Chapter 8

12 4 0
                                    

___

Madaling lumipas ang christmas break namin, basta ang naaalala ko lang ay hindi na natuloy ang plano namin na mag beach pero kahit ganun ay naging masaya parin naman.

May pagkakataon talaga sa buhay natin na mag d-drawing tayo pero di naman makukulayan.

Ang dalawang linggong bakasyon namin ni Elio ay sa mansyon kami nag-stay. Nag request kasi si Lolo Jose na doon muna kami at gusto nya kami makasama sa araw ng pasko, kasama rin sa mansyon ang pamilya ko kaya hindi ako nalungkot manlang. Sobrang saya!

Napabuntong hininga ako! Balik eskwela na naman! Pero medyo natutuwa ako dahil iba na ang mga subject and guess what? Wala akong math subject this semester. I'm so happy!

Excited na rin ako mag-college!

"Uy love? Kailan mo ba ibibigay sakin ang regalo mo?" Pangungulit ko kay Elio, nandito kami ngayon sa loob ng kotse habang nagmamaneho sya patungo sa school, ilang minuto na lang ay darating na kami sa school.

"I told you, wala." Aniya, sumimangot ako.

"Ang daya talaga! Ako nga dalawa ang binigay kong regalo sayo eh! Isa para sa pasko at isa para sa birthday mo!" Reklamo ko pa, kumunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Hindi ko iyon hiningi sayo." Aniya, nanlumo ako sa sinabi nya. Ang sakit!

"Oo nga pero..." I trailed off. Damn it! Masakit yung sinabi nya ah?

Alam kong kusa ko iyon binigay, galing pa mismo sa sariling ipon ko pero gusto ko lang talaga makatanggap ng regalo mula sakanya.

Kasabay ng pasko ang birthday nya kaya dalawa ang regalo na ibinigay ko. Ang isa ay isang lucky bracelet na ako mismo ang gumawa, napangiwi pa sya noong nakita nya ang bracelet pero di rin nakatanggi ng ipilit sakanya ni Lolo Jose iyon. At ang isa pa ay puting sapatos na hindi mamahalin, nilagyan ko iyon ng art na chibi head naming dalawa na may puso pa sa gitna, naalala ko pa yung tanong nya ng makita iyon.

"Sino mga ito? ?" Aniya habang sinusuri ang sapatos. Hindi ko alam kung natutuwa ba sya or hindi, lahat kami ay naka tingin sakanya. Nasa living room kami ng mansyon para magbukas ng mga regalo, kasagsagan ng pasko.

"Ah yan ba? Ako yan at ikaw, cute no?" Sabi ko ng kinikilig, hindi ko rin talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at nilagyan ko iyon ng chibi head namin. Hindi naman sya gaanong malaki kaya siguro ay okay lang. Umiling si Elio.

"Childish," Saad nya bago binalik sa box ang sapatos. Pinabayaan ko na lang sya sinabi nya.

Bumuntong hininga si Elio ng mapansin ang pananahimik ko sa kotse.

"Ano bang gusto mo?" Malumanay nyang sabi, umirap ako sa kawalan.

"Nevermind, di naman kita pinipilit." Inis kong sabi. Nasaktan talaga ako sa sinabi nya.

Gigil mo ako Elio!

"Okay." Sagot nya kaya mas lalo akong nainis, pagka-park ng sasakyan ay agad-agad akong bumaba at malakas na sinarado ang pinto ng sasakyan. Inis akong naglalakad papasok ng gate ng tawagin ako ni Elio. Napatigil ako.

"Zaeiyah, yung bag mo!" Huminga ako ng malalim ng mapansin na di ko pa pala dala ang bag ko. Kainis!

Putek naman na bag yan? Kung kailan nag-iinarte ako saka naman magpapa-iwan?

Bwesit!

Pumihit ako at masama ang tingin kay Elio ng naglalakad ako pabalik para kunin ang bag ko sa kotse. Nakita ko ang paglunok nya habang nakatitig saking mukhang galit na galit.

"Tsss," Sabi ko bago inikot ang mata ko sakanya, bago ako tumalikod ulit ay nakita ko ang pag-ngisi nya. Mas nadagdagan ang inis ko.

Bwesit ka Elio! Akala mo kung sinong gwapo? Pero gwapo nga talaga sya...

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon