Chapter 11

17 4 0
                                    

___

"Ba't ang gwapo mo? Hmm?" Natatawa kong sabi habang nakatingin kay Elio na naka-alalay sakin sa pagtayo, nasa elevator kami ngayon at gustong gusto ko ng mahiga dahil sa pag-kahilo, niyakap ko sya sa bewang ng patagilid.

Ang bango talaga!

"Bumalik na si Veronica ano?" Pikit-mata kong sabi.

"Sana pala hindi na kita pinayagan," Ramdam ko ang pag-iling nya pagkatapos nya yun sabihin sakin. Ngumuso ako at tiningala sya.

I want to kiss you Elio!

"Kung sumama ka sana edi sana hindi ako lasing ngayon kasi kung sumama ka haharutin lang kita doon ayiiie," Tumingkayad ako at pilit kong inaabot ang ulo nya para mapayuko sya sakin pero pumapalag lang sya. Hinampas ko ang braso nya at sumimangot

"Bakit ayaw mo? Gusto lang naman halikan sa pisnge? Pahalik ako please? Pa-isa naman oh?" Hindi sya sumagot sa sinabi ko pero nakita ko ang paglunok nya.

"Elio sige na! Pa-isa lang? Please?" Reklamo ko, hinawakan ko ang kwelyo nya at inaabot ang pisnge nya.

"Zaeiyah nga? Umayos ka!" He hissed, bumukas ang elevator at may pumasok na dalawa. Di ko yun pinansin at kinulit pa rin ang asawa ko.

"Sige na pa-isa lang oh? Gusto ko ngayon na! Ang sarap mo kas-" Naputol ang sinasabi ko nang bumukas ang elevator. Agad nya ako hinatak palabas. Di ako makasabay sa lakad nya dahil sa biyas kong maiksi.

"Arouch naman!" Umasim ang mukha ko sa nangyaring pagkatapilok. Lalo akong nahilo.

"May galit ka ba sakin? Yung totoo Love?" Natawa na lang ako. Sa sobrang kalasingan ko ay hindi na talaga ako makatayo nang maayos, tutulungan pa sana ako ni Elio para sana tumayo pero biglang nang nag-dilim ang paningin ko.

Kinabukasan, pag-gising ko ay ang masakit na ulo ang una kong naramdaman, parang binibiyak ang ulo ko kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa pagkakahiga muna.

Naramdaman kong may muta at laway pa ako sa gilid ng labi kaya pinagtatanggal ko muna yun. Shutaness! Kahit talaga maganda minumuta.

Tiningnan ko ang orasan sa side table at alas-nwebe na ng umaga. Haba nang itinulog ko ah?

"Hinayupak, kalurke!"  Ngiwi ko ng bigla akong nahilo pag-katayo ko sa kama, tumigil muna ako ng ilang minuto bago dumiretso na sa banyo para mag-ayos ng sarili. Ano bang nangyari kagabi? Panaginip ba ma dumating si Veronica?

Umiling ako at inalis sa isipan na bumalik na si Veronica, so what kung bumalik sya? Wala na syang magagawa dahil ilang months na kaming kasal ni Elio.

Ang mahalaga ngayon ay kasama ko sya, his kindness is enough for me, I’m very overwhelmed and happy by his small actions towards me.

I think that’s how it is when you love someone. Magiging masaya ka sa mga bagay na ginagawa ng mahal mo kahit gaano man ito kaliit o kalaki, kahit alam mo sa sarili mo na, sainyong dalawa ay ikaw lang ang nagmamahal. Mako-kuntento na ako na kasama ko sya araw-araw.

Paglabas ko sa kwarto ko ay sinigurado ko na mabango at sobrang ganda ko para naman mainlove sakin si Elio kahit papaano.

Tahimik ang buong condo, hindi pa siguro gising si Elio kaya nag luto na lang ako ng breakfast naming dalawa, pag-karaan ng ilang minuto ay lumabas na rin sya na naka blue plain formal polo shirt, maayos na nakatupi yun hanggang siko nya dahilan kung bakit kitang-kita ang wrist watch nya.

Walanghiya akong tumitig sa katawan nya! Kingina, bagay na bagay sakanya ang porma nya, saktong-sakto sa katawan nya ang damit. Napalunok ako.

"G-good morning love!" Ngiti kong bati sakanya, lumapit sya sa ref para kumuha ng tubig. Habang ako naman naglalagay na ng plato sa lamesa.

To Our Pure Little Beauty (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon