Chapter 10

15 4 0
                                    

___

Pagkatapos ng foundation day ay dumating naman ang mga qiuzzes, exams, baby thesis at iba pang activities sa school. Dahil sa kami ang first batch ng Senior High at graduating students kami ay kailangan naming mag sipag lahat, medyo naging malupit rin ang mga teachers samin kaya kailangan namin mag seryoso lahat.

Sa sobrang busy ng lahat ay  hindi na namin napansin ang mabilis na oras and finally, our graduation is happening to day.

Nasa malaking hall kami ng school ngayon, nakaupo ang lahat habang tinitingnan si Elio na nakatayo sa stage habang gwapong gwapo sa suot na blue toga.

Magbibigay sya ng speech sa buong grade twelve students dahil sya ang nagunguna sa buong batch.

I am so proud of him!

Napangiti ako ng nadaanan nya ako ng tingin sa pwesto ko at nataranta akong nag finger heart sakanya at kumindat pa. Kitang kita ko ang pag-ngisi nya sa ginawa ko. I giggled.

Gandang ganda ka na naman sakin Elio?

Huminga ng malalim ang asawa ko bago nagsalita. "Good afternoon everyone. First of all, I would like to say that I am very honored to have been given the opportunity to present this speech." Pangunang saad ni Elio, nakatitig lang ako sakanya. Sa likod nya ay si Lolo Jose na masayang naka-upo kasama ang mga malalaking tao sa school, proud na nakatingin sa apo.

Magka-halo ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil sa wakas ay g-graduate na, at malungkot dahil ito na ang huling sandali namin bilang first batch of Senior High School.

Hindi ko makakalimutan ang mga failures at dissapointments na naranasan ko. Yung buong klase na sobrang ingay at pasaway pero magkaka sundo naman at may pag-kakaisa.

Napangisi ako ng maalala rin ang mga teachers na napaiyak namin at napa walk out dahil sa gulo at pagkapasaway.

Nakakamiss na agad pero as much as we would like to stay in the safety and comfort of our alma mater, we must now begin another journey in our life. 

College life na ang papasukan namin, hindi na pwedeng gawin ang mga ginagawa noong high school, kailangan na naming mag-tino at iwan ang pagiging isip bata.

Napatingin ako ulit kay Elio, buong high school life ko ay tungkol sa pag-hahabol ko sakanya, sakanya umikot ang mundo ko simula ng magustuhan ko sya pero kahit na ganun ay wala akong pagsisisi. He was enough to give me inspiration everyday.

Kapag nakikita ko sya parang buo na ang araw ko.

Wala akong kasing saya t'wing kumukunot ang noo nya sa mga pang-aasar ko.

Di rin buo araw ko kapag hindi ko sya nakukulit o nakikita manlang.

He's indeed my inspiration and love of my life.

"Nothing is more fullfilling than the fact that we have defied all odds to become what we are today right?" Tumango ang karamihan sa sinabi nya.

"I may have intelligence, but I am driven more by my passion and this means so much more to me than all the awards I received today." Dagdag nya, nasa limang minuto pa ang lumipas bago matapos ang speech nya.

"Again, thank you so much and congratulations batch mates!" Pagtatapos ni Elio, nag-palakpakan kami. Gusto ko sanang isigaw na bebe kong mahal yan pero pinigilan ko sarili ko dahil baka masira ang araw nya sa gagawin kong yun.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay agad kong hinila si Elio para lumapit sa mga magulang ko at magulang nya na may malalaking ngiti sa labi. Nakatingin sila samin habang papalapit kami.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon