_______
"Ganda ko!" Pagmamalaki ko sa harapan ng full body mirror. Malaki ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang pagkatao sa salamin.
"Babies ang ganda ni Mommy ano?" Tumagilid ako upang makita sa salamin ang umbok ko nang tyan saka hinaplos-haplos iyon. Mas lalo pa akong natuwa ng makita rin ang dibdib ko na lumaki rin dahil sa pregnancy. Naging Cup-C na yun kaya sobrang proud ako.
"Love, tingnan mo breast ko, lumalaki na!" Ani ko at humarap sa asawa kong inaayos ang kanyang neck tie. Amoy na amoy ko ang pabango nya na ako pa mismo ang bumibili. Basang-basa pa ang kanyang buhok kaya kinuha ko ang isang puting tuwalyang nakasabit at pinunas iyon sa kanyang buhok para matuyo. Hinalikan nya ako sa pisnge ng makalapit ako.
"Bango." Aniya nang halikan nya ang leeg ko. Nakikiliti akong umiwas at nameywang sa harapan nya.
"Oy nagpapahiwatig ka na naman ah!" Pang-aasar ko. Uminit ang pisnge nya at nag iwas sakin ng tingin.
"I'm not. Ikaw lagi ang nagpapahiwatig." Ngisi nya. Namula ako.
Hindi kaya!
"Pero anyway, look mo breast ko, nagkakalaman. Bagay na bagay talaga saakin ang pregnancy ano? Cup-C na ako." Pagbubuhat bangko ko sa sarili saka humarap ulit sa salamin. Nakita ko ang ngiti nya sakin mula sa salamin. Kinindatan ko sya.
"Hmm cup-c? Thanks to me." He chuckled. Napanguso ako.
Simula nang malaman kong buntis ako ay nagkaroon na talaga ng laman ang katawan ko. Hindi na ako sexy tulad ng dati. Tumaba ako at nagka-manas pa. May mga time na umiiyak ako dahil feeling ko ay ang pangit-pangit ko na pero dahil kay Elio ay nawala rin agad ang insecurities kong iyon. Bukod sa mas panget sya sa paningin ko ay lagi rin nyang sinasabing ako ang pinaka-maganda sa lahat.
And of course, hindi sinungaling ang asawa ko kaya naniniwala ako sakanyang ako ang pinaka maganda at pinaka sexy.
Six months na ang tiyan ko pero parang puputok na sa sobrang laki. Palibhasa ay tatlong baby ang nasa loob. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko iyon. Halos isang oras rin ako umiyak sa bisig ni Elio noon samantalang sya ay pilit akong pinapatahan habang pigil na pigil rin nya ang luha. Kitang-kita ko ang saya at pagmamahal sa mata nya.
"Are you done?" Aniya pagkatapos nya magsuot ng sapatos. Nasa harap pa rin ako ng salamin habang kung ano-anong posisyon ang ginagawa ko doon na para bang isang modelo. Aalis kami ngayon ng asawa ko upang magpa-check-up sa Doctor. Hindi naman ako pwedeng icheck-up ng Asawa ko dahil hindi naman sya obgyne.
"I'm so pretty! Grabe swerte mo talaga Elio." Umiiling ako ng sabihin iyon. Pati si Elio ay napailing rin sa pinagsasabi ko.
"Let's go." Utos nya, di ko sya pinakinggan bagkus ay nag finger heart sa harap ng salamin. Tatlong beses pa nya ako tinawag bago ako pumayag na umalis na.
Ewan ko ba pero gandang-ganda ako sa sarili ko.
"Wife please?" He said frustrately ng di pa ako umalis sa salamin, ngumuso ako saka isang beses pang kinindatan ang sarili sa salamin at kumapit sa braso nya pababa sa mansyon.
Pababa na kami ng makasalubong namin sina Mom, Dad at pati si Lolo Jose na kasama ang mga nurses nya. Wala dito ngayon ang kapatid ni Elio na babae dahil may pasok.
"Mom, Dad and Lolo alis na po kami." Paalam ko sakanila ng madaanan namin sila sa malawak na sala.
"Mag-iingat kayo mga apo ah." Ani ni Lolo.
"Don't worry po." Ani Elio. Nasa mansyon kami ngayon ng mga Mondejar.
Simula ng malaman ng mga oldies na triplets ang nasa loob ng tyan ko ay hindi na nag dalawang isip si Lolo Jose na sa Mansyon kami pansamantalang manirahan ni Elio. Kahit four months pa lang ang tyan ko ay natatakot daw si Lolo na baka bigla raw ako manganak at baka raw magkataong wala si Elio sa condo. OA lang talaga si Lolo pero si Elio ay pumayag rin dahil nag-aalala rin sya. Isa pa syang OA.
BINABASA MO ANG
To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)
RomanceSweet Dreamer #1. Half of Zaeiyah Yue Alonzo's life story is about pursuing her long-time crush and beloved Elio Nathan Mondejar. If she could be granted just one wish. She wish to stop the time when they are alone together. But what if, her love fo...