Chapter 18

24 4 0
                                    

___

Inis na inis akong naglalakad sa hallway ng building kung saan ang apartment ni Rose. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang lalaki na bumato ng bola sa kaibigan ko, kay Agustin.

Grabe! Bulag ba sya? Hindi ba nya nakita na may tinamaan sya? And he didn't even say sorry to Agustin! 

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Mabuti na lang hindi gaanong nasaktan si Agustin, sinabi ko rin sakanya na pumunta kami sa hospital para tingnan sya but he assured me that he's feeling okay and we don't need to go to hospital, hindi rin naman daw masyadong matigas ang bola.

Dahil doon nakahinga ako ng maluwag at nag-aya na ako umuwi.

Wala pang tao ng makapasok ako sa apartment. Madilim at tahimik ang bumungad sakin. I sighed. Siguro wala pa si Rose.

Dahil bukas ay wala namang pasok sa university ay nagbukas muna ako ng facebook account ko para iupload ang mga pictures namin ni Agustin kanina. Umupo ako sa sofa pagkatapos ko mag tanggal ng sapatos.

Selfie muna bago tamaan ng bola sa ulo Agustin Reyes Hahaha. #Peace

Natawa ako sa sariling caption. As usual agad-agad na naman nag-bigay ng comments ang mga kaibigan ko. Isa isa kong nireplyan mga comments nila. I miss them! Sa susunod nga ay aayain ko sila ng video chat, this time dito na mismo sa account ko at hindi na sa account ni Rose, kailangan ko na ata mag-install ng messenger app.

Lili Castillio: OMG who's this cutie pie?

Me: Lili Castillio my friend hahaha!

Jean Sanchez: Hahaha what happened to him?

Me: Natamaan sya ng bola kanina! At yung lalaking picho pilato na nakatama sakanya di man lang nag sorry. Medyo gigil ako sis! Like grrr grrr grrr hahahha.

Jean Sanchez: Grabe naman pala ang nangyari kay bebe boy, sana binato nyo rin pabalik ang lalaki! Charaught!

ME: Jean Sanchez umalis kaagadGigil ako ng slight.

Choi Mingming: Woaaah baklaaa, ireto mo naman ako sakanya! Single ba yan? Si Mew Pogi Servano ayaw na ako pansinin eh, parang wala kaming pinagsamahan ni Papi ahmp! Shunganess sya!

Me: Choi Mingming, he's single pero I think he's not willing to mingle hahaha. Halikan mo kasi si Mew malay mo manlabot at patulan ka na!

Mew Pogi Servano: Choi Mingming dude please! Delete your comment, baka akalain ng makakabasa may nakaraan tayo noon! I'm loyal!

Lili Castillio: Mew imong mama loyal! Loyal sa sampu ganern?!

Choi Mingming: Mew Pogi Servano, maka dude ka naman! Bakit wala nga ba talaga talaga? *Wink*

Natawa ako sa usapan nila, di na ako nag reply pa. Alam kong nagbibiruan lang sila pero natatawa parin talaga ako, mas lalo ako napahalakhak nang mag reply pa si Mew ng meme ng isang sikat na painting ng babae, nakangiwi ang mukha at batang lalaki ang ipinalit sa mukha ni Mona Lisa.

Kapag talaga mga kaibigan ko ang nag iingay sa comment section ay matic na yun na babaha ng kulitan. Yung tipong aabot sa hundred ang replies kahit hindi naman kami abot sa sampo. Walang katapusang usapan. Nagiging group chat ang comment section.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon