________
"And now, I'd like to call my beautiful models back on stage....." Auntie Amarah said. May hawak syang punpon ng bulaklak at masayang-masaya sa event na nagaganap ngayong gabi.
The models came out from back stage wearing beautiful evening gowns made by our team and designed by Auntie Amarah herself.
Masayang-masaya akong pumalakpak, nasa stage kami lahat ngayon dahil pinakilala kami ni Auntie Amarah bilang Team nya.
Another two months had passed, at ngayon araw ang araw kung saan ginanap ang Amara's Fashion Show kung saan ibinida namin ang mga nag-gagandahang evening gowns na kami mismong team ang gumawa. Hindi mapaglagyan ang saya ko dahil isa talaga ito sa pangarap kong maranasan.
Masaya kaming lahat kahit na pagod dahil naging hands on kaming lahat para sa event na ito. Bawal ang magkamali dahil mga kilalang tao ang bisita. Everything should be perfect at nag-papasalamat ako na naging successful ang araw na ito.
I am very proud, especially now that I can see the amazement and admiration of the guests on our Evening Gowns Collection that we presented today.
Isang oras pa ang lumipas nang matapos na nang tuluyan ang event. Pagkatapos ay isang VIP bar ang kinuha ni Auntie Amarah for our celebration daw for this successful night.
"Naks, congrat!" Biglang may nagsalita sa likod ko, pag-lingon ko ay pinitik agad ni Agustin ang noo ko. Hinampas ko sya sa braso.
"Nandito ka na pala!" Sabi ko at niyakap ang kaibigan ko na kararating lang galing ibang bansa. Sinalubong rin sya nina Auntie Amarah at Rose. Lahat ay nag-reready na para sa pupuntahang selebrasyon.
"Good evening po. Kakarating ko lang Tita, medyo po kasi delayed ang flight kaya ngayon lang nakarating." Ani pa ni Agustin na humalik sa pisnge ng kanyang Tita. Tumango si Auntie Amarah at inaya na kaming lumabas sa event hall para sa celebration pero bago yun ay kinausap ko muna si Auntie dahil kahit gusto ko man ay hindi ako makakasama sa selebrasyon dahil may lakad kami ni Elio.
"Auntie, mukhang hindi po ako makakasama...I have something to do." Paalam ko. Naalala ko kasi bigla na birthday pala ni Elio ngayong araw.
Gusto ko syang makasama ngayon kahit masama pa rin ang loob ko sakanya at sa mga nangyari saamin noon. Kinikilig ako kapag naalala ko na sya mismo ang nag-aya sakin na kumain sa labas, gusto daw nya na mag 'date' kami sa araw ng kaarawan nya. Tumanggi ako pero talagang naging mapilit sya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinagbago ng ugali nya or hindi. 8:00 ng gabi ang usapan namin at 7:00 PM na, baka hinihintay na nya ako sa condo.
"Sayang naman anak si-" saad ni Auntie Amarah pero hindi natuloy dahil bigla akong inakbayan ni Agustin sa leeg. Napangiwi ako sa ginawa nya.
"Ano ba yan? Sumama ka na. Minsan lang naman to oh! Kararating ko lang rin." Kumbinse nya, hindi na ako nakatanggi lalo na't pati ang ibang kasamahan ko ay pinilit rin akong sumama. Pikit mata akong pumayag.
Sorry Elio...
Okay, maiintidihan naman siguro ni Elio kung hindi ako makakapunta sa usapan namin ngayon. Babawi na lang ako bukas at siguro naman ay busy rin sya ngayong araw at di naman siguro sya magdadamdam.
Nang malapit na kami sa pupuntahang bar ay itetext ko na sana si Elio na cancel ang lakad namin pero hindi ko na iyon nagawa ng daldalin ako ni Agustin, tawang-tawa ako sa mga kalokohan nya kaya di ko na nagawang itext si Elio.
Naging masaya ang ang selebrasyon namin, puro kulitan at sayawan lang. Ang daming pagkain na pinahanda si Auntie kaya sa huli ay halos hindi na ako makagalaw hindi dahil sa kalasingan kundi sa sobrang kabusugan.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
Roman d'amourSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...