Chapter 16

17 4 0
                                    

___

"Zaeiyah where are you?" Ang malalim na boses ni Elio ang narinig ko mula sa kabilang linya. Tumikhim ako bago sumagot sakanya, ramdam ko parin ang sakit ng lalamunan ko kakapigil ng hikbi ko.

"Nasa condo na, I'm sorry hindi ko nasabi agad sayo," Hinging paumanhin ko agad, narinig ko ang buntong hininga nya. Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama.

"Umuwi ka na, huwag mo na ako hintayin dyan," Dugtong ko pa.

"Alright. Pauwi na ako sayo." Aniya. Tumango ako at ngumiti kahit hindi sya nakikita.

"Okay, ingat ka love. I love you," I murmured. I felt my chest tightening nang hindi sya sumagot. Pagkababa ko ng tawag nya ay agad akong tumihaya sa kama ko.

Blanko ang isip ko, wala akong naiisip kundi yung sakit na nararamdaman ko lang.

Kaya sa mga natitirang araw para sa prelim exam ay wala akong ginawa kundi dumikit lang kay Elio, nagpanggap akong walang nakita sa parking lot. Nagpanggap akong hindi nasasaktan, kahit na sa loob loob ko ay gustong-gusto ko nang sumabog.

Hindi naman siguro mahalaga ang nakita ko sa parking lot? Wala lang siguro iyon? Dahil kami naman ni Elio ang magkasama. Kami ang mag-asawa at ako ang pinakasalanan nya.

Ayoko makipag kompetensya kay Veronica pero ang yun ang nararamdam ko sa ginagawa nya ngayon, at hinding-hindi ko sya uurungan kung ganun nga.

"Kinakabahan ako sa resulta ng exam mga bakla, sana pasado tayo lahat no?" Nakangusong hiling ni Ming isang raw.

Isang linggo na mula nung matapos ang exam namin. Pero kinakabahan ako sa resulta ng saakin. Pwede na namin makita iyon pero natatakot ako.

"S-sana nga," Ngiwi ko.

"Basta me? I know to my sarili na I will papasa," Rose said confidently while giggling. Napangiti sakanila.

"Sana all," ani ko.

"Why hope all? Hindi ka ba nag review?" Takang tanong ni Rose, kinagat ko ang labi.

"Nag-rereview pero hindi lang ako sure sa mga sagot ko," I lied, I didn't reviewed, stock knowledge was all I have when I answered my sheet, at hindi talaga ako sigurado sa mga sagot ko roon. I'm not confident enough! Damn.

Inaamin ko sa sarili ko na hindi na talaga ako nakapag review para sa prelim exam namin, masyado akong nag-over think kay Elio at Veronica, masyadong masama ang loob ko sa nangyari sa parking lot kaya kahit anong gawin kong pag rereview ay hindi ko magawa. Ayaw pumasok ng mga lesson sa utak ko.

Akala ko... ayos na ako, pero kapag nakikita ko si Veronica na lumalapit kay Elio sa university ay para akong batang inaagawan ng laruan.

Ilang beses na rin ako tinatanong ni Elio kung nagrereview ba ako pero oo lang ang sinasagot ko sakanya.

"Nakapag-review ka na ba?" Ani Elio habang nakaupo kami sa sofa, nagkalat ang mga libro at reviewer papers namin sa coffee table, ako naman ay naka hilig sa balikat nya habang pinag-lalaruan ang palad nya.

"Yes love!" I lied pero masaya kong sagot sakanya, ngumiti ako ng hindi manlang nya tinanggal ang ulo ko sa balikat nya.

Home.

"Really? Ba't parang hindi ko napapansin?" Aniya pa, tumingin ako sakanya at hinalikan ang pisnge nya.

"Don't worry! Nakapag review ako okay?" I winked at him, ngumiti sya sa tinuran ko at pinasadahan nya ng kamay ang ulo ko pababa sa pisnge ko.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon