Chapter 1

54 5 0
                                    

___

Pag daan ko pa lang sa hallway ng Senior High building namin ay halos himatayin na ako sa sobrang kahihiyan.

Kakapasok ko lang ulit ngayon araw dahil noong isang araw, noong araw na mahimatay ako ay nagka-lagnat talaga ako! Kaya kahapon ay pinilit ko talagang gumaling para lang makapasok. Bukod sa miss na miss ko na si Elio ay ayaw ko din isipin ng iba na nag-tatago ako sa kahihiyan sa nangyari.

Kaya lang pagka pasok ko pa lang sa main gate ng school at hanggang dito sa hallway ay may naririnig akong bulungan.

Ang mga tsismosa't tsismoso kasi na to kung makapag-usap akala nila wala ako sa harapan nila? Akala nila sakin bingi? Kainis!

May mga tao talagang walang magawa sa buhay kaya ibang tao ang pagtutuunan nila ng pansin.

"Hindi ba sya yung nahimatay noong isang araw na na-basted?!" Sabi ng unang tsismosa na sobrang kapal ng kilay, naubos ata nya ngayong araw ang bagong tasa na pang eyebrows, mukha syang tanga! Kainis! Binilisan ko na lang ang pag-lalakad.

"Oo yung malakas ang loob!" Sagot naman ng isa pang tsismosa habang natatawa. Kung maka-tawa to kala nya bagay sakanya ang bangs nya!? mukha naman syang si Dora na hindi na-buo.

"Sana all nahimatay!" Sabi naman ng kalbo'ng bakla na kasama nila saka sila nagtawanan ulit, pati ang ibang studyante na dumadaan ay naki-tawa na rin.

"Mga bwesit!" Sigaw ko saka nagtakip ng tenga, lalo silang nagtawanan sa sinabi ko  Di ko na talaga kaya! Sobra na itong kahihiyan na natatanggap ko! Kasalanan to ng mahal kong si Elio, kung hindi lang sya pakipot edi sana hindi ako mapapahiya ng ganito.

Lumabi ako ng maalala ang nangyari noong isang araw, ni hindi manlang nya tiningnan ang love letter na pinag puyatan ko.

Nakakaiyak talaga.

"Ms. Alonzo!" Napapikit ako ng marinig ang mariin na boses yun, paglingon ko ay nakita ko ang Principal namin sa Senior High department! Gigil syang lumapit sakin.

Lagot na ako!

"Y-yes ma'am?" Ngumiwi ako ng makita ang hallway na wala ng studyante kahit ni-isa. Parang kanina lang ang dami pang tsismosa't tsismoso dito ah? Ba't ngayon para silang mga ninja na nawala? Palibhasa kasi nandito na si Principal.

"In my office! Now!" Ani agad ng Principal sakin bago ako nilagpasan. Naka nguso akong sumunod sakanya habang nagka-kamot ng ulo. Malas ko talaga ngayon araw! Sana pala di muna ako pumasok ngayon. Kaloka!

Pagkapasok ko pa lang sa principal office ay agad kong natanaw si Elio na preskong nakaupo sa visitor chair ni Principal, mukhang kanina pa sya naghihintay rito at medyo inip na rin ang mukha nya.

Akala ko mamalasin ako buong araw, hindi naman pala. Buti na lang pala talaga ay pumasok ako ngayon!

I stared at him sweetly at wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok nito para kay Elio.

"Mr. Mondejar, sorry sa pag-hihintay." Paumanhin agad ni Principal pagkakita kay Elio. Ngumiti at tumayo si Elio sa upuan saka binati pabalik si Ma'am Principal.

Di pa rin nya ako tinitingnan. Asus! Come on Elio, look at me! Come on!

Nang hindi nya manlang ako tinapunan ng tingin ay napanguso na ako. Tinitigan ko na lang sya habang nakatayo ako malapit sa pintuan at pasimpleng kinikilig sa mga galaw nya.

"No need to say sorry Ma'am," Aniya habang hinaplos nya ng dalawang beses ang batok nya na parang nakaramdam sya ng hiya dahil ang Principal pa ang nagsorry sakanya.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon