lang sarili ko, naiinis parin kasi ako sa pag-tanggi nya.
"Ang daldal mo, baba na." Aniya, tumaas ang kilay ko sa inasta nya pero di na ako kumibo at umirap na lang bago bumaba sa kotse, hindi ko na namalayan na nasa parking lot na kami ng university dahil sa pangungulit ko sakanya. Narinig ko pa ang mahina nyang pag-tawa sa pag-susungit ko.
Pagbaba ko sa kotse ay nakasalubong ko si Ming at Rose na magkasama, agad akong ngumiti at lumapit sakanila.
"Hoy mga tropa!" Sigaw ko pero agad din napatakip ng bibig ng nakita ko ang isang prof na kababa lang din sa sasakyan nya. Napatingin sya sa banda namin kaya nag-peace sign ako agad
"Ingay." Ani ng asawa ko sa likod ko pero di ko na sya pinansin. Naglakad na kami papuntang main gate ng university.
"Goodbye love! I love you!" Saad ko kay Elio ng mag-paalam syang tutungo sa building nila. Ngumuso ako ng ngumiti lang sya sakin bago tumalikod. Bumuntong hininga ako.
I pouted. Kailan kaya nya sasabihin sakin ang salitang gusto kong marinig mula sakanya? Darating pa ba ang araw na yun? Umiling ako sa tanong ng utak ko.
I'm willing to wait for that three word from him, I'm still so willing to wait.
Iniisip ko na siguro...
maybe, just maybe na kahit hindi nya akong mahalin pabalik ay hinding-hindi akong mag-sasawang mahalin sya. Bawat araw kasi na lumilipas ay lalo ko syang minamahal, ewan ko ba pero mahal na mahal ko talaga ang asawa ko.
"Halika na teh," si Ming, bumuntong hininga ako bago naglakad kasabay sila.
"You know Iyah? I'm naiinggit to you talaga" Biglang sabi ni Rose, kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Ngi? Bakit naman? " Ani ko dahil nagtataka ako kay Rose, huminga sya ng malalim na akala mo ay nalunod ng isang minuto, bago naka-ngiting niyakap ang braso ko.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...