Chapter 4

11 4 0
                                    

___

Hindi nga nag-bibiro si Lolo Jose sa gusto nyang mangyari, dahil pagkatapos ng pag-uusap namin noon sa mansion ay agad-agad silang namanhikan, nagkaroon pa kami ni Elio ng engagement party. Sobrang saya sa feeling na ikakasal sakin ang taong gusto-gusto ko, ang taong pangarap ko.

Noong mga panahon na nagaganap ang pamamanhikan at engagement party ay para akong nililipad sa alapaap sa sobrang saya, samantalang si Elio ay mukha naman syang okay sa mga nangyayari kaya panatag na rin ang loob ko, hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol kay Veronica.

Mabilis ang proseso ng kasal, minadali masyado ni Don. Mondejar pero sinigurado nyang maayos lahat-lahat. At ngayon dumating na ang araw ng kasal namin ni Elio. Kinakabahan ako sa mangyayari, paano kung bigla akong iwan ni Elio sa altar?

"Anak, ang ganda-ganda mo," masayang sabi ni Papa habang hiniha-hatid nya ako sa altar, nasa magkabilaan gilid ko ang parents ko. Napangiti ako sa sinabi nya.

Ngayon na talaga ang araw ng kasal namin ni Elio! Wala nang atrasan to!

"Salamat Pa," Sabi ko bago tumingin kay Elio na nasa dulo ng altar, nakatingin sakin ang seryoso nyang mga mata. Ngumiti ako sakanya ng may halong kaba, bumaba pa ang tingin ko sa suot nyang mause clour suit with printed tie na sobrang bumagay sa katawan nya. Ang gwapo-gwapo talaga!

Is this really happening?

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay nag-uusap pa kami sa hapag tungkol sa usapin na ito, ngayon ay nagaganap na.

Intimate wedding ang ginawa namin, mga relatives, kaibigan at iilan lang na businessman na kakilala ng mga Mondejar ang inimbitahan. Ang gusto sana ng mga Mondejar ay ipubliko ang kasal namin, yung tipong may mga media pa sa loob ng simbahan, dahil bakit hindi? Kasal ito ni Elio, ang unang lalaking apo ng mga Mondejar, isa sa pinaka-mayaman na pamilya sa bansa, pero naki-usap ako na gawin na lang itong intimate na sinang-ayunan naman nila.

Paniguradong alam na ng lahat sa school ang tungkol sa kasal na ito, dahil hindi talaga kami tinigilan ni lolo Jose na hindi mag-photoshoot para sa isang pre-nup. Aniya ay remembrance daw ng kasal namin kaya hindi na namin natanggihan ang gusto nya, pabor naman sakin pero si Elio ay mukhang napilitan.

Ayoko rin naman maging laman ng chismis atska nahihiya ako sa mga nakakilala sakin! Baka sabihin na ang malas ni Elio dahil sakin sya na-ikasal. Lalo na ang mga spoiled brat na babae na may gusto rin kay Elio sa university.

Nang makalapit kami kay Elio sa dulo ng altar ay ibinigay na ni Papa ang kamay ko sakanya, tinapik pa sya ni Papa sa balikat bago sila nag ngitian bago kami humarap kay Father, kung ano-ano pa ang sinabi ni father tungkol sa pag-aasawa bago nya itanong ang dapat na itinatanong.

Wala na kaming vows. Kahit na gusto ko ay hindi ko na ipinilit, masyado naman atang gwapo si Elio para magsabi ako ng vows samantalang sya wala diba? Choss!

"Elio Nathan Mondejar do you take Zaeiyah Yue Alonzo as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" Tanong ni Father, napatingin ako kay Elio na halos isang minutong hindi sumagot, medyo kinabahan ako, aatras na ba sya? Bakit ngayon pa?

Nag-buntong hininga muna sya bago sumagot.

"I do," Aniya, nanggilid ang luha ko habang ako na ang tinatanong ni father. Hindi ko mapagilan hindi umiyak.

Akala ko....

"I do father," Suminghot pa ako, tuluyan nang bumuhos ang luha ko sa kaba at saya.

Tanginang Elio 'to, pinakaba ako!

" I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!" Masayang sabi ni father, humarap kami ni Elio sa isa't isa.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon